KAL
"KALISTER SAVILLAN!" Napalingon ako sa matinis na boses galing sa aking likuran. Bahagyang napakunot ang noo ko nang makilala ang babaeng matulin na tumatakbo sa gawi ko. Ano na naman bang trip ng babaeng 'to? Damn this girl!
Hingal na hingal pa siya. Ang bilis niya tumakbo, partida, nakaheels pa 'yan. Mas lalong bumagay sa kaniya ang Maroon na crop top niyang suit na pinarisan ng harem pants.
"Gosh Savillan! You're making me sweat na tuloy!" Nagsisimula na naman siyang magsalita sa sarili niyang lengguwahe. Napahawak pa siya sa bandang dibdib niya habang pinupunasan ang pawis sa noo. Hindi ko siya natiis tignan kaya agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa para ipunas sa noo niya. Hindi na naman bago sa'min 'to kaya sanay kami sa isa't-isa.
"Oh! You should always keep a hanky, Yezhiah Zey Amorsolo," nakangiting saad ko habang iniabot sa kaniya ang panyong hawak ko. Ginaya niya pa ako na animo'y batang nang-aasar. Bagay na kinasanayan kong makita, malungkot man o masaya.
"Sorry na po, Attorney. It won't fit kase sa outfit ko e! Imagine? I'm wearing this kind of outfit while holding panyo. Dzuh!" Hindi ko alam kung dapat pa ba akong makisabay sa kaartehan niya. Sa limang taong pagiging magkaibigan namin, halos araw-araw ko siyang sinasabayan pero minsan naiirita na ako sa kung anong kaartehang meron siya.
Damn you, Yezhiah!
"Better to leave you than hearing those freaking words again. Tch!" Nakita ko pa kung paano siya napasimangot dahil sa sinabi ko. Walang pag-aalinlangang tinalikuran ko siya para tuluyang makaalis sa lugar na iyon. Binuhay ko ang makina ng kotse ko at doon tuluyang pinaandar. Gusto ko nang makauwi. Hindi ko alam kung bakit, pero lagi kong nararamdaman ang ganitong excitement tuwing papauwi na ako. I want to see her. I want to see the girl who always took care of us—me.
My own kind of Maria Clara. My Mara...
"YOU FUCKTARD SAVILLAN! KAHIT KAILAN TALAGA HINDI MO NAISIP NA SUYUIN AKO, ANO?!" Gusto kong tumawa dahil sa paraan ng pananalita niya mula sa kabilang linya ng telepono. Kahit kailan talaga. Malalaman ko na lang na galit siya kapag nawawala na ang pagiging conyo niya.
"You know that I'm that kind of man, Zhiah. I'm not sweet, I don't do surprises or something cringe. So stop barking." Napangiti na lang ako nang marinig ang sunod-sunod na mura niya sa kabilang linya.
She's cute...
"I really hate you, Savillan! I won't never ever show up to you! Fuck you!" Napailing-iling na lang ako dahil sa inasal niya. Hindi na ako magtataka kung bukas makalawa may gagawin na naman siyang kalokohan sa'kin. Like ripping my hanky, drawing a dick on my face while sleeping, or cutting my hair!
Pinutol na niya ang linya kaya wala akong ibang nagawa kundi pabayaan na lang siya. She's a brat. My brat girl best friend since high school. Minsan na rin kaming napagkamalan na magkasintahan pero ang ginagawa namin ay gano'n pa rin.
"How's your trial, man?" Halatang abala si Callip sa ginagawa niya dahil hindi niya man lang ako nalingon. Ako ang kausap niya pero ang tingin ay nasa laptop na halos araw-araw niyang kasama. Naging abala na kami sa lahat kaya madalang na lang kami magkausap-usap.
"As always. Wala pa naman akong naipapapalya na kaso noon pa." Umiling na lang siya at nagkibit-balikat na parang walang narinig. Dumiretso ako sa pinakadulong kwarto para sana kamustahin si Mara.
Yes, almost 6 months na siyang tulog. Pinacheck na rin namin siya sa pinakasikat na doctor sa Manila pero kahit sila ay hindi alam kung paano gisingin ang babaeng ilang buwan bago magising. Alam namin na may sleeping disorder siya pero nakakapagtaka dahil inaabot ng ilang buwan bago siya magising. Sa pagkakaalam ko ay sapat na ang isang buwan para magising ang katulad niyang may sleeping disorder.
"Sa tingin mo magigising pa siya?" Bumuntong-hininga siya at umupo sa mahabang sofa. "I miss her laugh, smile, mouth like a cussing machine, her deafening voice, and everything all about her. How can I hear and see that again? Kung ang tanging makikita ko lang ngayon ay ang tulog na Mara. Walang... walang malay na Mara." Rinig na rinig ko kung paano pumiyok ang boses niya. Alam kong may iba pa siyang nararamdaman bukod sa pagmamahal ng isang kaibigan. It's obvious.
"You like her, Kuya Hez, don't you?" Gusto kong paniwalain ang puso ko na mali ang sinasabi ng isip ko. Parang gusto ko na lang bawiin ang tinanong ko.
"More than that." Mapait na lang akong napangiti dahil sa narinig ko. Wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ang ngumiti na lang para ipakita ang pagsuporta ko sa kaniya, pagsuporta sa bagay na ikasasaya ng kaibigan ko.
"She's not perfect, I admit it. Pero saan ba ako makakahanap ng ganitong babae? Babaeng tinalo pa ang sariling nanay ko dahil sa sobrang maalaga. Babaeng hindi mabubuo ang araw kapag hindi makakapagmura. Babaeng hindi basta-bastang sumusuko sa gusto niyang gawin. I really I admire this girl," sinserong sabi niya. Gustuhin ko man na hindi marinig ang mga iyon, parang may nag-uudyok pa rin sa kalooban ko na pakinggan ang mga sasabihin niya.
Sana hindi ko na lang narinig ang mga sinabi niya. Sana pala umalis na lang ako.
"Imagine? Someone having a wife like her will be so damn lucky. I'm one of those guy who really want to get her." Ang tingin ko ay nasa babaeng nakahiga at walang malay ngunit ang tenga at isip ko ay nakatuon sa katabi ko. Hindi ko alam pero sa tuwing naririnig ko ang mga katagang iyon, parang nanlulumo ang kalooban ko.
"Hezian really like her a lot since the day we kept her. She wants Mara to be her mother. I'm really happy that time when I heard my daughter calling her Mom."
Alam kong may nakaraan siya. Nakaraang minsan na ring sumira sa buhay niya. Nakaraang sumira sa propesyon niya. Saksi kami kung gaano siya nasaktan dahil kay Ate Leyvi. Ate Leyvi is his fiancé, supposed to be wife. Pero nang dahil kay Hezian, hindi natuloy ang kasal nila. Nabuntis ni Kuya Hez ang ex-girlfriend niya na naging dahilan upang masira ang relasyong mayroon sila.
"How 'bout you?" Nilingon ko siya at sinalubong ng matang nagtatanong.
"Me?" nagtatakang usal ko. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin kaya ibinalik ko ang tanong niya.
"I mean, do you like her?" Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang may batong nakaharang sa lalamunan ko.
Yes, l like her. But I'm willing to ignore my feelings for you—for my best friends.
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...