MARA
"Kailan mo kaya ako mapagtutuunan ng pansin? Darating kaya ang araw na 'yan? When will you feel my love?"
Nakapikit ang mga mata ko at nasa maayos na kalagayan ang sarili ko. Hindi pa ako agad na nakabangon dahil mga salita niya ang agad na sumalubong sa akin! Gustong-gusto ko na bumangon pero dinidiktahan ako ng isip ko na makinig na lang muna sa sasabihin ng lalaking nagsasalita. Sinusubukan ko rin na huwag mapaghahalataang gising dahil gusto ko marinig lahat ng sasabihin niya.
Suminghap ito. "I don't have any intention to confess my feelings. But how? Ayokong itago 'to kung ang tanging intensyon ko lang ay ang kalimutan ka. Kung kakalimutan man kita, it could be I want to or I have to. How funny is it right, Mara? My friends like—love you and so do I. How did you do that? Paano mo nagawang paibigin ang mga kaibigan ko na dati lang ay kinain na ng bitterness?" Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses habang nagsasalita. Ramdam na ramdam ko ang lungkot at pangungulilang naglalaro sa emosyon niya.
Bakit kayo nagkakagusto sa akin? Bakit kayo nagkakagusto sa isang babaeng pipitsugin? Isang babaeng may sleeping disorder. Isang babaeng pabigat lang sa inyong magkakaibigan. Bakit niyo ako nagustuhan? Gustuhin ko man na huwag manakit, nasisiguro kong hindi ko 'yon magagawa.
"I want you to be my girlfriend, but obviously, it's impossible. You're in love with him—too fortunate. I wish I was him," bumuntong hininga siya. "Sana pagkagising mo, ako na agad ang bagong mahal mo." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya dahil sa sariling sinabi.
Kung may makakakita man sa kaniya ngayon, paniguradong mapagkakamalan siyang baliw. At sinong tanga ang kakausap sa taong tulog? Malamang siya. The one and only—Callipeigh Han Salvaro!
"There you are fucktard!" Umalingawngaw sa kwarto ang boses ni Kal. Mas lalo akong naganahan na magkunwari dahil may suspetsya ako na may pag-uusapan 'tong dalawa.
Narinig ko ang ingay na nagawa ni Kal sa pag-upo sa chesterfield ng kwarto. Yes, maraming gamit ang kwartong 'to, na noo'y pagmamay-ari ng demonyong abogago.
"What are you doing here, bro? Hinihintay mong magising?" Ramdam ko ang kuryusidad sa boses ni Kal. Lalo akong nagkakaroon ng interes para magkunwaring tulog at walang alam.
"Y-Yeah... and I miss her, that's why." Bahagya akong napalunok dahil pakiramdam ko hindi ko makakayanan na pakinggan ang buong pag-uusapan nila.
Kayanin mo Margarette Leora!
"Nothing's new, everyone missed her, even him." Kilala ko ang taong tinutukoy nila. Ang pinagtataka ko lang ay kung paano nila nalaman na may pagtingin din ako sa lalaking 'yon? Wala akong natandaan na nagsabi ako sa kanila.
"I know, and you're one of my rival. Tsk!" mahinang asik niya, sapat na para marinig ng mga tao sa loob ng kwarto.
"Hmm, but I don't have a plan to court her. I'm contented on what relationship we had now," walang pasubaling aniya.
Sana lahat ng lalaki ay may ganitong pag-iisip. Masaya na rin naman ako kung anong meron kaming lahat—friendship. Sino ba namang mag-aakala na ang isang babaeng may sleeping disorder ay makakakilala ng limang lalaki, 'di ba? Kontento na ako roon.
"Why?"
"Because I need to." Ramdam kong gusto nilang lumabas ng malumanay ang mga salita sa bibig nila para hindi magkainitan. Alam kong iniiwasan nila na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil lang sa matatalim na salita.
"You need to?" untag ni Callip.
"I need to let her go. She's not mine anyway, except if she'll claim herself as mine. l will grab that opportunity," seryosong ani Kal. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko habang patuloy sa pakikinig ng usapan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...