Kabanata 20

105 2 0
                                    

MARA

"What happened to you and Yezhiah?" Iyan agad ang salubong ni Kal sa akin. Nakaupo silang apat sa mahabang sofa habang prenteng nakacrossed-arm. Mas lalo pa akong nairita nang maalala ang nangyari sa mall.

Kompleto pa ang paper bags na dala ko bago umuwi, tapos ngayon paper bag na lang talaga ang naiuwi ko. Hindi ko na alam kung saan napunta ang mga laman nito. Kung hindi ba naman dahil sa Yezhiah na 'yan! E 'di sana nakauwi ako ng maayos at naiuwi ko ng kompleto ang mga binili ko!

"Pwede bang 'wag muna ngayon? Mamaya na lang please," iritadong sabi ko. Ayaw ko naman na pati sila ay mapagbuntungan ko ng galit. Kanina pa talaga ako naiirita pero ayokong mag-alburuto sa taxi.

"At ano 'yang dala mo? Nagkandungis-dungis pa ang itsura mo, para kang batang gusgusin." Napairap na lang ako dahil sa pang-aasar ni Hezu. Talagang nagawa niya pang asarin ako, ha?

"Anong dala ko? Paper bag. Bumili ako ng paper bag sa mall tapos nakasalubong ko si Yezhiah kaya nagmukha akong uhuging bata," pagpapalusot ko. Paper bag na lang naman kasi ang nadala ko. Wala na ang mga damit at anklets na dapat ay ibibigay ko sa kanilang lima. Wala na lahat maliban sa paper bag at wallet ko.

"Alam mo, Kal, matagal na talaga ako nagtitimpi riyan sa kabigan mong conyo!  Aba! Kapag talaga pumunta 'yang babaeng 'yan dito, lulunurin ko talaga siya sa swimming pool." Ilang beses pa lang ako  nakapunta ng mall, pero unang beses ko pa lang din nakaladkad. Mariin akong napapikit at pilit na pinapakalma ang sarili. Idagdag pa 'yong babaeng nadamay namin kanina.

Siya kaya 'yong Hyacinth na tinutukoy ni Saint? Sana magkapangalan lang. Sana mali ang iniisip ko.

"Calm yourself, Mara. Kumain ka na ba?" Pag-iiba ng usapan ni Hezu. Paano ako makakakain kung 'yang Yezhiah na 'yan ay ayaw ako tigilan! Sa susunod na lakad ko, magdadala na ako ng gunting. Kakalbuhin ko talaga siya!

"Kalma? Ikaw kaya kaladkarin ko sa Cr ng mall! Tapos umuwi na paper bag na lang ang dala dahil ninakaw na ang mga laman ng paper bag na pinamili mo! Tapos sabihan kita na kumalma, kakalma ka kaya?" Hindi ko napigilan ang sarili na pagtaasan siya ng boses dala ng inis at galit. Ang tatlo ay nakatingin lang sa akin at mukhang takot pa na magsalita.

"I thought you went there just to buy a paper bag..." ani Callip. Nakakunot ang mga noo nila at halatang iritado na.

Pumunta na lang ako ng kusina para kumain at pakalmahin ang sarili. Naiiyak ako na naiinis kapag naaalala ko 'yong mga pinamili ko. Ano pang ibibigay ko sa limang lalaking 'yon? E ninakaw na lahat. Kahit isang item walang natira, kaya paper bag lang ang dala ko pag-uwi.

"Mom!" Nilingon ko ang batang kabababa lang ng hagdan. Nakasuot pa siya ng uniporme at halatang kararating lang galing school.

"Have you eaten your lunch?" untag ko sa kaniya. Umupo muna siya sa harap ng upuan ko bago niya ako sinagot.

"Yes, Mommy. How 'bout you?" Minsan talaga naiinggit ako sa paraan niya ng pananalita. Napaka-slang at halatang galing sa mayayamang pamilya. Samantalang ako, galing Bicol na napadpad lang sa Manila dahil sa pinsan kong payaso.

"Hindi pa ako nakakain, galing akong mall e. Pero, Ley, may itatanong ako. Sa'tin lang 'to ah?" Lumapit ako ng kaunti sa kaniya para maiwasang may makarinig na iba.

"All about?"

"All about Saint." Kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya na siyang ipinagtaka ko. Pero isinantabi ko na lang iyon dahil gusto ko na talaga magtanong sa kaniya. Sana naman ay may alam siya.

"Kilala mo yung Hyacinth?" mahinang tanong ko. Kumunot ang noo niya at halatang inaalala pa kung sino ang tinutukoy kong tao.

"Hyacinth? Where did you hear that name?"

"Kay Saint," tipid kong sagot.

"Hyacinth is his fiancé but the two of them broke up already, why?" May kung anong panlulumo ang naramdaman ko nang banggitin niya ang salitang 'fiancé'.

"Alam mo ba 'yong rason kung bakit sila naghiwalay?" Kibit-balikat lang ang isinukli niya sa akin. Mukhang iyon lang ang alam niya, sayang naman. Gusto ko pa naman itanong kung anong itsura nung Hyacinth. Akmang tatayo na ako para magsandok ng pagkain pero may biglang sumingit sa usapan namin.

"Because Hyacinth had an affair with other guy, that's what he said." Napalingon ako kung saan nanggagaling ang malamig na boses na iyon. It was Hezu, standing near the sink.

"Go back to your room, Hezian." Nginitian ko lang si Ley bago ito umalis. Sinundan ko ng tingin si Hezu na ngayon  ay papaupo na sa inuupuan ni Ley kanina.

"Ilang taon tumagal ang relationship nila?" Kinakain na naman ako ng kuryusidad ko kaya hindi ko mapigilan ang magtanong nang magtanong.

"6 years," tipid niyang sagot.

"Nakita mo na ba 'yong Hyacinth na tinutukoy mo?" Tumango siya at tumikhim bago muling nagsalita.

"Yes, lagi namin siyang nakakasama dahil dito pa nakatira si Saint noon. Hindi ko nga alam kung bakit siya lumipat ng bahay noong kayo na ang magsasama." Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Baka dahil gusto niya lang gawin ng maayos ang deal? Pero mukhang wala ng deal na nangyayari ngayon. Ni isang beses sa isang buwan na nga lang siya magpakita sa akin.

"Pwede mo bang sabihin kung anong itsura ni Hyacinth?" No'ng una ay halatang nagtataka pa siya pero nang tumagal ay tumango siya.

"Hyacinth's hair is curly, her eyes are brown, tall, thin, her body is perfect slim, always apply make-ups, and her superior looks." Doon ako tuluyang nanlumo dahil halos lahat ng binanggit niya ay nakita ko sa Hyacinth na nasa mall. Gustuhin ko man na hindi paniwalaan ang sinabi ni Hezu pero tumatatak pa rin sa utak ko na siya nga talaga ang babaeng 'yon.

Ang kaniyang kayumangging mata na talagang mahihikayat ka na titigan ang mga ito. Her prefer slim body like a popular model, ang kaniyang make-up na nagkakapalan ngunit hindi ko maitatanggi na bagay sa kaniya iyon, at ang kaniyang mataray na itsura.

Napabalik lang ako sa aking ulirat nang kalabitin ako ng kasama ko. "Bakit?"

"Are you okay?"

"Okay lang ako, may naalala lang. May sasabihin ka pa ba?" May inilabas siyang maliit na box. Namangha ako nang tuluyan niyang ilabas kung anong laman niyon. 

"Wow ang ganda, isasangla mo ba 'to?" Puno ng pagkamangha ang boses ko habang ang mata ay nakatingin sa pulseras na hawak niya. Minsan ko na rin itong nakita sa bilihan ng jewelry pero wala pa akong pera nang mga oras na iyon kaya hindi ko ito nabili.

"No, this is my gift for you. Give me your hand." Nag-aalangan man pero iniabot ko sa kaniya ang kamay ko. The sterling silver-round moon star bracelet chain, na ngayon ko lang matatanggap. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong bagay.

"This bracelet symbolizes my..." Hindi niya tinapos ang sinasabi niya kaya ako na mismo ang nagtanong sa kaniya.

"My?" tanong ko.

"My love for you..."

“Hezu....ayoko. 'Wag ako.”

“This is not a proposal, Mara. Let me just expose my feelings by giving this thing.”

Inabot niya sa akin pero hindi ko iyon tinanggap. “Hezu....” Tinitigan ko siya sa mismong mata niya at malumanay na nginitian. “Alam mo na naman 'di ba?”

Tumango siya.

“Alam kong may darating pang iba. Itago mo 'yan at ibigay sa kaniya. Trust me, someone will come and willing to accept you, worthily.”

•••

RaineeeNeee

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon