Chapter 40

26 5 0
                                    

Natagalan? Busy. Chus! Tinamad lang at wala akong maisip na chapter plus wala akong pera pampa-surf kaya d naka upload. Hahaha.

. . .  . . . .

Alex.

"LOURD!"

Parang take two lang to nang nangyari nung isang araw ah. Saka para lang tumatawag sa may kapal si ate Nayumi except na yung tinatawag nya kulang nalang sunugin nya ng buhay. Napailing nalang ako at nakita ang disoriented na si kuya na di pa nakakaligo at nagbukas ng pinto.

"MALIGO KA NA!" and with a splash nabasa ulit si kuya at nagising.

Wow. Equip si ate Nayumi ngayon at effective ang paggising nya kay kuya. Kasi gising na gising na sya ngayon kaso galit na galit na rin sya. Uwaaaa! Takbo!

"NAYUMIIIIII!!!" ayan kaya paunahan kami ni ate Nayumi sa pagbaba ng hagdan.

Hingal pero pigil ang tawa namin ni ate Nayumi nang makaabot kami sa salas. Last rehearsal kasi nila ngayon kasi bukas na ang isa sa mga araw ng bandfest, dalawang linggo kasi ang bandfest. Bukas ng gabi ang isa at ang isa naman ay next week kaya kelangan na mag finalize ng mga kanta para set nila bukas sila pa naman ang unang bandang sasalang. Kaso si kuya simula nung araw na yun lagi na lang kasi syang nagspispace out o di kaya may times na tatahimik sya o di kaya ganyan, magmumukmok sa kwarto kaya kelangan pa talaga naming iimport si Ate Nayumi since sya lang naman ang may inner courage bulabugin si kuya. Kaya yan. Ganyan na ang routine namin pag di lumalabas si kuya. Una nyan nagwawala ng tawag at inis tapos bababa na yan na nakaligo na at presko at balik na rin sa dati. Yung pilyo at protektive na kuya.

"Oh, tara na? Bagal eh." hirit nya pa kay ate Nayumi na laging natitigilan kapag bagong ligo si kuya, wet hair pa, maganda ang ayos at pormang porma at may kasama pang pilyong ngiti at wink. Naks. Nga-nga si Ate Nayumi sa kagwapohan ni kuya.

"Ooh. .baka pasukan ng langaw yang bibig mo. .masira pa vocal chords mo." biro pa ni Kuya na sinagot ng isang malaking irap at 'che' ni ate Nayumi at walk out. Oh ha. Me attitude.

"Alis na tayo. Alis na kami ma. ." pagpapaalam ni kuya kay Mama saka tumango sakin. Sama kasi ako, clase pa kasi actually late na kami kaya second subject na ata dadatnan ko, sila kuya naman excuse sa mga subjects ngayon. Kaya malaking, unfair talaga but on second thought di rin naman ako nakikinig kaya okay lang siguro.

Minutes later nakapasok na ako sa classroom at pagpasok at pagpasok ko palang napansin ko agad na wala si River sa upuan nya. Ilang araw na syang absent at minsan nagpapakita sya minsan naman nagka-cut lang ng classes. Kaya di ko talaga maintindihan kung dahil ba sa practice ang pag-aabsent nya o may ibang dahilan?

Hmmm.

Dere-deretso umupo na ako sa upuan ko at sinalubong ng isang malawak na ngiti ni Steven, halos di ko na makita ang mata nya sa pag ngiti nya, ang cute talaga tingnan ni Steven while si Dreux naman tinitigan lang ako at tapos nun deadma ulit.

Problema ng lalaking to. Ilang araw na rin tong weird at minsan nawawala at kasama si Antonia, minsan tuloy naiinis ako bigla sa babaeng yun. Ngayon ko lang kasi nakita si Dreux na umalalay sa isang babae.

Ignoring him and his moods umupo na ako sa upuan ko at hinanda ang sarili ko sa isang boring na clase.

Hours later, LUNCH TIME NA!

* *

"Oi! Ano ba!" awat ni Rao kay Travis inaagaw kasi nito ang pagkain na ginawa ni Aizz. Kami naman papaupo palang sa table. Nauna kasi sila sa amin. Tong mga ungas na to ang wild. "Akin na sabi yan. Gawa yan ng girlfriend ko!"

"So? Magkaibigan tayo. Dapat share!" bwelta ni travis. Napailing nalang ako habang tumatawa si Aizz. Umupo na kami sa usual place namin at una kong napansin. Wala si Sigh.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon