Chapter 47

55 5 3
                                    

Sigmund.

Nasaan kaya ang batang yun? Hanap ako ng hanap hanggang sa makita ko si Dreux, si Steven at Alex pero wala naman si Antonia kaya kahit saglit parang nabunotan ako ng tinik. After nun naghanap pa ako.

After two years nahanap ko rin ang bata, andun lang sa labas bumili ng ice cream sa isang kart na dumaan.

-_- ang bata talaga.

"Hoy!" tawag ko sa kanya pero di nya ako nililingon. "Hoy!" tawag ko ulit pero wala pa rin kaya sa inis ko ay nilapitan ko sya saka kinaladkad.

"Ano ba. Bitiwan moko. Kidnapping ka!"

"ooh. Kidnapping kasi kid ka talaga. Pero wag kang feeler. Hinahanap ka nila Nayumi. Ako napagbuntongan kaya tahimik!" sabi ko sa kanya habang kinakaladkad pa rin sya papuntang music room.

"okay. Pero bitiwan muna ako."

Napalingon ako sa kanya at alangan na binitawan sya. "feeler. Akala mo naman nag eenjoy akong hawakan ka. Tss."

Hindi lang sya nagsalita pa saka naglakad na kami sa music room at dinatnan na nag-aaway na naman si Nayumi at Lourd.

Kailan kaya sila tatahimik? Puputi nalang ata ang uwak at mag-aaway pa rin tong dalawa.

"Hoy! Ayos na kaya ang pagkanta ko! Ano ba problema mo?" Si Lourd, halatang nagtitimpi kay Nayumi.

"Mali ang tono. .masyadong nagfaflat. Ayusin mo!" banat pa ni Nayumi na nakapameywang sa nakatayong si Lourd. Kamut ulo sa inis bumalik si Lourd sa pwesto nya sa may drums at may mic kasi nagduduet sila ni Nayumi.

Natahimik din sila sa wakas pero mi mapansin akong smile sa mukha ni Lourd na para bang me iniisip na kung ano.

"Okay. From the top." utos ni Nayumi na sinunod naman ng lahat.

Isang entrance keys ang pinatugtug ni Cristoph na isang lead guitarist tapos sinabayan ni Andrew tapos si Lourd. Maganda ang simula ng kanta pero nung pabuka na ang bibig ni Nayumi para kumanta biglang isang rock beat ang tinugtug ni Lourd.  Naghahampas lang sya sa drum na para bang naaliw sa musika. Para nga syang nasa isang drum competition sa bilis nyang magbeat at hampas. Habang ako naman napapatawa sa ginawa ni Lourd gayong nagugulohan at napatigil yung tatlo.

Namumula ang tenga ay parang bulkang sumabog si Nayumi.

"LOURD MENDEZ!" para talagang end of the world na pag nakikita mong nag aalburoto si Nayumi pero si Lourd ay sobrang kalmado at nakangiti pa.

"Oh. Atleast may justice na ang pagtawag mo ngayon sa pangalan ko.." naka-smirk na sabi ni Lourd kay Nayumi na hanggang ngayon ay namumula pa rin sa inis.

Kami naman nagpipigil lang ng tawa. Dakilang perfectionist kasi si Nayumi at control freak kaya gusto nya nasusunod talaga sya.

"ARGHHHH!!!!!" inis na sabi niya saka nagwalk out. Napatanga kami sa ginawa nya at tiningnan si Lourd na nagkibit lang ng balikat at bumalik sa kanyang pwesto.

"antonia. .you know the songs right?" tanong ni Lourd kay Antonia na sinagot nya lang ng tango. "Good. .ikaw muna vocalista namin."

Nakita kong nag-alangan si Antonia pero nakangiti sa kanya si Lourd na para bang batang di mo matanggihan. Napailing nalang ako ng sumagot si Antonia ng okay at mabilis na umalis sa music room.

Walking away nagliwaliw nalang ako sa paligid. Thinking bat maraming nagkakagusto o nakakaappreciate kay Antonia? Bata sya kung kumilos, isip bata at bata ulit.

Aist. Nakakasira na talaga ng ulo yang babaeng yan.

. . . . . . . . . . . . .

Alex.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon