Chapter 11

75 5 0
                                    


New class, ayan kakapasok ko palang ng clase me dalawang buntot agad ako. Automatic? Tsss.

Sa hallway palang sinalubong na ako ng masasamang tingin isama pa ang nakakalokong ngiti ni Rao. Parang ang sarap alisin sa mukha nito ang nakakaloko nyang ngiti.

"wow. .me dalawang buntot ka na."

"yeah. .tumubo sila kagabi palang." sagot ko dito na man na ikinasimangot ni Dreux. Oops. Sorry naman.

"parang alam ko na ang dahilan. ."

"ang ingay mo. .para kang babae." angal naman ni Dreux saka hinila ako para mas mabilis na makapaglakad. Napalingon pa ako kay Steven na nagdilim ang mukha sa ginawa ni Dreux. Infairness nakakaloka na ang mga nangyayari sa buhay ko.

Bulong-bulongan agad, stare daggers at killer eyes ang sumalubong sa akin.

Ooh well, Sorry girls. Napag-utosan lang sya. Balik ko rin sya soon.

Umabot na kami sa pintuan ng classroom at agad naman kaming sinalubong ni River. Isa pa tong lalaking to. Naghahanap ng gulo. Tsk.

"morning student buddy.."nakangiting salubong ni River sakin.

Di ako umimik, si Dreux naman nakatitig lang kay River habang cool na cool lang masyado si River na parang wala lang si Dreux sa harap nito.

Si Steven ang unang bumasag ng katahimikan at nginitian si River, yung ngiti ni Steven ang cute at ang gwapo talag nya. Kalmado lang kasi si Steven lagi.

"morning River. .una na kami sayo." sagot ni Steven saka hinila ako sa direksyon ng upuan ko.

Uso ba ngayon ang hilahan?

Bago ako tuluyang mahila ni Steven ay nakita ko na napakunot ng noo at nag-iba sandali ang reaksyon ng mukha ni River, napaisip tuloy ako kung anong iniisip nito.

Bou naman akong nakarating sa upuan ko. Pero nakakaloka ang mga pangyayari, umaga palang parang full of dramatic events agad. Haist. Bakit ba naman kasi lumipat pa ng paaralan si River eh, yan tuloy todo higpit ang seguredad ko ngayon. Tinalo ko pa ang first family at may PSG talaga ako.

. . . . . . . . . .

Raolin.

Haha. Nakakatuwa ang kainosentehan ni Alex isama pa ang pagiging protective nila Dreux at Steven. Kulang na lang ata human barricade at wala ng makakalapit pa kay Alex. Tsk. Kawawang Alex.

Maingay na sa Klase dahil sa pahila-hila ni Steven sa kanya pati na rin ang pahila-hila kanina ni Dreux sa kanya, napansin ko pa nga ang A-team na nagchichismesan agad.

Napatingin ako sa kanila at nahuli ng mga mata ko ang titig ni Aizz kay Dreux na kasalukuyang tahimik na nakaupo sa kanyang pwesto. Napa-iwas agad ako ng tingin. Ayaw ko kasing makita yung mga titig na yun. Parang me kung ano.

. . . . . . . . .  . .

Aizz.

Ano kayang nangyari? Bakit parang me something kay Dreux? Si River naman balik sa pagiging masayahin nito. Tss. I know that act cause I pull one sometimes. Cool kasi sya masyado at nakangiti lang palagi. Making jokes and laughing,  Nagpapaimpress sa mga girls at sa mga taong nakapalibot sa kanya pero napapansin ko na ilang beses syang tumitingin kay Alex ng palihim o pasulyap kaya nahihiwagaan talaga ako. Ang mga kaibigan ko naman hot topic ang eksena kanina, di sila makaget over sa paghila ni Steven kay Alex pati na rin sa pagbabantay ni Dreux at pagkakahawak nito sa kamay ni Alex ng pumasok sila sa classroom. Ano ba yan nakakasakit ng ulo ang mga pangyayari.

Napatitig din ako kay Alex na parang wala lang, hindi ko alam kung inosente sya o umaacting lang.

Naptingin pa ako sa ibang dako at nakitang nakakuyom ang palad ni Rao. Napakunot ang noo ko, ano namang problema ng isang to?

Bigla naman itong lumingon sa direksyon ko kaya napaiwas agad ako ng tingin.

Gosh. Ano kaya iniisip nun ng mahuki nya akong nakatingin sa kanya? Gusto kong lumingon ulit pero nahihiya ako pero nanaig parin ang curiosity na lingonin ko sya kaya sinubukan ko. Dahan-dahan ko syang tiningnan at nakatingin pa rin sya sakin. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya at umayos ng upo. Medyo nadiin ko pa ang kamay ko sa upuan pero kahit na ganun ang hiya pa rin ang nangngibabaw. Jeezz.

Napansin kung gumalaw si Rao sa gilid ng mata ko. Nasa likoran kasi sila kaya sa kaba ay nag sit up straight ako at tinuon lahat ng attensyon sa whiteboard. Gosh. Why am I feeling this weird way? Simula ng munting palabas ni Rao ay di na ako mapakali kapag andyan sya.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon