Chapter 51.2

42 4 7
                                    

Alex.

"ANTONIA!!" napahinto ako at tinitigan si Sigh na sumisigaw, napaligon din ako sa tumatakbo at napasubsub na si Antonia.

Shoot. Anong nangyari?

Tatakbo sana ako para tulungan si Antonia kaso nakita ko na sumugod si Sigh at sinuntok si Dreux.

"DREUX!" sigaw ko pero huli na, tumama na kasi ang suntok ni Sigh kay Dreux at napaupo na ito sa damuhan.

Shoot. Ano ba kasing nangyari.

Napalingon ulit ako kay Antonia na tumatayo na ngayon at nagpahid ng luha. Halata sa mukha nya ang pagkalito, kung ano ang dahilan ng pagkalito nya di ko alam. Pero mukhang di na talaga maganda ang nangyayari.

Lumakad ako papalapit sa kanila, ganun din si Antonia at maya maya lang ay biglang dumating si Steven. Tiningnan nya ako in an apologetic way, tapos tiningnan si Antonia saka yung dalawang nagbabasagan na ng mukha.

Umiling si Steven sakin na para bang nababasa ang iniisip.kong pag awat sa dalawa.

"Its too dangerous. ." sabi pa nya habang hinahawakan ang braso ko.

Napapako nalang ang paa ko habang tinititigan ang dalawa na nagsasagupaan. Maya-maya pa ay dumating sina Travis at Rao at inawat ang dalawa kaso sobrang naiinis talaga si Sigh. At dahil isa lang si Rao na pumipigil sa kanya kaya nakawala ito buti nalang napigilan siya ulit ni Raot Travis, si Dreux kasi kalmado lang masyado at si man lang natitinag.

"Anong nangyari??" tanong ko sa kanila kaso di nila ako pinapansin.

Si Dreux calmado lang na nakatayo at nakatingin kay Sigh habang si Sigh nag ngingitngit na.

"Sira ulo ka! Ano ba talaga problema mo? Ano ba talaga ang gusto mo? Me Alex kana pero dinedate mo pa rin si Antonia!" galit na galit na sabi ni Sigmund. Nakikita mo talaga sa mata nya ang bagsik nya. Si Dreux naman nag smirk lang habang pinapahiran ang dugo sa labi nya pero halatang di sya masyadong nasaktan.

Pero teka, anong kinalaman ko? Kaibigan ko lang naman si Dreux ah. Ano ba tong pinagsasabi ni Sigh? Mandamay?

"Pakialam mo?" malamig na tanong ni Dreux kay Sigh, halata sa boses nya na hinahamon nya si Sigh.

"Me pakialam ako!. .sasaktan mo lang si Antonia. . No mali! Sinaktan mo na pala sya! At sasaktan pa. .Kaya pwede ba layuan mo sya! O di kaya seryosohin mo sya!"

Ngumiti ulit si Dreux kay Sigmund na para bang wala lang at nang-iinis. "bakit ko sya lalayuan? She's my fiancè remember?"

Napalunok ako. Fiancê? Ikakasal na si Dreux at Antonia? kaya ba?

"yes. .pero di mo naman sya gusto! Sasaktan mo lang sya!" nagtitimpi si Sigh pero halata sa bigat ng paghinga nya ang galit na kinikimkim nya.

Naguguluhan na talaga ako sa nagyayari.

"so? Paki mo?" cold na sagot naman ni Dreux kaya mas lalong nagwala si Sigh at sumugod ulit. Sinuntok nya si Dreux na umiiwas lang ke at sumasangga habang umatras na sina Travis at Rao, sa kung anong dahilan di ko rin alam. Si Antonia naman natatakot na ata habang si Steven mataman lang na nakatitig sa dalawa. Pinapabayaan nalang talaga nila si Sigh na magwala at si Dreux sa kung ano mang iniisip nito.

"lumaban ka ulol!" sigaw ni Sigh ng maka distansya si Dreux dito.

"I don't need to." pasimple nyang sabi na parang dalawa ang ibig sabihin. Yun bang hindi na nya kelangan pang lumaban para ke Antonia para lang manalo kasi alam nya na mananalo sya.

Napatitig ako sa kanya at napakagat ng labi. Bakit parang me kumurot sa puso ko sa isiping yun. Si Dreux kasi parang cool at pinagtatanggol talaga ang pagiging fiance nya kay Antonia.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon