Chapter 54

22 3 2
                                    

Alex.

"te-teka... hoy! teka lang!!" Napalakas na talaga ang boses ko at napahila ako sa kamay ko. Sa totoo lang kanina pa ako nagtataka kung saang lupalop ng mundo ako dadalhin ni Dreux, pero kasi hindi ko alam kung bakit ang tahimik nya at kung bakit nanlalamig ang kamay nya, isama pa na namumula ang tenga at leeg nya. Parang tuloy me plano syang masama sakin, ihulog ako sa bangin at pabayaan o kung ano at kinakabahan sya na malaman ang plano nya.

Ooh na. exagerated pero malay ba, ikaw kaya ang malagay sa sitwasyon kung saan nakikita mo ang kaibigan mo na napaka seryoso pero di mapakali.

"Me plano ka bang ipa salvage ako o ano?---" o seryoso ka sa sinabi mo na i-date ako? Kasi---kasiiiiii...

Puga. Pati tuloy ako kinakabahan sa nangyayari eh.

Date me.

Date me.

Date me.

waaaaaaah!!! Date him???

Gulay ko pong teteng!!

"W-wal-la.."

ha? Nagstastammer si Dreux?

"anong sabi mo?"

"sabi ko ---manhid ka..tanga pa.. kaso mahal pa rin kita..--- wala"

asdkfglmn?

"ano ulit yun?"

"sabi ko---mahal kita  ---- wala!"

Me sinabi ba sya o binulong? feel ko kasi meron eh. Pinagloloko ba ako ng lalaking to?

"Tara na nga.." Yaya nya sakin sabay hila ulit.

Aba namumuro na sya sa kahihila sa akin ah. Ha! kung di lang nakaka-enjoy--este kung di lang sya kaibigan ko binugbog ko na sya.

"Ba't ka namumula?"

"ha?" Napaangat ako ng tingin at nakita syang nag-iwas ng tingin sakin.

"sabi ko bat ka namumula.."

Namumula ba ako?

Napahawak ako sa mukha ko at kinapa ito saka tinngnan sya ulit.

"ikaw, bat ka rin namumula?" Ha! kanina pa sya namumula tapos me gana syang ibalik sakin yun. Kala nya ha. Pero seryoso ng tinanong ko sya bigla syang mas namula at nag tense at biglang iwas ng tingin.

"rosy cheeks lang talaga ako." supladong agot nya sabay lakad at hila sakin ulit. Ako naman napasunod nalang sa kanya. Kasi naman, me choice me choice??

After one million years, dumating din kami sa isang parte ng school, yung eco-garden. Tahimik kasi dito saka ewan ko rin kung bakit dito ako dinadala ni Dreux. Feel ko kasi ang awkward, ito kasi yung sekretong tagpuan namin ni River. Dito nya ako ginagawan ng tula at kanta at minsan kinakantahan. Para tuloy pakiramdam ko naging parte at bahagi ng pagkakaibigan namin ang lugar na to.

"Ba-bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko ke Dreux na nakatalikod na sakin at binitiwan na ang kamay ko. Pakiramdam ko tuloy biglang nag iba ang paligid.

"To erase his memory and let it be replaced by mine..... "

Kasabay ng pagsalita ni Dreux ang paghalik ng hangin sa paligid namin, wala akong narinig sa sinabi nya pero pakiramdam ko me sinabi sya. Ang tanong ano?

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon