Chapter 33

43 5 0
                                    

Alex.

Next-next week na ang band fest pero ngayon pa lang nakapaskil na ang mga posters sa school at sa venue ng lugar na iheheld sa isang open plaza. Napatitig ako sa flyers na hawak ko. Nasa me open field kami ngayon, sa may bleachers lang nakatambay, yung sa usual spot ko kapag umaalis sa grupo o minsan kapag sinusundan ako ni River. Yung me puno tapos me upuan na pa-circle.

"Ang mahal ng ticket." angal ko pa. Nga pala nasa school ako at break time and since nakita ako ni kuya kahapon with River edi well o well Im guarded. Again.

"tsss. .libre ka naman ah. Diba may VIP pass ka pa nga dahil ke Lourd?" naiinis na sabi ni Rao. Wala kasi syang Ticket. Ibibigay daw ni kuya kay Steven at Dreux kasi sila naman daw yung PSG ko.

"me pera ka naman. Bili ka kaya." suhestyon ko pa.

"tsss. .mas maganda ang libre."

"sabihin mo nalang nagtitipid ka kasi kelangan mo pang ibili ng ticket si Aizz." tukso pa ni Travis sa kanya kaya napatawa kami.

Kuripot talaga to si Rao.

"tssss. .ang mahal kaya. Saka student pa ako noh. ."

Napailing nalang si Steven habang tumatawa. Si Dreux naman tinapik sa balikat si Rao."No worries. Ibibigay ko nalang yung akin sa'yo."

Napangiti ng malapad si Rao. "Talaga????"

Tumango naman si Dreux sa kanya.

"pero pupunta ka naman diba?" Si Rao.

"syempre. .I'll be with Alex." sagot naman ni Dreux habang di tumitingin sa akin.

"Well. .sa'yo na rin yung sakin para naman maka-silip din si Aizz sa backstage." nakangiting sabi ni Steven kaya mas lumiwanag ang mukha ni Rao. Naks! Puro libre! Hamgdayyyya!

"Hoy!!! Paano naman ako? Pag-me girlfriend na bumabait kayo? Ako rin naman ah. Me girl---- me dinedate." angal ni Travis na napatayo pa talaga.

Tong batang to parang di mayaman.

"tsss. .me dinedate ka nga kaso gf mo? Hindi. Saka di ka naman seryoso dun eh." angal pa ni Rao.

"Bakit me requirements ba na dapat seryoso para malibre din?"

Ungas talaga ang barkada ko. Napailing nalang ako habang nakangiti.

"tumigil ka Trav. .yan problema sa maraming babae. .magastos." nakangiting sabi pa ni Steven na naamuse din kay Travis.

"Mas magastos ang kotse. Milyon at hundred thousand ang maintenance. ." bwelta pa ni Trav na nakatingin ke Dreux habang umuupo.

"oops--oops--oops. .ano naman ang kinalaman ko dyan? Babae ang pinag-uusapan natin di sasakyan."

"actually. .babae nga kaso pinoint out ni Steven ang gastos kaya nalink sayo." depensa pa ni Travis kay Dreux.

"Ulol. .ikaw lang ang nag-konek nun." Si Dreux.

"tssss. .tumigil na nga kayo. Ingay nyo. Isa pa.---" napatingin ako ke Rao.---"Asan si Aizz?"

"ummm. .kasama yung pinsan ata nyang babae. ."

"babae o lalaki?" si Travis.

"babae. ." sagot naman ni Rao.

"eh sino yun?" turo pa nya sa may kalayuan kaya napalingon kami at napakumpol talaga sa tinitingnan ni Travis.

Teka-teka, sino yun? Taga THORPPE ba yun?

Pero mas worst me kaguluhan ata.

. . . . . . . . . . . .

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon