Chapter 42

26 5 0
                                    

Alex.

Natapos ang boung morning class na wala akong ginawa kundi magdrawing ng waterfalls, lake, dagat. .pati ata fishpond tanging ilog/River/suba/sapa ang hindi ko dinrowing. Bitter eh.

Lunch time at tinatamad akong umalis ng biglang hatakin ulit ako ni Dreux.

Saan na naman kami pupunta nito?

Kinaladkad nya ako hanggang sa umabot kami sa parking lot. Nakabike o motor ulit sya. Wonder talaga kung bakit nya dinala dito ang pinakamamahal nyang auto dati. Ewan. Wala ako sa mood para mag-isip.

"helmet." binigay nya sakin yung helmet nya at parang de ja vu lang na sumakay ulit ako sa kanyang motor.

Ilang minuto o oras ata na pagbabyahe ay dumating kami sa isang lugar na parang nakita ko sa TV. Pumasok kami dun at nagbayad si Dreux. Sa totoo lang 'Taksyapo' ata ang pangalan nito. Dito pwede kang magbasag ng mga pinggan at baso at itapon ito sa wall.

"try it." binigyan ako ni Dreux ng ilang plato kaya tinapon ko iyon.

Galit. Inis. Galit. Inis ulit na tinapon ko yung mga plato. Unlimited nga eh kasi panay bigay lang si Dreux. Ako naman tapon ng tapon habang sumisigaw.

"Argh! Kainis ka kuya!--" tapon pa ng marami. "--kainis ka!!!" tapon ulit. "ikaw din Body of water kainis ka! I swear di na ako maliligo sa ilog!"--tapon ulit. "o di kaya ikaw ang lunurin ko!!". Kuha at tapon ulit.

After forever kong magwala at wala na atang supply ng pinggan at baso ay kumalma na ako. Effective sya kahit papaano.

"feel better?"

I smile. Yeah. I did feel better. "thanks."

Ngumiti lang si Dreux saka hinawakan ako sa mukha at hinalikan ako sa noo. Napakurap ako sandali at napatanga. What did just happen?

Napansin din ata ni Dreux ang ginawa nya kaya humiwalay sya bigla at naunang umalis.

Napakurap ako at natameme pakiramdam ko tuloy nag si alisan ang logic ko sa utak. Tssk. Sabi nila mahirap intindihin ang babae, eh mas mahirap ata intindihin si Dreux eh. Babae ba yun?

Nakita ko na nagbayad ulit si Dreux, napangiti nalang ako. Napasubrahan ata ang mga tinapon ko. But well, atleast nabawasan ang sama ng loob ko.

Katapos namin dun ay nagbyahe ulit kami ni Dreux nagdrive thru lang kami saka nagbyahe ulit. Dinala ako ni Dreux sa isang park. Kiddie park sya actually. Weird talaga ng taong to. Tss.

"eat. ." kumain kami ng tahimik habang nagmamasid sa paligid. Ito yung silence-worth moment na maeenjoy mo. Yung okay at ease ka.

"okay ka na?" tanong nya pa sakin.

"yeah. .at some point ooh. ."

"good. .at para mas maging okay ka. .ice cream." sabi pa nya habang tinuturo ang isang selecta ice cream na dumadaan. Yung nasa moving cart.

"manong. .dito ka magtamby!" sigaw nya kaya lumapit yung lalaki.

Ako naman tumayo na at naexcite sa ice cream. Bumili kami at dahil sabi nga ni Dreux dito pinagtatamby ang ice cream kaya ilang beses at ilang flavors ng cornetto at iba pang clase ng ice cream ang natikman ko. Unlimited supply to. :)

Nakakatuwa at nakakatuwa manood ng mga batang nagtatawanan at nagsasayahan at naghahabulan habang me unlimited ice cream.

I like this day. 

"thank you." sabi ko na lang habang nakatingin sa mga batang naglalaro.

"anytime and anything for you Alexandra." mahina nyang sabi na kahit ako di ako sigurado kong tama ba ang narinig ko.

"me sinabi ka?" tanong ko sa kanya this time tumingin na ako talaga sa kanya.

"sabi ko. .---" Ooh sabi mo??? Napakurap ako sandali sa kakahintay sa sabihin ni Dreux. Anong petsa na? Pero sya nakatingin parin saking ng matagal. ----" I . . I- lo-- look si River!" sigaw nya bigla sabay turo kaya ako naman napalingon agad halos mag 360 pa nga ang ulo ko sa paglingon.

"saan?" Awtonakatiko kong sabi pero wala naman kaya bumalik ang tingin ko ke Dreux na parang tumahimik, pero sa kabila nun napansin kong nagkuyom sya ng kamao na para bang naiinis.

"You like him? Or do you love him?" tanong nya na para bang me masama dun o hindi ko alam.

"Yes. I like him. .but love? Hindi ko alam. .masyado pang maaga para magmahal."

"pero nasasaktan ka." hindi yun tanong, statement yun pero parang nasasaktan din sya para sakin. Napangiti ako. Ang sweet talaga ng mga kababata ko, concern talaga sa'kin.

Inabot ko ang kamay nya at sinubukang ituwid ang nakakamao nyang palad. "Alam mo. .nasaktan ako kasi nakita ko kung paano nya ako pinaglaban kay kuya. Kahit 'me against the world' pa yan pero gumagawa sya ng paraan. Lagi din syang andyan pag nalulungkot ako. Alam mo. .kahit ganito ako babae pa rin naman ako. At yun ang pinaramdam sakin ni River. Masakit lang kasi niloko lang nya ako." mahina kong sabi habang nilalaro ang kamay ni Dreux. Napapansin ko pa ngang ilang beses syang napapakamao pero pinipigilan ko ang pag kuyom nya ng palad. Napapangiti nalang ako kasi ang hirap i-unat ng nga daliri nya. "haist....pero Ill be fine. .lalo na kasi alam ko na andyan naman kayo ni Steven para sakin. Problema ko lang ngayon kung papaano ko haharapin ang klase bukas."

Binawi ni Dreux ang kamau nya at hinawakan ang baba ko saka inangat. Nakita ko na ngumiti sya kahit papaano tapos nun niyakap nya ako ng mahigpit.

"I promise not even your brother can hurt you this time. ---" tapos me sinabi pa sya na di ko na maintindihan at narinig pa.

Sulit minsan masaktan kung ganito naman ang magkokonsole sayo saka nakakamiss talaga si Dreux, promise. Niyakap ko sya with matching sniff sa kanya. Di ko kasi maiwasan amoyin sya kasi ang bango nya saka nakakacomfort sya. Naalala ko tuloy yung jacket nya. Saan ko nga ulit nilagay yun?

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon