Chapter 5

143 6 0
                                    

Raolin.

Practice time. Saturday na kaya me practice ang team. Naunang nakapractice samin ang volleyball team kaya naghintay muna kami na matapos sila bago namin magamit ang court.

Nasa me daanan ako para sa locker me nakalimutan kasi ako kaya ng pabalik na ako may nakita akong maganda, magandang ASARIN.

"aizz. .you like ice??" nakangisi kong bati sa kanya habang naka-cross arms.

Nagtss lang ito saka tinaasan ako ng kilay at nilagpasan ako. Taray talaga.

"tsk. Tsk. Tsk. Bakit kaya sabi-sabi nila na crush nyong magbabarkada ang first five ng basketball team?" napalingon sya agad.

"so? Saka Di ko alam na chismoso ka na pala ngayon Rao. Kelan ka pa nagkainteres sa mga sabi-sabi?" maldita nyang sagot sakin kaya nilapitan ko sya.

"simula ng marinig ko na ako pala ang crush mo sa team."

Natahimik sya bigla pero bumanat. "Kung crush kita eh bakit ganun nalang ang pagkainis ko sa'yo?"

"malay ko ba na ganyan ka lang magpakita ng mainit mong damdamin para sakin." pang-iinis ko pa sa kanya dala pang-aakit.

"asa ka pa! Ni wala ka nga sa kalingkingan ni Dreux!"

Napaatras ako sa sinabi nya at bigla-biglang nainis.

"hahaha. .ofcourse. " napatawa nalang ako sa isipin. --"Sino ba naman ang dapat maniwala sa mga sinasabi mo kung sa harap ng kaibigan mo ay halos sambahin mo'ko pero pag wala sila halos isuka mo na ako?? Tsk. Tsk. Kaibigan mo ba talaga sila? O kaibigan ka nga ba nila?? Ni hindi nga nila alam ang totoo mong ugali eh at ang totoo mong gusto." nakita ko syang nanliit sa sinabi ko na para bang nasaktan at nasapul sya, parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko but I was just telling the truth.

"wala ka ng pakialam dun. ." naiinis nitong sabi saka nagmartsa paalis. Napatitig nalang ako sa kanya habang umaalis. Bakit ba kasi di nalang sya magpakatotoo? Baka pa mas dumami ang totoo nyang kaibigan.

. . . . . . . . . . . .

(kinabukasan)

Alex.

Klase na naman at habang dumadaan ako papuntang classroom ay nagtagpo ang landas namin ni Aizz at kasama nya ang barkada nya as usual kasama ulit sya sa mga nang-aalaska sakin saka pati na rin sa iba. Mga bully talaga, sila kaya ma-bully.

Nakita ko si Rao sa may gilid at nakitang naka-smirk ito kay Aizz. Anong meron? I can sense me binabalak si Rao.

Maya-maya pay lumapit nga ito sa A-team.

"hi girls." nakangiti nyang bati sa kanila. Nagsilawak naman ang ngiti nila pero napansin ko na ngumiti rin si Aizz pero kinakabahan. Yung kaba na iba hindi yung kaba dahil sa andyan ang crush mo. Akala ko pa naman crush nya si Rao. "hi Aizz. ."

. . . . . . . . . . . . . .

Aizz.

"yeihhhh. .oi." kinikilig nilang tukso sakin.

"Ha-hi Rao. ." nauutal kong sabi, feel ko talaga napaparalyze ang buong katawan ko pati dila ko. Ano kaya binabalak ng batang to?

"busy ka mamaya afterschool?" tanong nya sakin yung mukhang sincere at sweet pero alam ko na sinusubukan nya lang ako sa harap ng mga kaibigan ko kung hanggang saan ako sasakay sa trip nya.

Habang nanlaki naman ang mga mata ng mga taong nakapaligid sakin sabay -OMG.

"Ahm. .ahh. .--" pano ko tatakasan si Rao?? Tyak akong may maitim na balak tong kumag nato sakin.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon