Chapter 4

141 6 0
                                    

Kanina ko pa tinititigan ang number ni Steven at Dreux. Haist. Pano ko kaya to isusuli bukas? At pano ko i-eexplain kay Steven yung nangyari?

Bahala na nga. Kinuha ko phone ko at nagtype para itext si Dreux habang kandong-kandong ko yung Jacket.

To: Dreux

Pre? Yung jacket mo nakalimutan kong isuli. Lalabhan ko nalang muna isusuli ko nalang kong okay na.

---------

Ilang segundo pa ay may reply agad. Aba himala at di busy yung ungas.

From: Dreux

Wag mo nang isuli. Di ko na kailangan yan.

------

Wow naman ang arte para nasuot lang ng isang beses ayaw na agad suotin? Saka ito yung paborito nyang Jacket di ba? Ito yung suot nya lagi pag nagpopromote sila ng mga match ups.

To: Dreux

Sigurado ka di mo na gagamitin to??

------

From: Dreux

Oo.

------

Hmmm. Okay ayaw mo wag mo.

To: Dreux

Okay. Ipamimigay ko nalang sa iba o di kaya ibebenta. Sold to highest bidder to pre. Wala ng bawian ha.

--------

Minuto mo na ang lumipas bago pa nagreply si Dreux. Di ko kasi to matatago dito baka malaman ni kuya edi mahaba-habang explanation at discussion na naman.

From: Dreux

Bahala ka.

------

Ganun? Ahy okay. Kinuha ko nalang yung Jacket ni Dreux saka inamoy lalabhan ko nalang kasi para mabenta.

Hmmm. Bango ng perfurme ni Dreux pang masculine talaga.

Sniff.

Sniff.

Sniff. Hmmm.

Nakaka addict naman tong bango ni Dreux. Nakakapanghinayang naman na labhan to. Tsk. Pero paano ko to ibebenta kong wala tong laba? Hmm. Mapa-laundry na nga at baka magbago pa ang isip ko.

................         ..............

Kinabukasan.

Nasa skol nako at naghihintay sa classroom mukhang nauna ata ako sa tatlo.

Pumasok na si Steven, nginitian ko sya at nginitian nya rin ako.

"bati na tayo?" tanong ko sa kanya actually di ko rin naman sya inaway.

"hindi naman tayo nag-away ah."

Sabi ko nga. >_<

"eh bat di moko pinapansin kahapon?"

Napa-iwas sya ng tingin saka nagkamut. "me iniisip lang." tipid nyang sagot. Kilala ko sya pag nagsisinungaling sya sakin, ano pat kababata ko sya. Wag mong sabihin naniniwala sya dun sa mga bitter na yun.

"magkaibigan tayo steven sana man lang di tulad ng iba na madaling mashuga ay tanongin mo muna ako kung anong nangyari. Mahirap kasi na dahil sa yun na ang nakikita yun na agad ang totoo. Wala pa ngang trial convicted na'ko." me hinanakit kong sabi sa kanya saka itinuon nalang ang sarili sa white board. Napansin ko na nakatingin sya sa'kin pero di ko alam ang iniisip nya.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon