Chapter 46

29 5 0
                                    

Aizz.

Nasa bahay ako ngayon ni Rao, after kasi ng basket ay kanya kanyang uwi at ako naman kanya-kanyang takas kay Kuya kaya ayun. Andito ako sa bahay nila. Infairness di naman ganun ka laki ang bahay nila Rao pero mas malaki lang talaga sya kesa sa amin. Sa pagkakaalala ko si Dreux ata ang pinakamayaman sa magbabarkada, kasunod nun sila Sigh at saka si Travis. Pero yun lang naman ang sabi-sabi eh.

Haist. Nakakabagot, wala akong magawa at ang tagal pala maligo ni Rao, halos mag te-thirty minutes na syang naliligo.

Your my monalisa, my rainbow sky. .and my only prayer is that you realize. .you'll always be beautiful in my eyes.

Napatingin ako sa paligid para malaman kung saan galing yung tunog only to realize na naiwan pala ni Rao ang phone nya sakin kaya umakyat ako sa itaas at pumasok sa kwarto ni Rao. Second time ko na kasing makapunta sa kanila and the first time is pinakuha ako ng Mommy nya ng gamit ni Rao at that time.

"Rao. Rao??" kumatok ako sa pinto pero walang sagot, pag hawak ko naman sa knob ay di naman nakalock kaya pumasok nalang ako agad.

Plano ko lang, ilapag ang phone nya at tawagin sya na me tumatawag sa kanya na unknown number pero Me kung anong markings sa caller ID but since ayaw kong mag pry sa ibang bagay sa buhay ni Rao kaya inignore ko at di ko sinagot kaso pag lapag ko sa phone ni Rao sa bedside table nya ay napansin ko ang isang black squared object sa ilalim ng unan nya.

Curious ay kinuha ko ang bagay at nalamang phone ito. Nung tiningnan ko I saw my face as a wallpaper, I feel proud and smile then I realize na wala pala syang password o lock code.

Hmmm. .atleast walang sekreto kaso, bat di ko alam na may iba syang number o phone?

"Aizz. ."Napa-angat ako ng tingin at muntikan ko ng matapon ang cellphone sa gulat. Hooo mayyy gulay! Siopao at mais. Magkakasala ako sa kanya. Malamang, galing sya banyo, so his hot and wet and hot again. Not to mention na naglalabasan ang abs nya at nakatowalya lang syaaaaaa!!!

Napatayo ako bigla at nilapag yung phone nya saka namulang kumakapa sa sarili na ewan.

Ahm.

Ahm. Ooh. Pinagpapawisan na talaga ako. Me aircon ba sa kwarto ni Rao? Parang wala ata.

"Ahmmm. .ahmm. .m-e tumawag sayo. Unknown number." Yun lang saka kumaripas na ako ng takbo paalis ng kwarto nya.

Halos liparin ko yung hagdan para lang makalayo sa kanya at feel ko talaga nag-iinit ang mukha ko, katawan pati paligid dahil sa kanya.

Erase. Erase. Erase.

Aizz. His voice resounded at naalala ko ang ayos nya.

Aaaah. Waaaah! Erase. Erase. Erase.

Ilang minuto pa ang lumipas ay di pa rin ako kalmado. Nagpabalik balik ako ng lakad habang nakayuko hanggang sa mabungo ko yung pader.

Napakapa ako sa pader. Kelan pa nagkadamit ang pader? Saka kelan lang sya tumubo dyan? Kapa ulit pero pagkapa ko nakaramdam ako ng kamay sa kamay ko kaya napaangat ako ng tingin.

Pakiramdam ko talaga ang centro ng global warming ay ang mismong kinatatayuan ko ngayon.

"You okay? Me nabasa ka ba sa phone ko kaya ka nagkakaganyan?" seryosong tanong ni Rao sakin.

Napailing lang ako bilang sagot.

"so bakit ka nagkakaganyan?"

Napalunok ako. Nasa dibdib pa kasi nya ang kamay ko. Pakiramdam ko tuloy sinasaniban ako ng kamanyakan sa katawan.

"whats wrong?" kunot noong tanong ni Rao sakin. Ako naman scattered pa ang braincells.

"t-top less. ." yun lang ang nasabi ko, disoriented talaga ako.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon