Chapter 3

177 8 0
                                    

Ugh. Gutom na talaga ako kasi burger na ang paningin ko ky Ms. Salisi yung Biology teacher namin. Huhu. Fufu. Gutom na ang sawa sa tyan ko.

Napahawak ako sa sikmura ko. Humanda talaga sila mamaya, isusumbong ko sila kay Kuya. Pero sa ngayon pagkain muna problema ko. Napatingin ako sa katabi ko. Kinalabit kasi ako ni Steven at binigyan nya ako ng burger na may note.

Kinuha ko ang burger saka yung note. 'sorry' yun yung nakalagay. Napangiti ako.

"thank you."

"anytime."

Tinitigan ko si Miss baka kasi mahuli nya akong kumakain. Tumingin ako sa kabila naman. Wala si Dreux. Nasaan yun?

"pst. " tawag ko kay Steven.

"bakit?"

Ngumuso ako. " si dreux?"

"napansin ko na umalis kanina. ."

"aah. ." tanging sagot ko nalang. Bigla-bigla nawawala yung taong yun. Tsk. Bahala sya basta ako gutom kaya hinintay ko na tumalikod si Miss para kumagat ng burger ng biglang dumating si Dreux.

Saan to galing?

"Mr. Velasquez? Where have you been?" tanong ni Miss Salisi kay Dreux pero imbes na sumagot ay nagbigay lang ito ng note na binasa agad ni Miss. Excuse letter siguro nya yun.

"okay. ."--tapos tumingin ito sakin. Oops! Papakagat palang ako ng burger ng nahuli ako ng tingin ni Miss. Naman! "you may go out Miss Mendez."

Huwaaat?? Anong kasalanan ko maliban sa frustrated eating/biting sa burger na binigay ni Steven? "Miss. .ahm let me explain. .gu--" pero bago pa ako maka pag explain ay hinila na ako palabas ni Dreux. Napatingin nalang ako kay Steven, kay Miss at sa bitter ng buhay ko, ang A-team. Anong ginawa ko at pinapalabas ako? Wala bang warning muna? Huhu patay ako kay kuya first day of class napalabas ako ng room. Lechon akong bata pag nalaman ni kuya.

"teka-teka balik tayo patay ako kay kuya pag nalaman nyang pinaalis ako ng teacher." pigil ko kay Dreux sabay higit ng kamay ko kaso mas malakas sya sakin.

"mas pagagalitan ka ng kuya mo kung di kakain."

"pero pano yung clase???"

"excuse kana dun. Binigyan ko ng note si ma'am galing sa clinic."

"ha? Note? Paano? Eh di naman ako pumunta dun?"

"tsss. Wag na kasing magtanong. Punta nalang tayo canteen para makakain kana. Ingay mo eh."

"aist. .pano kasi kung absentan ako tapos magsumbong sila kay mama saka kay ku---" tinakpan ng walang ya ang bibig ko.

"ingay mo." suplado nitong sabi. Problema nito? Bigla bigla nawawala tapos nanghahatak tapos magagalit.

"kasi---"

"excuse kana kasi. The note said na me history ka ng hyperacidity at kelangan mong kumain ng tama para di lumala at since me ginawa ka kanina kaya di ka nakakain. Gets???"

Ha? Ano daw? Wala ata akong sakit sa pagkakaalala ko --" pero wala a-"

"Aist. .Alexandra kung ayaw mong kumain di wag! Bumalik ka kung gusto mo." naiinis nyang sabi sakin saka binitawan ang kamay ko sabay talikod at lakad ng mabilis.

Actually normal lang yung lakad nya sadyang mahahaba lang talaga ang legs nya kaya ang layo na nya.

"Hoyyy!! Mang-iwan?? Agad-agad?" hinabol ko sya at halos hinangos ako sa pagtakbo. Problema ng lalaking to?

"gutom nako. .wala ng pagkain sa canteen ngayon." reklamo ko sa kanya kaya tinitigan nya lang ako sabay hawak sa kamay at hila ulit. Bakit ang hilig nyang manghila?

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon