Chapter 9

107 6 0
                                    

Alex.

Nang matapos ang pinakaakward na lunch ay dumiretso agad ako sa gym. Gusto kong mapag-isa at mag-isip saka hindi rin naman ako maapendisitis kung saka-sakaling magtatalon man ako kasi wala rin naman akong nakain kanina kahit gutom ako. Ikaw ba naman maipit sa titigan ng mga lalaki kanina na nagpapakiramdaman lang. Sak mabuti na rin to, pampawala ng stress saka Wala namang practice at tao dito kaya okay lang na dito ako magpalipas ng oras.

Agad naman akong nag-bihis saka kumuha ng bola pero imbes na volleyball na bola ay isang basketball na bola ang kinuha ko. Marunong ako mag-basket sa katunayan naglalaro ako kasama nila kuya dati. Nakakamiss lang kasi minsan ang maglaro nito.

Pagdating ko dun nagsho-shoot ako ng ilang beses hanggang sa napagod ako.

"Alex.." Napalingon ako bigla sa nagsalita at nakita si Dreux na papalapit. "pass." Pinasa ko sa kanya ang bola saka nang matanggap nya agad syang pumwesto at nag-three point shot.

Shoot. Pasok ang bola.

Tumakbo agad sya at kinuha ang bola saka magdribble at nagshoot ulit. Pinagmasdan ko lang sya na nagpapawis at nagshoshoot. Ang lalim kasi ng iniisip nya, naiisip ko tuloy kong hanggang ngayon galit pa ba sya sakin.

"catch. ." nabigla ako sa pagpasa nya at halos di ko masalo yung bola.

"aaahh. .wew."

"game?" Man of few words talaga si Dreux. One word lang ang sinasabi.

Napangiti ako. Matagal tagal na rin kaming di naglalaro. "game."

Nagdribble ako ng bola, nagbantay sya at mahirap lumusot sa laki nya pati na rin sa haba ng kamay nya pero maliksi naman ako kaya nagfake ako ng forward saka magturn around at nag feed away shot. Pasok ang bola! Wetwew.

Kinindatan ko sya na para bang nanghahamon. Tumawa lang ito at kinuha ang bola. Pumwesto naman sya at ako. Ngumingiti na sya ngayon at nanghahamon ang kilos.

"watch out." sabi pa nya at forward attack ang ginawa nya. Napaatras ako kaya naka-lay up sya. Kinindatan naman nya ako sa pagkakapuntos nya.

Akin ang bola ulit at pwesto ulit sa labas ng lane. Dribble ako at nakabantay sya. Nakangiti ang gago at nang-iinis. Nakakaliit nga naman ang height advantage minsan.

Forward, backward stance ang ginawa ko pero ang higpit ng depensa ni Dreux ang hirap lumusot. Kaya ng backward step ako nagtrry magshoot agad naman itong tumalon kaya bumalik ako sa stance at tumakbo at nag-lay-up.

Kinindatan ko ulit sya na ikinangisi naman nya. "not bad."

"i know. ." sagot ko sa kanya na nakangiti.

Pwesto ulit ako kasi bola ni Dreux. Nakakatuwa na kahit sa simpleng paglalaro lang ay nagkakasundo kami. Nakakamiss nung bata pa kami. Nung walang malaking tampuhan at ang tanging sumpong ni Dreux ay ang pagmanaktol nito at isang ngiti ko lang o yakap okay na sya. Ngayon kasi ang layo na nya.

Balik sa realidad ay naglaro pa kami pero mukhang sineseryoso na ni Dreux ang laro at di na ako makahirit pa.

"tsk. Tsk. .pinagbigyan lang kita kanina. .six-zero run na tayo ngayon. 6-12. . Paano ba yan?" panghahamon nya habang nagdidribble ako ng bola at sya naman nakabantay.

Tsss. Yabang talaga. "as far as I remember, volleyball varsity ako. Hindi basketball."

"palusot."

"totoo naman."

"tss. .just watch the ball." sabi pa nito saka stineal ang bola at tumakbo para magjumpshot.

Kainis. Pero nakakatuwa na ngumingiti na si Dreux. Minsan lang to ngumiti ng ganito. Yung mapaglarong ngiti.

"matutunaw ako nyan. ." that bewildered and mocking smile, I really miss that.

Napaiwas ako ng tingin. "n-naisip ko lang. .okay na ba tayo?"

"bakit me tayo ba?" pagbibiro pa nya.

Pilosopo.com. "i mean hindi ka na ba galit sakin?"

"galit ba ako? Hindi ko matandaan." Nag-isip pa ito kunwari at napatingin sa itaas. Tssk. Minsan talaga abnormal ang mokong na to. Ilang araw nya lang naman akong di pinapansin! Tapos wala lang dahilan. Aist. Tinalo nya pa ang babaeng nagmemenopause.

"tss. .nakakainis ka. ."

"mas nakakainis ka."

"ha? Anong kasalanan ko?"

"wala. Tara na nga. Hatid na kita sa inyo." Pag-iiwas nya sa'kin saka naunang naglakad.

"Dreux!" sigaw ko sa kanya na ikinalingon naman nya. " na-miss kita mokong ka!" nakangiti kong sabi saka naglakad para makasabay sa kanya. Ngumiti naman sya sa sinabi ko.

"iwan ko sa'yo." yun lang ang sabi nya.

Tss. Pakipot pa minsan. Magiging okay rin naman pala. Haha.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon