Chapter 30

51 5 0
                                    

Alex.

Tap. Tap. Tap. Asan na yun? Haist. Nasa eco-garden ako naghihintay kay River. Pupunta kaya yun dito? Five more minutes pag hindi aali---

"Xandra!" hinihingal na tawag ni River kaya napalingon ako agad.

"san ka nag marathon at ganyan ka makahingal?"

"ahm. ." tumuwid sya ng tayo pero hinihingal pa rin." me tinakasan lang ako. Haha."

"tinakasan?"

Ngumiti naman ng nakakaloko si River. "yeah. Tinakasan."

"sino?"

"secret. ." nakangiti nyang sabi, medyo hindi na sya naghahabol ng hangin kaya mas gumanda ang aura nya. Pero sino ang tinakasan nya?

"Tss.  Sabihin mo na. Sino?"

"let just say. .someone na nagbabantay sayo at sa akin." Ha? Nagbabantay sakin at kay River? Mas magulo yun.

"??????"

"Hahaha. .never mind. Di naman nya ako nahuli eh." Proud nyang sabi na para bang ilang beses na nyang ginagawa ang tumakas at magaling na sya dun.

Napailing nalang ako sa sinabi nya kaya nilapitan nya ako at inakbayan. "Hoy! Chansing ka."angal ko sabay alis ng kamay nya sa balikat ko.

"Sorry. Anyway sa pagmamadali ko nakalimutan ko dalhin yung ukelele ko." nakapout nyang sabi na para bang namomoblema. "But I guess I can do something." masigla nyang sabi. Weird ng lalaking to, bilis magbago ng mood.

Pasipol-sipol umalis sya sa tabi ko at naghahanap sya ng ahm--dahon?

"Anong gagawin mo dyan?" tanong ko sa kanya habang lumalapit ako sa kanya.

"one of musical legends in the philippines is a man who can use any leaf to create a musical sound." He said while examining the leaf. Hmmm. A man who uses leaf as musical instrument? Sino nga ba yun??????? Bagsak talaga ako sa history and Philippine culture, isama pa pala ang world history.

"You don't know him???"

"know who??"

"the man who uses leaf as a musical instrument. His a legend! You don't know him??" He asked amused.

Kelangan ko ba kilalanin yun? Yayaman ba ako pag-nalaman ko yun?

Umiling lang ako. "sino yun?"

"hahahahaha. Wow. Never mind, lets just try this it should sound like a harmonica."

Sinimulan nyang ilagay sa labi nya ang dahon saka sinubukan. Once, twice, trice. .epic failed.

"nice try." sabi ko.

"atleast Ive tried. Hirap talaga." pailing-iling nyang sabi.

"tss. Sticks with stringed instruments or percussion nalang. Mukhang dun ka magaling eh."

"tss. .kaya ko ding mag-flute, harmonica and trumpets noh."

"Oh?"

"yeap. .cause Im a musical genus. ." mahangin nyang sabi with a wink.

"Tss. Yabang."

"totoo naman."

"tsss. ."

"anyway." umakbay ulit sya sakin. "Im thankful na andito ka. .inindian mo'ko kanina ha."

"tss. Wala naman tayong usapan na maghihintay ka ah? Saka malay ko ba."

"haha. I was just expecting. Besides I made a song for you kaya hinintay kita. Pinaghirapan ko pa yun kaso di ka dumating kanina. Ngayon naman wala ang instrument ko, epic fail pa ang leaf project ko so that means. .next time nalang." He said with a smile. "besides - -"

"Alex?" may boses. Napalingon ako pero wala pa namang tao, mukhang si Dreux yun ah. Oo nga pala, tinakasan ko sya at si Steven kanina. Si Steven! Sya yung maghahtid sakin pauwi!

"Alex." si Dreux. Yung mukha nya madilim at nakatingin sa paligid na para bang me hinahanap. Napatayo ako ng matuwid sabay dasal na sana wag nya akong isumbong ke kuya dahil nakipagkita ako ke River.

"Anong ginagawa mo rito mag-isa?--" napalingon ako sa likod at sa tabi ko. Wala. Nasan?-- "Me hinihintay ka ba dito?" mapanuri nyang tanong.

Para akong nabunutan ng tinik sa pagkawala ni River. Saan nagpunta yun?

"w-wala. Nagmumuni-muni lang ako. Hindi pa ba umaalis si Steven?"

Tumango lang sya bilang sagot na para bang me iniisip. "kanina pa. Sabi ko me pinuntahan ka kaya ako na maghahanap sayo at maghahatid."

"pumayag sya? Diba naka motor ka? Si kuya--"

"I bring my car. ."putol nya sakin na parang naiinis or what. Anong sinabi ko na ikinasama lalo ng aura nito? Weird talaga.

"oh-okay. Alis na tayo?"

"tara. Pagabi na rin eh."

Tumango nalang ako saka lumingon. Saang lupalop ng mundo nagtago si River? Sa puno? Sa taas? Impossible, sa basurahan? Mas lalong impossible,masyadong maliit at mabaho. Saan?

"tara.". At yun na, hatakan portion ulit.Hinatak ako ni Dreux papuntang parking lot habang hindi umiimik. Pero bago pa kami makarating sa parking lot sa mismong pwesto nya ay napansin kong biglang namula ang leeg at tenga nya. Kinakabahan sya? Saan? At bakit?

"ahm. .my car." sabi pa nya sabay turo sa kotse saka namulsa.

Ito yung sportscar nung isang araw ah. Kanya pala to? Ah. Kaya pala pamilyar. Pero teka, nagdala sya ng kotse? ---"Bakit?"

"bakit?" pag-uulit nya sa tanong ko habang nakakunot ang noo.

"bakit ka nakakotse? San na yung bike mo?"

"Aaaahhh. .ahm. " napakamut sya ng ulo at nag-iisip. "nasira. .uhm. Nasira kaya ito muna ginamit ko."

"nasira!??" nasira at kalmado pa sya? Kulang na nga lang mambugbug sya ng tao kapag hinawakan ang sasakyan at motor nya, masira pa kaya? --"pano? Sinong nakasira?"

"Ahm. .its an accident. Long story. Never mind." Wow. Ang ayos kausap. "tara na." sabi pa nya saka pumunta sa may driver seat at dahil di pa ako makabawi kaya di ako nakagalaw agad. Sya naman napaisip at parang kausap ang sarili dahil nagsasalita mag-isa tapos nun tiningnan nya ako. --"ah. .sorry." sabi nya agad at bumalik sa kabilang side at binuksan ang pinto para sakin. Anong problema at parang kinakabahan at tense si Dreux? Minsan lang to matense at kabahan ah.

Napailing nalang ako at sumakay. Pagka sakay ko napangiti ako.

"First time ko sumakay sa isang race car."

"Talaga?" parang excited na sabi ni Dreux. "I mean. Talaga?" tanong nya na mas composed. Napangiti ako at tumango.

"Next time. I'll show you around sa race field. I can even teach you how to drive." sabi nya na malawak ang ngiti. Para syang bumata sa aura nya.

"tulad ng pagtuturo mo sakin ng basketball???"

"yeap. .at pwede rin kitang turuan mag-motorbike."

"talaga?!" Excited kong tanong sa kanya. Marunong naman ako ng konti ng motorbike pero maganda parin ang mas gumaling kong professional ang magtuturo sayo saka car racing? Wow. Dream come true. Si kuya kasi, ginawa akong lalaki pero ayaw naman ako pasubrahan. Damit lalaki nga ako at nahilig sa larung lalaki pero di nya pa ako pinapamaneho at pinapamotor. Delikado daw. Tss. ---"pero si kuya--"

He smiled devilishly. Yung smile nung mga bata pa kami pag tumatakas kami o may pinaplanong kung ano. Yung smile na nakakamiss kasi nagmumukhang bata si Dreux. Carefree at mas gwapo. - - -"naiisip mo ba ang naiisip ko b1?" tanong nya sakin with that smile.

I gigled. "syempre naman b2."

"good. .secret?" tanong nga habang tinataas ang kanyang hinliliit. This is what they called pinky promise at natatawa akong hindi pa to nakakalimutan ni Dreux.

"secret." mas lumawak pa ang ngiti ko at inabot ang hinliliit nya at inangkla sa hinliliit ko.  Sealed.

. . . . . . .

So sino pa ang nakakaalala sa great musician na gumagamit ng dahon? Be proud to be a Filipino guys and hope naalala nyo pa. ;) His a legend and a great artist. :)

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon