Chapter 27

44 5 2
                                    

Alex.

Normal day, boring na clase at boring na topic. Wala ako masyadong maabsorb sa topic at magnonosebleed na talaga ako sa History. Bakit ko ba kelangan kilalanin si Charlemagne? Close ko ba yun? Saka anong bansa ang nasakop nya pati na rin ang mga treacherous act na ginawa ng isa rin na great conqueror na si Napoleon Bonaparte. Kung close ko lang sila baka pa, pero wala akong mood sa kanila. Philippine History nga kulilat ako pano pa kaya pag boung mundo na? Isama pa ang dynastiya ng China at iba't ibang wars.

Huhu. Matter overload. Sasabog ang utak ko sa subjects. Umaga palang nakakapiga na.

Kulang nalang maglagay ako ng toothpick sa mata para di makatulog, kaya para di ako makatulog ay niroll ko ang sleeves ko at tinatapik-tapik o pinipinch ko ang sarili ko. Napalingon ako sa loob ng classroom. At si Steven ang una kong nakita na nakikinig at nagkahawak sa ballpen nya habang nakatitig sa teacher at nagsusulat invisibly. Me cap pa kasi yung gtech nya na ballpen, pero knowing him, habbit nya kasi yun. Para syang nagsusulat ng notes pero sa utak nya sinusulat kaya ganun. Bali nakatitig sya sa teacher habang nagsusulat sya sa desk. Nagmomove lang yung pen habang nakatitig syaa teacher. Napangiti ako. Steven Won, running Valedictorian ng klase ay isang kaibigan kong matalik, slash childhood crush. Ang gwapo talaga nyang tingnan kapag seryoso, pero syempre pag ngumingiti rin.

Di ko napansin na napatitig ako sa kanya ng matagal kaya lumingon sya sakin bahagya at ngumiti.

"Bored?" tanong nya habang nagsusulat pa rin ang kamay nya pero nakatingin sya sakin. Kaya nya palang mag-multi task?

"super." sagot ko sa kanya with my bored face na ikinatawa nya ng mahina.

"here." huminto sya sa pagsusulat at me kinuha sa bulsa nya which is yung ipod nya with matching headset.

"ive downloaded new songs here." nakangiti nyang sabi kaya kinuha ko ang ipod nya isinilid sa inside pocket ng uniform ko saka nilugay ang buhok ko para matago ang earphones na nilagay ko sa tenga.

"thanks."

"always welcome." sabi nya saka tumingin ulit sa teacher ko at nakinig. Nagsimula na naman syang magsulat invisibly kaya sa iba ko naman dinirect ang attention ko. Nakita ko si Rao, nakangiti at nakikinig. Kelan pa yun nakinig? Eh mas kulilat yun sa akin, well on second thought, nakikinig kaya yun o lumulutang ang utak? Ewan. Another person na napansin ko is, si Aizz na palihim na tumitingin sa direksyon ni Rao. Napangiti ako, mukhang gumaganda ang relasyon nila ah. Lumipat pa ang tingin ko, nakita ko iba kung klasmeyt, me nagdodrowing, me patagong kumakain, nagtitext hanggang sa umabot ang tingin ko ke River.

Nagsusulat sya at parang seryoso. Sa totoo lang nakukuryos ako sa sinusulat nya dahil halata namang di sya nakikinig sa lectures. Kasi kung nakikinig sya tumitingin sana sya sa teacher at nagjojotdown but since deretso lang sya ng sulat kaya malamang baka me pinagkakaabalahan.

Haist. Buti pa sila me pinagkakaabalahan. Ako wala. Haist.Napabuntong hininga ako. Feel ko talaga matulog at mas lalo lang akong inaantok sa music kaya niroll ko ulit sleeves ko at pinipinch ko ang sarili ko para di ako makatulog.

Right. Another thirty minutes and morning subjects are done. Right. Im not gonna fall asleep. .im not gonna---I yawn.--asleep.

Bumibigat na talaga ang mata ko. Im not gonn----

I landed in heaven then hell. Nakatulog ako sandali kasi kaya sinipa ni Dreux ang upuan ko kaya halos napatalon ako sa upuan. Tinitugan ko sya ng masama pero di naman sya nakatingin sa akin.

'psst." tawag ko ke Dreux na sa bait nya ay inisnob lang ang beauty ko. Tssk.

Another twenty minutes at inaantok ulit ako, napayuko ako at isang sipa ulit sa upuan ang lumanding kaya napaupo ako ng tuwid.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon