Chapter 1

498 7 0
                                    

Clase na!! Hooh.

Bakit kaya pag walang pasok gusto mo may pasok para me allowance at dahilan para umalis ng bahay? Pero pag may pasok na gusto mo naman na sana umabsent yung teacher o di kaya holiday para naman makapagpahingga ka sa paggising ng maaga at makinig sa boring na discussion ng teacher?

Pero dahil Pinoy ako at sa wakas may allowance na ulit ako at pwede na ulit akong malate ng uwi dahil sa mga gawaing skwela kaya masaya ako!! Yeheey!

La. .la. .la. .la

Napapahum ako. First day of school eh kaya sabay kami ng kuya ko. Sya nasa senior year na sya ako me two years pang bubunuin. Nadagdagan lang naman kasi ng dalawang taon ang preparatory education bago mag kolehiyo kaya ito ako kahit 16 yrs old nay nasa highschool parin Si kuya naman 18.

Sya ang kuya ko, (pumasok kasi sya ng dining eh) his name is Lourd Vans Mendez, gwapo, matangkad, guitarist at drummer at higit sa lahat ay habolin ng mga babae pati ata binabae humahabol sa kanya. Naks! Pero sa dami ng mga humahabol at umiiyak sa kanya ako nalang tong naawa. Pano ba naman, wala padaw kasi sa isip nya ang magsyota! Chus! Ako naman, papatayin nya pag nagkaroon! Naman ang bitter ng lovelife ko dahil sa kanya. Sabi kasi nya damay-damay daw to para masaya. Kumusta naman yun?

"brad. ." ganyan nya ako tawagin. Astigin kasi tingnan nyo naman porma ko. Kulang nalang magpagupit lalaki ako. Naka plain blue shirt saka denim jeans and sneakers match up pa yung baseball cap ko. Ooh ayos ko pomorma noh? Ha! Aside sa gusto ko at comportable ako dito eh babatohin naman ako ng bully kong kapatid pag naisipan kong magshort shorts or skirt kaya habang bitter sya sa life forever bitter din ata ako. Huhu. Wawa me.

"ano yun kuya?" tanong ko sa kanya.

"no boyfriend, hanggang di ka pa tapos mag-aral." paalala nya sakin. Yearly reminder yan minsan nagiging monthly pag me nararamdaman syang mi pumuporma sakin.

Nginitian ko na lang sya sabay tango. Wala pa rin naman sa isip ko yun eh kaya okay lang. Isa pa sya lang ang lalaki sa amin. Nasa ibang bansa kasi si papa kaya sya yung tumatayong protector namin ni mama lalo na sakin.

"tara na. ." yaya nya sakin ng matapos na syang kumain kaya tumayo na rin ako.

"alis na kami ma. ." pagpapaalam namin sabay halik sa pisngi ni mama.

"ingat kayo. ." yun lang at umalis na kami me sasakyan naman kaya hatid ako ni kuya at since iba oras namin kaya di kami minsan sabay sa pag-uwi. :)

.......

Nasa school na kami, first day hangang 2nd week walang uniform kaya makikita mo talaga ang mga fashion ng mga estudyante. Me hot, me sexy, me sosyal at me jologs at nerd din. Kung ikacategorize si kuya belong na belong sa hot section habang jologs naman ako. Naks. Bitter lang?tss. Kasi naman si kuya sya lahat bumibili ng damit ko kaya ha! Wag nyo ng itanong kung ano-ano pinamili nya.

"call me kung anong oras ka uuwi or if magpapasundo ka okay?"

"okay kuya. ." tumango ako.

"wag pagabi. First day palang ng clase at wala pang project. .kaya wala kang alibi Alexandra Louise."

Tumango ulit ako. "aye boss. ."

"okay. .sige ingat ka." yun lang at umalis na si kuya. Kaya nagtungo na rin ako papuntang classroom.

Unang entrada palang nakita ko na yung mga classmates ko na me crush kay kuya at super FC sakin.

"Morning louise. ." masiglang bati sakin ni Sheryl.

"happy first day sa class Lou. ." masayang bati naman ni Angela sakin. Pareho ko lang silang nginitian. Kaibigan ko kasi sila kahit papaano yung iba naman ganun din amg bati sakin. Naks! Feeling artista ang peg ko minsan wag lang nating idamay ang mga antagonista ng buhay ko.

"tss. Kakasira ng araw." pabulong na sabi ni Arielle. Bumubulong pa sya sa lagay na yan ha. Mahiya naman ako. Sana nagmega phone nalang sya. Tss.

"jologs talaga." sabat pa nina Aileen at Aizz. Tssk. Crush kasi nila ang buong basketball team at nagkataong barkada ko lahat sa team. Kasalanan ko? Kasalanan kong kaibigan at kababata ko sina Dreux (pronounce as Drew) Ford Velasquez at si Steven Won na parehong star player ng School varsity at dahil dun naging barkada ko na rin ang Team captain at cassanova na si Sigmund (Simone) Von Loscht pati na rin ang Ace player na si Raolin Nabata at ang point guard na si Travis De la Cruz? Tss. Eh kung inggit sila palit kami ng sitwasyon. Ha. Kala nila madali maging julalay at barkada ng mga ungas na yun saka maging kapatid ng isang hearttrob na overprotective. Kulang na nga lang isilid ako ni kuya sa sako o di kaya itago sa bulsa nya. Tsk.

"pasalamat kasi sya kapatid sya ni Lourd, kundi naku! Kakainis talaga sya. .wala ngang boyfriend pero lahat naman ng hot sa school kinakaibigan." pasaring pa ni Aira Mae.

Problema ng A-team nato? Ako lagi nakikita.

"pre. ." bungad sakin ni Raolin. Kaklase ko kasi sya, sila ni Dreux at Steven. Si Travis ahead samin ng one year at si Sigmund ay kabatch naman ni kuya.

"morning." nababad vibes kong sabi. Hell part talaga kung saan andun ang A-team para sakin. A-team kasi puro A ang mga first name nila.

"Morning Alex." bati sakin ni Steven. Si steven nga pala ay half-Chinese kaya chinito sya, medyo maputi at nasa 5'10 ang height. Si Raolin Nabata ay Half-Japanese and half-Filipono and half-Italian.Dapat ata one third- one third eh. Haha. Pero ang Gulo noh? Kasi ganito yan, half-filipino half italian ang mama kasi nya habang pure Japanese naman ata ang papa nya kaya ang labas ay ang super kulit at cute na si Raolin. Height 5'9 at white din ang complexion, medyo singkit din pero cute na singkit di tulad kay Steven na suplado tingnan pag nagglasses sya o di kaya intimidating pag nagsusuplado o nagseseryoso sya pero mabait sya pramis! Saka pag tumawa naman si Steven napapakanta talaga ang utak ko ng 'Chinito'. Ang hot at ang gwapo kasi nya.

"Alex??"medyo nagwave pa ng kamay si Steven sa harap ko. Ooh may ghad. Nagspi-space out na naman ako sa harap ni Steven.

"kulang ka na naman ng gulay." sabat ni Dreux.

"ha?" ako.

"di kasi gumagana isip mo." tss. Sinabi ko bang kaibigan at kababata ko ang bipolar, suplado at nakakainis na lalaking to? Pwes ngayon, binabawi ko na!

Nginitian ko lang ng nakakainis si Dreux. Best vengeance ay wag magpahalata na naiinis ka. Immune to him.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon