Chapter 26

30 6 0
                                    

Aizz.

La. .la. .la. .la. .la. Laaaaaaa!

"Aizz! Ano ba nakakasira ka ng eardrums!!!!" sigaw ni Azuki sa labas ng kwarto habang sinisira ata pinto ko.

"Ano ba paki mo! Aist." ganti ko sa kanya habang binato sya ng kung ano. Actually yung pinto lang kasi naman nasama kama parin ako nakatingin sa ceiling at minamasdan ang number ni Rao. Hmmm. Lagyan ko kaya ng picture yung ceiling para maganda yung view?

"ANO BA ANG INGAY MO!" si Azuki kinakalampag na talaga ang pintuan ko. Ahm di ko napansin na kumakanta pa rin pala ako. Haist. Panira ng araw.

"Ooh na ooh na. Eto na tumitigil na!" naiinis kong sabi sabay bangon. Aist. Bitter sa lovelife!

"bilisan mo. Ayaw ko malate." sabi pa nya bago ako tuluyang lubayan na ginantihan ko ng isang bleeh. Yeah I know, futile efforts kasi di nya makita. Pero bahala na basta nakaganti.

Hours later, char hindi mga sixty minutes lang naman, bumaba na ako ng kwarto na obvious namang mi nag-aambang saking panganib. No other than, Azuki. My twin brother. Yes. Twin. As in kambal, as in sabay kaming nabuo, nauna lang sya ng konti lumabas kaya ganun. Feel nya kuya ko sya, pero sa lahat ng kuya sya lang ang epal. Tss. Si Lourd nga ang sweet at bait kay Louise, protective pa, sya ata parang willing pa akong ibigay sa tigre.

"late ka na ngang gumising, ang bagal mo pa kumilos. Aist."

Binalewala ko sya at bumaba ng hagdanan, since maraming division ang bahay at ang kwarto namin ay mas malapit sa kusina kaya dumiritso na ako sa dining at nakitang nakaligpit na ang pagkain.

Ha? Anong oras na ba?

"Its seven thirty already. Im going to be late." narinig kong sabi ni 'Kuya daw' habang sure ako nakacross arma yun. Nakatalikod kasi ako sa kanya at nakaharap sa table.

I hiss. Well di lang naman sya ang malelate, pero bat niligpit na ang pagkain?

"oh Aizz. .bat di pa kayo umaalis?" tanong ni Mama sakin.

"Kasi di pa ako kumakain."

"ahw. .Akala ko kasi kumain ka na. Sabi kasi ni Azuki~~" turo pa ni Mama ke kuya na nakalean at nakacross arms pa paglingon ko.

"Saka kanina pa rin kasi naghihintay si Rao."

Sino daw? Tama ba pagkakarinig ko o kelangan ko pang magcotton buds ulit? --"po?"

"Si Rao. Yung boyfriend mo raw."

Napanganga ako. Me sasabihin pero walang lumabas, ng silipin ko naman sa may divider na makikita ang salas nakita ko si Rao na nakaupo habang nag-tatap ng paa.

"ah." nasabi ko lang saka pumunta sa salas agad,  pagkakita naman sakin ay tumayo agad si Rao, nakangiti.

He just so look so gwapo here. Napangiti ako. Is he for real?

"ready?" tanong nya sakin.

Ready? "- Saan?" automatiko kong tanong, slightly confused.

"school. Baka kasi malate tayo. Class is at eight. And its seven thirty five already." he said smiling habang nakatingin sakin.

Oh. Right. Minsan talaga di nagpafunction ang utak ko ng maayos.

"Yeah. Ready." sagot ko pa sa kaniya na ikina-smirk ni kuya. Why do he need to be so antagonista?

"tara. .Ahm alis na po kami Ma. .brad." sabi pa nya kay Mama na mas ikinagulat ko, pati rin kay kuya na mas lalong ikinagulat ko. Did he just call my mother ma? And worst, my mother just smile and nod? Ke kuya naman tango lang yung binigay nya.

Wow. End of the world na ata.

With this in thoughts, syempre nakalimutan kong wala pala akong kain pero since mas nagfafunction ang mga butterflies ko sa tyan kesa sa mga bulate. Sure. Walang gutom akong nafeel.

Lumabas na kami ng bahay at since me sasakyan si Rao kaya malamang sa kanya ako sasabay at solo na ni Azuki ang sasakyan kaya di ko magets kung bakit di nalang sya umalis kanina pa? Adik tapos sisisihin ako kapag na late sya. Sweet naman! Isama pa na dahil ayaw nya na magkapareho kami ng school kaya sa GROM academy sya nakaenroll, me highschool at college kasi dun.

"Tahimik mo ata." basag ni Rao sa pag-iisip ko.

"si kuya. .weird lang." sabi ko pa na ikinangiti lang ni Rao na parang me ewan.

"anong meron ke Azuki?"

"tinawag mo syang brad?"

"Aahhh. .."

Aahh???? Ano? Pero hindi na sya nagsalita pa at nagdrive nalang.

"anong ahh?" untag ko sa kanya na sinagot nya lang ng ngiti.

"sa amin na lang yun." sabi pa nya at bago pa ako makapagsalita ulit umabot na kami sa school.

Bumaba ako agad, hindi ko na hinintay na buksan pa ako ni Rao, di naman ako masyadong feeler. Slight lang.

Sa bilis namin ng lakad at dahil late na kami kaya di kami naka attend ng flag ceremony, buti nalang napakiusapan ni Rao ang student council na wag na kaming i-list at magspecial flag para di kami malate sa clase talaga, and since unfair ang world pumayaag ang student officer! Unfair. Kong ako lang nalate tyak wagas ang punishment, isama pa na malate at mapagalitan ng subject teacher dahil late.

In time for class biglang nawala si Rao kaya nauna ako sa kanya sa classroom. Syempre mahirap maging buntot at dahil ayaw ko sagadin ang swerte ko at baka maubos, pinapabayaan ko nalang sya kung saan lupalop man sya nagpunta.

Second bell at bago pumasok ang teacher ay pumasok si Rao with a plastic bag, saka nilagay nya sa desk ko at dumiretso na sa upuan nya.

Napalingon ako sa gawi nya kaya binigyan nya lang ako ng smile at wink.

Ooh na. Mahaba na ang hair ko, tinalo ko pa si Rapunzel sa haba. But I smile. Sweet pala maging school year boyfriend si Rao. Parang totoo talaga.

. . . . . . . . . .  . . . .
And Im back. I've been kinda busy, Id started to upload kasi an english story here in wattpad and mahirap sya kasi less formal kasi ang pagsusulat pag tagalog kesa sa english. Mahilig kasi ako sa action at mystery kaya nabuo ang concept. Anyway, I'll try my best to update as many chapters I can make as possible. :)

Please don't forget to commeny and vote. K thanks. Babye...

--jhay

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon