Chapter 39

58 4 3
                                    

Trivia:
Do you know that 'Skylark' is a bird in Europe, Asia and Africa that sings while it flies? Yeap. Dun ko kinuha ang name ng band nila River.

While Nightingale is a European bird that sings a beautiful song, especially at night. Yun naman ang pangalan ng banda nila Lourd. 'The Nightingale'.

Na. .na. .na. .na. .na.

. . . . . . . . . . . . .

Saturday.

Alex.

"LOURD!!!!!!!"

Akala mo magugunaw na ang mundo sa tili ni ate Nayumi. Ooh si Ate nayumi. Na-Yu-Mi! Yung angelic sweet face na vocalista ng banda nila kuya na napakabait pero parang nagwawalang tigre ngayon.

-__-! Swear mas nakakatakot sya kesa kay Dreux. Huhu. Ang daming warfreak ngayon ah.

Kinakalabog ni Ate Nayumi yung pinto ng kwarto ni Kuya. Tatlong araw kasi syang di pumasok at nagkulong lang sa kwarto tapos ayaw magpractice gayong next week na ang band fest.

"Buksan mo to ngayon din kung di babasagin ko ang pintong to!" Sigaw pa nya na tinatadyakan na ang pinto.

Naaawa na talaga ako sa Pinto. Ano bang kasalanan ng pinto at wagas na makatadyak at sipa si Ate. Kulang nalang magsisi ito na naging pinto sya.

"Okay lang ba si Nayumi, Alex? Baka magasgasan yang maganda nyang balat sa ginagawa nya." Nag-aalalang tanong ni Mama sa kin at sa katunayan napapatanga talaga sya na naamaze kay Ate Nayumi.

"Isa!" nagka-countdown na si Ate Nayumi. Ako tuloy parang naiihi na iwan. "Dalawa!" Hell is coming ba? "Dalawa't kalahati!" Nag-iipon na ng lakas si Ate nayumi at bobombahin na nya ang pinto. Sa totoo lang feel ko talaga kahit halod two inch ang kapal ng mga pinto namin ay mababasag at mababasag yan ni Ate Nayumi.

Huminga sya ng malalim, lumayo-layo tapos biglang tumakbo at BOOM!!!

Bumukas ang pinto at inilabas ang naiinis na si kuya na magulo ang buhok at walang ligo tapos nun lumaki ang mga mata nya na para bang alam na nya ang mangyayari.

Lumaki din bigla ang mata ko tapos pikit. "ouch. ." Sabi ko nalang ng marininig ang pagtumba nila.

Unti-unti dinilat ko mga mata ko kaya nakita ko ang awkward moment nila ni Kuya tapos nun awkward silence. Blink. Blink. Blink.

Umalis na si Ate sa pagkakapatong ke Kuya kaya napansin ko na pikit ang mga mata nito. Wow. Bilis talagang makatulog ni kuya. Umaga pa oh. Tssk.

"Tubig. Tubig bilis."Natatarantang sabi ni Ate nayumi sa amin na nakatingin kay Kuya sabay paypay ng kamay nya sa mukha nito.

Tubig? Para san yun?

Napako ako sa kinatatayuan ko dahil di ko alam ang gagawin. Habang si mama naman tumakbo paibaba at kumuha ng isang pitcher ng tubig. Ilang segundo pa ay humihingal na dumating si Mama at binigay kay Ate yung tubig kaya tumayo si Ate at inabot yung tubig.

Parang alam ko na kung para saan ang tubig at parang ayaw ko sa iniisip ni Ate.

Papikit na rin sana ako ng makitang papadilat na si Kuya ng tamang-tama ibinuhos sa kanya ang malamig na tubig.

Condolence bro.

Napabalikwas agad si kuya at tumayo. Namumula na sya sa inis at galit kaya ayun, ako at si Mama ay umalis na sa kwarto. Mind you sa kwarto lang kasi nakikinig kami sa labas.

Mga dakilang talawan at uchusera.

"BAKIT MO AKO BINASA NG TUBIG??!!!" si kuya. Tyak akong lumalaki na ang butas ng ilong nito ngayon. Scary.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon