Chapter 35

36 5 0
                                    

..

Alex.

Akala ko nilamon na ng CR ang mga onngoy. Aba kung maka- CR ilang minuto, ilang drum kaya ang inihi ng mga to?

Napailing nalang ako sa kanila sukat bang mang-iwan at bumalik after a million years eh parang wala lang sila pero seriously bakit nagsipag-alisan ang mga yun kanina? Di kaya torpe sila or what? Weeeeh. Impossible! Magugunaw ata ang universe kong totoo yun. Yung mga ungas kong barkada na kulang nalang gahasain ng babae eh mga torpe? Weeh di nga?

"Alexandra!" napatingala ako. Si Angelo masayang bumabati sakin pero di paman sya nakakalapit eh hinawakan na ni kuya ang collar ng polo nya.

"Lourd naman. Minsan lanv kami magkita ng kapatid mo." pagmamaktol pa nya kaya nginitian ko na lang sya.

"magtigil ka. .buti nga me minsan kasi pag nag dilim ang paningin ko at patayin kita. Wala ka na talagang makikita."seryoso pero pabirong sabi ni kuya kaya nagtawanan nalang kami.

"pre naman. Bantay sarado ka sa kapatid mo. .mamaya nyan maging matandang dalaga yan. Sayang ang lahi nyo." sagot naman ni Angelo.

"bakit ano ka kami? Palahian?"

"sus. .di yun ibig kong sabihin. .tss."

Inabotan naman ni Sigh si Angelo ng tequilla Sunrise. "uminom ka na lang Angelo. .wala kang panama kay Lourd kung baga sa basketball fully guarded yan si Alex. .kita mo, me Steven, Me Dreux at me Lourd pa, sinong makakalusot sa depensa nilang tatlo?"

Natatawa ako sa sinabi ni Sigh, fully guarded nga ako pero me nakalusot namang isa, si River.

Napangiti ako sa isiping tatlong guard players at power forward sila kuya, Dreux at Steven pero nalusotan pa sila ng isang hindi basketball player. How so funny. Pero nasisiraan na ata ako ng ulo. Bakit naman ako matutuwa na nakakalusot si River? Dapat nga matakot ako kasi patay ako ke Kuya pag nalaman nya pero, pero di ko talaga maiwasang mangiti sa efforts ni River sa'kin. Nakakatuwa lang.

I smile na parang sira habang tinitingnan ang baso ko. Nasiairaan na kaya ako ng ulo? On second thought matagal ng sira ang ulo ko pero naman eh! Ano ba tong nararamdaman ko? Haist. Napaangat nalang ako ng tingin kasi feel ko nagsasarili na naman ang utak ko at di na updated sa topic ng barkada na nagtatawanan ngayon pero ng maangat ko ang mata ko si Dreux ang una kong nakita habang nakakunot ang noo nya na para bang naguguluhan sya o me iniisip sya. Kanina pa kaya nya ako tinitingnan? Nakita kaya nya ang mga abnormal kong ngiti at pagspespace out? Naman. Di naman siguro sya nakakabasa ng isip noh? Kasi kung ooh. Lord, itago nyo na po ako sa ligtas na lugar.

Nginitian ko nalang si Dreux ng pilit para di ako mahalata kaya naman bumalik na ang pansin nya sa barkada. Tong lalaking to mas abnoy pa sa'kin. Mas mahirap pa espelingin sa  Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis ang pinakamahabang salita sa english na merong 45 letters. At ooh sige bilangin nyo para maconfirm nyo na 45 letters yan. Pahirapan nyo sarili nyo kasi tinrivia na sa amin yan at pinaspell and si Steven lang ang nakatama ng spelling! Pucha. Me silent-silent pa yan kung paano nyo yan basahin kayo na bahala at magresearch. ~_~!

Napatitig talaga ako ke Dreux ng mas matagal. Ano ba kasi iniisip nun? At bakit ako nagtatanong? Masyado ba akong guilty? Hahuhuhu. Ooh na. Guilty na ako at ilang beses ko ng nararamdaman na me alam si Dreux. Gosh. Nakakaparanoid pala tumakas-takas. Pero on second thought kung me alam si Dreux bat di sya nagsasalita at nagsusumbong ke kuya? Haist. Kakaininis naman ooh. Nakakabaliw to.

"You okay? Para kang natatae na kung ano dyan eh." nakangiting tanong ni Steven sa akin kaya nginitian ko lang din sya. Ang ganda talaga ng ngiti nya at ang gwapo-gwapo nya pero ang abnormal-abnormal ko. Bakit parang naattract ako ke River habang crush ko pa rin si Steven? And what??? Naattract ako ke River? Kelan? Anong nangyareee? Hooohmaayghaad! Im dead.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon