Chapter 48

31 6 2
                                    

Sa avid na sumusuporta nito, sorry kasi natagalan yung update. Aside sa nawalan ako ng gana dahil nawalan sandali ng supporta yung storya eh nagtake din ako ng exam para maging isang licensed o professional *toot * ako and thank goodness I passed! Im already a **toot** Horraaaah!

Also kung wala kayong magawa at naghihintay ng updates, you can check other works of mine too, kung mahilig kayo sa action, My mysterious Girlfriend would not disappoint you, meron din akong Bratinella Academy (The girls reign) na mala-f4 yung story except yung mga babae yung f4, both stories ay tapos na while others are stories on going pa. :)

(^_^)

*******************

Alex.

Pag-ibig (by: jhayrose)

Pag- ibig at piit,
Magkaiba't magkatulad
Kasingkagulugan at kabaliktaran
Malalim, malaya pero pasanin.

Free verse o sabi pa ni Miss malayang taludturan. Isa ang free verse sa pinakamahirap gawin at isipin. Minsan kasi dahil di tugma ang huling salita madaling mawalan ng gana ang iba, di nila alam ito ang pinaka mahirap gawin at intindihin.

Sa kahulugan diwa at kudlit,
Hiwa ng pigan ang sakit
Sadyang ganyan ang pag-ibig
Masarap, masaya pero masakit.

Paa may maglakbay
Pero bilanggo parin
Nang pagkatao at huni, pagkat
Ganyan ang pag-ibig, sadyang kumakapit.

Kung nakakalunod ang salita wala na kelangan ko na ng life guard, kaso yung life guard suplado at di umiimik na para bang me malaking kasalanan akong ginawa.

Haist. Lalaki ang hirap intindihin. Subukan kaya nilang magsalita ng di kami nag huhulaan ng iniisip. Hindi naman ako anak ni Nostradamos o ni Madam Auring kaya ano ba talaga problema ng batang ito?

"What?" bigla syang nagsalita.

Napataas ako ng kilay sa kanya. "Anong what?"

"kanina mo pa ako tinititigan ng ganyan." turo nya pa sa mukha ko.

Tinampal ko kamay nya at nag-iwas ng tingin. Lost in thoughts di ko na naman namalayan na tinititigan ko amg dakilang si Dreux Velasquez at napansin nya yun. Ewan ko ba. Ilang araw ko na talagang napapansin ang mga kilos nya at galaw. Dati madali lang syang wag pansinin kasi wala naman syang paki alam sa mundo pero nung nagka pakialam sya kay Antonia, ewan ko lang. Pakiramdam ko dinadaya ako ng mundo. Ang daya, ang daya-daya talaga.

Natapos si Steven magtula, si Dreux ang sumunod. Paglakad palang nya ang grabe na mg aura at di gaya ng iba, di na kinuha ni Dreux ang paper nya para basahin ang tula, kabisado nya na ito.

Katahimikan, saglit na tumahimik ang paligid ng yumukod si Dreux at nang magsimula syang magsalita, tumigil naman ako sa paghinga.

Panalangin ( by: jhayrose)

Binibini, kaltas ng layo at piging
Damdamin ay sayo dumadalangin,
Na sana kahit minsan iyong mapansin,
Paghuni ko't wagas na panalangin.

Hindi sya ganun ka lalim pero me hugot at damdamin. Para kanino kaya ang tula? Hinango lang ba sa guni-guni ang mga ito o larawan ng damdamin? Pero teka para na akong makata nito ah.

Back to Dreux ang seryoso nya sa pagtutula, akala mo napaka cool nya pero namumula sya, yung tenga at leeg nya namumula kaya alam kong kinakabahan sya, ang tanong, bakit?

Kay lapit ngunit kay layo,
Agwat nati'y di bundok at hayo
Bagkus pananahimik at panagho
Pagkat ika'y malaya, habang ako'y bilango,
Bilango nitong salitang di masabi't mahango.
Salitang nais ialay para lang sayo. .

Malapit ngunit malayo? Si Antonia ba ang tinutukoy nya? Kasi malapit sila pero malayo, halata kasing gusto ni Antonia si Sigmund kaya possible talaga na love triangle sila.

Malapit ka ngunit napakalayo,
Abot-kamay ngunit di makatagpo,
Ni mahawakan kay napakalabo,
Pano pa kaya ang masabi ang nilalaman ng puso?

Nilalaman ng puso? Kanino? Hmmm.

Napatingingin nalang  ako sa paligid habang nag-iisip ng nahagip ng mata ko si River na matamang nakatingin sakin na para bang me iniisip na kung ano. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napalingon kay Steven na tinititigan din ako na parang me kung ano din. Yung mukha nila para bang nag eexpect ng kung anong reaksyon sakin, ewan pero parang pinag-aaralan nila ang kilos ko o ano.

Naguluhan ako sandali sa kanila at tumingin kay Dreux na nagtutula pa rin. Wala sa kanya ang attensyon ko kundi sa mga ekspresyon ng mukha nila Steven at River.

Me alam sila na di ko alam, ang tanong ano yun?

Pinagmamasdan kita sa malayo,
Ligaw tingin, halik sa hangin,
Lagi na lang dumadalangin,
Na sana balang araw, Ika'y maging akin.

Napatulala ako at napansin na bago matapos ay tumingin sa gawi ko si Dreux tapos nun parang ilang segundo syang nakatitig sakin saka yumukod ulit bilang pagtatapos ng tula nya. Mas naguluhan ako lalo kaya mas napatitig ako ke Dreux saka kay Steven tapos ke River na para bang me kung ano silang alam na di ko alam. Ang masama pa di ko narinig ang huling parte ng tula

Haaaaaahoooo! Ano yun? Guys, pwede clue?

Nang umupo na si Dreux sa tabi ko napansin kong mas namula sya at tumingin sakin na para bang kinakabahan. Ako naman walang alam.

Kinapa ko ang noo at leeg ni Dreux dahil wagas na ang pamumula nya. "Me sinat ka ba?"

Mas lalo syang namula at lumayo sakin na para bang kinakabahan at natatakot pa lalo sa ginawa ko.

"W-wa-la. ." sagot nya tapos nun nag-iwas na sya ng tingin sakin at tumingin lang sa may bintana habang namumula pa rin ang tenga at leeg.

Napatingin ako kay Steven na para bang nagtatanong kung anong meron o anong nangyari kay Dreux na sinagot nya lang ng isang simpleng ngiti at isang kibit ng balikat.

Mas lalo akong naguluhan, kinakabahan ako na parang naeexcite pero ewan. Mahirap manghula.

*************

Nasa may eco garden ako, binibisita si River, me gusto kasi akong itanong sa kanya at since dito ko lang naman sya nakakausap kaya ganun.

Nginitian ko sya saka tinapik sa balikat. "Hey. ." bati nya sakin na nakangiti rin.

"hai. ." umupo ako sa tabi nya at nagmukmok. Kahit na kasi nagka okay kami ang rami paring di okay or siguro natatakot lang ako. Ewan.

"me iniisip ka?" tanong nya sakin.

Tumango lang ako saka binalik ang tingin sa pond. "anong meron kanina?" super innocente kong tanong sa kanya, dahilan para tumawa sya.

"anong nakakatawa?"

"Ikaw, your too innocent. " amuse nyang sabi na may pailing-iling pa. "too innocent that you have no idea sa mga nangyayari sa paligid mo."

Mas napakunot ang noo ko with matching double question mark sa mukha ko. "ha?"

Ngumiti lang sya saka tumayo at nagpgpag sa pants nya ng mga dumi dahil sa pagkakaupo.

"Wala. .better innocent. Atleast -----me pag asa pa ako sayo. Its a better chance. .tss torpe kasi.."

"ha? Me sinabi ka?" di ko narinig ang huling parte na sinabi nya o baka sadyang binulong na lang nya yun para di ko marinig, all in all ang narinig ko lang sa simabi nya ay 'torpe kasi'.

Torpe? Sinong torpe???

"anyway kitakits ulit this sunday. .patataubin namin ulit ang mga varsity team." then he wink at umalis na.

Tumayo na rin ako at sumunod, well wala na rin namang sense mag stay dito lalo na kung weird masyado si River na bigla-bigla na lang nag iiba ng mood.

* * * * * * * * *
Feel ko chappy ang chapter, sinulat ko kasi sya kasagsagan ng pagbalisa sa results. Haha. :)

Also I gain a new avid reader,  @Crystalmag salamat at nagustuhan mo yung story atleast dalawa na kayo ni @Missbitter :)

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon