Chapter 2

192 7 0
                                    

Nagstart na yung boring na clase, ako inaantok sa teacher habang si Raolin tulog na talaga! Amazing! Idol! Pero seryoso si Steven ay nakikinig at tila inaabsorb lahat ng sinasabi ng teacher. Si Dreux naman, ahem. Nakapalumbaba at nakikinig din ata sa teacher. Huhu. Bakit mas matino sila sakin?

Nagring yung bell para lunch time kaya kulang nalang magtatalon ako sa tuwa. Grabe naman kasi unang araw palang ng skwela klase agad. Tsk. Pero on second thought ano nga ba naman ang kwenta ng first day of class kung walang clase? Edi di na first day yun.

Nagising na si Raolin kaya naman nagpunta na kami sa canteen. Actually sila lang yung bibili dahil may dala ako. Niluto ni kuya, baka kasi daw marumi whatsoever yung luto ng canteen eh ang sa alam ko eh takot lang syang magayuma ako. Tss.

Bumili na ng lunch ang tatlo at ng bumalik sila ay lima na. Completo ang First five ng basketball team. Kaya as usual yung tinginan ng mga tao nasa table namin. Stare daggers. Buti nalang di nakakamatay yun. Tsk.

"Hey Alexa. ." si Sigmund at naghi-five kami.

"dre. .musta?" si Travis naman saka hi-five din.

"so far buhay pa. ." pabiro kung sabi sa kanila kaya naman tumawa lang si Travis at Sigmund. "sya nga pala, si kuya?" tanong ko kay Sigmund. Nagsi upuan na kami. Katabi ko si Steven at Raolin habang kaharap namin si Dreux, Sigmund at Travis.

"ewan ko. .nagtatago ata." tumawa lang kaming lahat. Di na kasi bago yung me maghabol kay kuya. Naman sa gwapo daw nyang yun sya ang narerape.

Natigil kami sa katatawa ng makita namin si Nayumi na tila ba may hinahanap.

"ate!" tawag ko sa kanya na agad naman syang lumingon.

"Alex. .nakita mo ba kuya mo?"

Napatitig ako sa kanya saka sa barkada at pareho kaming nag-isip. Sya kaya ang tinatakasan ni kuya?. "hindi ate bakit?"

"kasi ungas na yun tinakasan ako!! Me gig mamaya at kelangan namin magpraktis. Sya na lang ang kulang sa banda!" naiinis na sabi ni Ate Nayumi. Sya nga pala ang kababata ni Kuya. Ang tanging babaeng kinatatakutan ni kuya. Wala kasing epek sa kanya charm ni Kuya at kulang na lang balian nya ng buto ang kawawa kong kuya. Tss.

"sigmund? Ikaw alam mo kung nasaan si Lourd?" napatitig si Sigmund sakin naghahanap ata ng tulong. Isa pa tong lalaking to. Takot kay ate Nayumi.

Si Raolin at Travis naman parehong tumahimik. Si Dreux walang paki si Steven lang yung kalmado at masaya ang aura.

"umuwi ata kasi may kinuha sa bahay. " sagot ko nalang ke ate Nayumi. "alam mo naman si Kuya pasulpot-sulpot at pawala-wala bigla. Titext ko nalang." nakangiti kong sabu ke Ate Nayumi.

Ngumiti rin ito, yung mala-anghel na ngiti, yun yon. Ang amo kasi ng mukha at ang ganda pa ng boses ni ate kaso nga lang amazona kung magalit.

"Thanks Alex. .tell your brother his dead kung hindi sya magkukusang magpakita sa practice."

"I will ate. " yun lang at umalis na sya sa canteen. Ako naman aabot langit ata kaba ko dun ah. Wew.

"thanks." si Sigmund.

"nasaan ba kasi si kuya?"

Nagkibit lang ng balikat si Sigmund pero may kutob ako na alam nya kung san naglulungga ang kapatid ko.

Umalis muna ako sa table at tinawagan si kuya, puro voicemail ang bagsak ng tawag ko kaya gumawa nalang ako ng threat na alam kong weakness nya. Itetext ko nalang sya.

"hoy! mabait kung kuya. Magpractice ka na kung ayaw mong ako pa ang pumunta sa band mates mo para magpaliwanag sayo at dahilan para magkita kami ni Angelo dun." sinend ko ang text.

Bumalik na ako sa upuan ko. Pagbalik ko wala na akong pagkain!

Mga halimaw sa pagkain!

Pareho naman silang di tumingin sa akin. Mga onggoy na to kanin nalang ang naiwan. Huhu. Ang takaw talaga. Grrrr!! Di pa ako nakakain.

Bago pa ako mag-alburuto ay nagtext si kuya.

'in in about 10 minutes, okay. Ill practice. No worries.'

Yun lang. Ang kulit kasi ni Angelo, nanliligaw sakin yun kaya naman ayaw ni kuya na magpunta ako sa gig nya o san man na andun ang banda nya. Iwas iwas daw pag may time.

"problem solved." sabi ko nalang saka nilapag ang phone ko. Ngayon naman kelangan ko isolve ang kakainin ko ng biglang nag-ring.

Hala lagot! Wala pa akong kain!

Niligpit ko nalang ang pagkain ko saka naunang pumunta sa classroom. Tsk. Bibili nalang ako mamaya ng snacks.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon