Chapter 45

24 5 0
                                    

Alex.

Two weeks after ng band fest ay medyo naging okay na kami ni kuya, syempre kuya ko sya kaya naman di ko sya matitiis.

Looking at him habang nasa park kami, napatitig talaga ako sa kanya.

"Alam kong gwapo ako. .kaya wag kang tumitig." Mahangin nyang sabu kaya medyo lumaki ang ilong ko sa sinabi nya.

"Tanong lang kuya ha. .sinong gumasgas sa mukha mo sa gabi ng bandfest? Sa mukha mo palang halatang wala kang panama sa nakasagupa mo ah."

"Hahahahaha. ." humalgalpak lang sya ng tawa kaya mas napuzzle ako o di kaya natakot. Di kaya nasiraan ng ulo ang kuya ko dahil sa nangyari?

Tumigil din sya sa wakas sa pagtawa nya saka pinull down ang tip ng sombrero ko. Yan tuloy mas bumaba ang vision ko at di ko nakita ang mukha nya tapos nun iniangat ko nalang yung sombrero, binaliktad kaya yung visor nya nasa likod na. Mas lalo tuloy akong nagmumukhang tomboy nito eh.

"Someone concerned." tanging sagot nya sakin habang me kung anong ngiti sa labi nya. "Hell. .di ko man lang nagasgasan ang mukha nya!" parang naiinis at natatawa nyang sabi sa sarili nya. "sayang!"

Mas napakunot ako sa sinabi nya. Hanoo ba.. Sino ba kasi yun?

"never mind. .besides I deserved the punch."

Napasnort ako sa sinabi nya. "deserve the punch O punches? Para ka ngang ginawang punching bag eh." Angal ko pa sa kanya.

"Hahahaha. .you have no idea." mysteryoso nyang sabi saka tumayo na. "Tara na. .me laro pa tayo sa kabilang village ng basketball." Masayang sabi ni kuya kaya tumayo na rin ako. Naka-jersey kasi kaming pareho at reading ready nang maglaro ng basketball.

Naglakad kami papuntang open court sa village namin, naghamon kasi ulit ng match ang mga taga-Aviar Village kaya pinatulan namin. Sa totoo lang, pasimuno ni River, dun kasi sya nakatira.

Nang makarating na kami dun ay wala pa sina Travis, Sigh, at Dreux kaya kami muna nila Rao, Steven at kuya ang nagtamby dun tapos nun biglang dumating yung grupo nila River. Di naman masyadong naglalaro si River, playing coach lang sya at nagsa-sub lang pag nawawalan na ng hangin o di kaya pinagpapahinga ang mga players nya pero usually nagtuturo lang sya at sa totoo lang sa dami ng taong nanonood aakalain mo talagang me liga ng basketball o di kaya mga professionals ang mga maglalaro. Yun pala---

"Ang gwapooooo!"

Yun. Mga gwapo yung mga players. I mean normal naman na kahit di gwapo ang isang player ay gumagwapo ito sa paningin ng mga babae pag naglalaro. Lalo na pag magaling, naku laglag panty at may tulo laway pa kung nagkataon.

"Aaaaahhh!!" tilian ulit.

Di pa yan nagsisimula ha, paano na kaya pag pinagpawisan ang mga mga onggoy at dahil walang rules na bawal mag hubad kaya ayun minsan bold star ang mga show kasi nakatopless yung iba pag masyado na silang nagpawis. Kaya nga nanganganib mag baha ng laway sa court eh.

Magpalagay kaya ako ng ticket? Tapos guard, ha! Tyak yayaman ako pag nagkataon. Lalo na kung me picture taking portion tyak akong milyonaryo na ako sa loob ng ilang araw na paglalaro namin.

"Kulang nalang armalite at tyak akong niratsada mo na yung mga babaeng nakapaligid sa atin. Isama pa yung mga bakla." pang-iinis ni Rao sakin na sinagot ko lang ng bleeh.

"Sungit mo talaga. Kaya wala kang manliligaw eh." Ratsada pa nito sakin buti nalang to the rescue si Steven.

"Tigilan mo nga si Alex. .buti pa hanapin mo nalang yung syota mo baka kasi mawala." cool na sabi ni Steven habang na heightened alert naman si Rao just in time na makita nya na hinatid si Aizz ng isang lalaki.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon