Chapter 29

42 5 0
                                    


Alex.

Boung maghapon akong nakatunganga at nag-iisip. Siguro worried kay River kaya naman ayun, di ako na-bore sa clase kasi nasa outer space ang utak ko. Tsk.

Napasulyap ako sandali kay Dreux na naka-lean lang sa chair nya na nakatingin sakin na para bang me iniisip. Kanina nya pa kaya ako tinitingnan?

Ignoring him, nag-iisip nalang ako kung paano makakausap mamaya ng personal si River.

. . . . . . . . . . . . . .

Aizz.

So Rao was not the one, then ang tanong, sino? Sino si mr. Admirer? What year? Anong itsura? Sang school? Haist. Nakakasira ng ulo ang mag-isip!

One subject after another. Nag-excuse ako para mag-CR. Tahimik akong nag-CR at nang paglabas ko ayun, andito sina Aileen.

How nice of the world.

"naman. .dahil lang naging boyfriend mo na si Rao snob ka na. Di ka na sumasabay sa lunch at di mo na kami kinakausap." bwelta nya agad sakin.

"Ah. ." well totoo naman yung iba, pero snob? Sila kaya yung parang naiinis na naiingit at nagsasalita behind back. Sinong tama ang pag-iisip na sasama pa sa kanila? Yung di mahihiya at mag-aalangan. "--lagi kasi akong sinasama ni Rao. Di naman ako makatanggi." mahina kong sagot sa kanila.

"Really? Or ikaw ang nagpupumilit?" si Aira.

"tss. .kung di nga rin dahil samin di ka naman papansinin ni Rao ah." Si Arielle.

"ooh nga. ." si Aira.

"well, can't blame her. .anyway. Pag-iniwan ka ni Rao, just sad to say. Kami talaga ang unang tatawa sayo." banta ni Aileen with a smirk and then umalis na sila. Ako naman naiinis sa kanila at sa sarili ko. Im such a loser. Di ko magawang ipagtanggol amg sarili ko saka for there information matagal na naming kilala ni Rao ang isa't isa. Elementary palang! Dati pa nya akong inaalaska at pinatitrippan hanggang sa lumipat ako ng school at sya rin. Nang magkita kami highschool na kami at ganun pa rin si Rao. Lively at alaskador. Di ba nga nagsimula lang to sa biro lahat? Aist.

Lumabas ako ng banyo at sa pagiging wala sa sarili ko ay may nabangga ako.

"Sorry Aizz." hindi pamilyar sakin ang boses ng lalaki kaya napaangat ako ng tingin. Mas matanggkad sya sakin pero parang kilala ko sya. Yeah right. Isa sa bandmate ni Lourd.

"okay lang. .sorry din."

" i wasn't looking in my way though. Kaya sorry." he said with a simple smile. Hmmm. He knows me, could he be Mr. Admirer? Pero lahat ba naman ng lalaking mapapalapit sakin kahit makabangga gagawin kong Mr. Admirer? Tsk. Nasisiraan na talaga ako ng bait.

"No. I was the one not looking in the way. Sorry." paghihingi ko ng pagpapasensya.

He just smile in response then, "anyway. I'm Cristoff. ." naglahad sya ng palad kaya tatanggapin ko sana ng biglang me kamay na sumapaw at nakipagshake hands kay Cristoff.

"and Im Raolin, her boyfriend." pagpapakilala ni Rao sa sarili nya na tinanggap naman ni Cristoff kahit nag-aalangan. Si Rao naman parang biglang sumuplado.

"good to met you pare." din binaling nya ang tingin nya sakin. "good to see you Aizz." then umalis na sya bigla-bigla.

Pag-alis nya umalis din si Rao agad. Wow. Mang-iwan ng girlfriend? Ang Gentleman! Problema nito?

"sandali." habol ko ke Rao. "Ano problema mo?" tanong ko sa kanya ng maaubutan ko sya at mahawakan. Putakte ang bilis nyang maglakad para syang kasali sa walkathon.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon