Chapter 19

45 5 0
                                    

Aizz.

Lunch time na at di ko pa rin alam ang gagawin. I mean si Rao kasi yung taong laging nagbibiro at hindi seryoso sa grupo nila, magkasing kulit sila ni Travis kaya hindi mo alam kung kelan sya magseseryoso o hindi.

"hey girlfriend." nakangiting bati sakin ni Rao. Ni hindi ko napansin na nasa katabing upuan ko na pala ito.

"girlfriend mo mukha mo." naiinis kong sabi sa kanya. Hindi to pagpapakipot, sadyang hindi ko lang talaga sya maintindihan.

"hahaha. .you look cute when your angry. Baka mas lalo akong mainlove sayo nyan." pilyo at cute amg mata ni Rao kapag tumatawa, nakakalumay ng loob. Arghhhh! Unfair!

"seriously. .lunch time na and gutom na ako so tara?" bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko saka hinila. Me choice? Me choice?

Para akong batang kinaladkad ni Rao papuntang canteen pero bago nangyari yun pinana muna ako ng tingin ng fans club ni Rao pati ng mga barkada ko. Naman. Wala po akong kasalanan dito.

Nauna na sa amin sina Louise, Steven at Dreux kanina kaya laking gulat ko ng mapansing nag-iisa si Steven. Nasaan kaya yung dalawa?

Si Sigmund naman me kasamang magandang babae. Mukhang me pinagtitripan na naman ito. Tsk. Napakaplayboy talaga nya.

"hey-hey-hey. .Hi Aizz. .mukhang bitbit ka na naman ni Rao ah."

Namula ako sa sinabi ni Travis habang nginitian lang sya ni Rao. Wow. Iba ang ugali nya ngayon kesa kahapon ah. Bipolar ba to?

"my girlfriend. ." naramdaman ko na inakbayan ako ni Rao kaya mas lalo akong namula. Kulang nalang ata maging kamatis ako. Yung mukha ni Travis nagulat bahagya na parang ewan saka tumawa nalang. Si Sigmund nagulat din pero iba sa gulat ni Travis, yung unexpected lang na nangyari. Si Steven naman ngumiti lang pero malungkot ang tsinito nitong mga mata. Bakit kaya?

"Hey Everyone. ."sigaw pa ni Rao na ikinalingon ng lahat. As in lahat. ---"meet my girl. .Aizz. .be kind to her okay?" nakangiti nyang lahad sa lahat na ikinatuwa ng iba at ikinasimangot ng ilan. Or mas marami ang sumimangot. Iwan, mahirap magbilang saka natutunaw na ako sa attensyon. Pinangarap ko to dati pero iba pala pag andito na.

Umupo na kami after nun, yung kamay ni Rao nasa balikat ko parin at ang mga tingin ng kaibigan ko pati ng fansclub ni Rao nasa akin parin. Pray for my soul, mukhan minumurder na nila ako sa isip nila. Wew.

"that was a show." sabi pa ni Travis habang nakangiti. "mukhang me nakatalo na ke Rao ah. .lucky you at si Aizz yun."

"thanks pre. .anyway nasaan sina Alex at Dreux wala ata."

Nakita ko na napakamao si Steven sa ilalim ng mesa habang nakangiting sumagot. Wow. Ang galing nyang magpanggap.

"Nagpatulong ata si Dreux ke Alex, bigla nya kasing hinatak si Alex kanina."

"ooh. .uso ba ang hatakan ngayon? Si Rao ke Aizz ngayon naman si Dreux kay Alex. .lumalablife na kayo guise." hirit naman ni Sigmund.

Nakangiting umiling si Steven pero napansin ko na tense pa rin ang muscle nya at nakaclench fist pa rin sya. His so calm and ang galing nyang magpanggap.

"well. .hindi lang naman ikaw ang pwedeng magkalovelife Sigh. ." sagot naman ni Rao.

"yeah. .puro ka lovelife nakalimutan munang wala ka pang pagkain. Ano ipapakain mo sa date mo? Lamesa?" pang-aasar pa ni Travis ke Rao na ikinatawa lang ng lahat kasama si Rao.

"ooh nga pala. .wait here." saka tumayo na ito at umorder ng pagkain.

"Nagbibinata na si Rao. .toche' to that." kantyaw pa ni Sigmund na ikinailing lang ni Travis. Nakakatuwa ang magbabarkadang to. Para lang silang magkakapatid kubg mag-asaran.

. . . . . . . . .

Wala akong maisip. Hahaha. Peace. This is a work in progress.

Tanong ko lang, sino gusto nyo para ke Alex?
#Stalex
#Aldreux
#Rivex

Trivia nga pala. 'Ship or ships' ang tawag ng mga teenager sa pagdudugtong-dugtong ng pangalan ng mga love team. :) I read it somewhere eh. Haha.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon