Chapter 18

46 5 1
                                    

Alex.

Sabay kaming pumasok ni kuya sa school saka after noon sinalubong ako ng nakangiting si Steven. Si Dreux ayun suplado parin. Walang nagbago.

Nginitian ko sila pareho maganda kasi talaga ang araw ko. Si Steven binati din ako ng ngiti habang nag-iwas naman ng tingin si Dreux. Huh? Anong meron?

"see you later brad. ." pagpapaalam ni kuya sakin sabay wave kaya napalingon ulit ako ke kuya saka nagbabye. Sa tingin ko di lang ako ang gumanda ang aura. Pati si kuya atleast bati na kami. :)

Nagsisimula na kaming maglakad tatlo papuntang classroom ng biglang magsalita si Steven.

"so hindi ka pinagalitan?"

"pinagalitan saan? Anong nangyari?" kunot-noong tanong ni Dreux bago paman ako makasagot. Problema ng taong to?

"wala. .tintreat lang ako ni Steven ng ice cream bago umuwi kahapon kaya natagalan kami ng uwi. .hindi naman ako pinagalitan ni kuya." pagpapaliwanag ko pa sa kanya, ewan ko lang parang me anong defense mechanism akong nararamdaman na ayaw ko syang mag-isip ng masama o ewan. Or takot lang siguro ako na magkatampohan kami ulit, ang hirap nyang magtampo. Siguro yun yun. Basta.

Tumango lang si Dreux sa sinabi ko at di na nagsalita ulit. Shrug. Ewan ko kay Dreux poker face lagi. Kaya hindi ko alam kung anong iniisip nya.

"good. .atleast we can have an ice cream next time?" basag pa ni Steven sa pag-iisip ko kaya napangiti ako.

"sure." masaya kong sagot sa kanya. Negative vibes, chupii! This is a good day, I told you its a nice day ;).

Magcecelebrate na sana ang puso ko kaso  napansin ko na nagtangis ng bagang si Dreux saka nagclench fist. Napakunot ako ng noo sandali. Anong meron? Iba ata ang timpla nito ngayon, Kulang nalang kasi punching bag o target at manununtok na sya. Scary.

Maya-maya pa'y Nakapasok kami sa classroom na parang me kaguluhan. Napatingin ako kay Rao at Aizz at mukhang nahulaan ko na. I smile. Torpe mo talaga Rao at idaan pa sa mga pasakalye ang kagustohan mong maging Girlfriend si Aizz. May nalalaman ka pang ganyan ha.

Deretso na kami sa kanya-kanya naming upuan, dumating na rin kasi ang teacher namin kaya nagsipag-ayos na kami.

. . . . . . . . . . . . . .

Recess time. Nagcool off yung mga tails ko atsaka pinatawag sila ni Sigmund may meeting sandali daw kaya wala akong kasama kumain dito sa may under the tree na tambayan ko, so kumain nalang ako ng snacks mag-isa ng biglang umupo sa tabi ko si River. Yung ngiti nya abot hanggang tenga at kumikislap pa ang mga mata.

"so?" si River.

"so????" nagtataka kung gaya sa kanya.

"so wala ang mga PSG mo. .but sad to say 15 minutes lang ang recess kaya madali rin kitang makakasama."

"aaahhh. ."

"anyways. I have something for you."

Maganda ba ang araw ko o maganda lang talaga ang araw ni River ngyon, ang gaan nya kasi kasama saka nung sinabi nyang may ibibigay sya sakin naisip ko bagay yun pero kumuha sya ng ukelele, yung maliit na guitara saka tumugtog.

Dancing in the winds, Mist of mist,
I saw you. .then the world stop spinning for a while . .then I say to myself baby. .it must be you. .It must be love. .

Like a cliche my world stop,
My heart beats so fast. . .
Baby. .it must be love. .this must be love. . .

Ooh. .oh. .oh..

Ang ganda ng boses ni River isama pa ang nangungusap nyang mata pagtumitingin sya sakin. Nakakahalina.

"its beautiful."

"no. .your beautiful." pakiramdam ko namula ako sa sinabi nya. Ahem. Excuse me, pasintabi lang po, baka maapakan nyo buhok ko. Pakiramdam ko kasi mad mahaba na sa buhok ni Rapunzel ang buhok ko ngayon eh.

"Kring----kring----kringgg---" save by the bell ako. Hooh.

"gotta go. .thanks nga pala sa pagkanta. .ano ulit title nun?" tanong ko sa kanya na nakatayo na, ready to go.

"uhmmm. .i dont know yet. .work in progress pa kasi ang kantang yun."

Napanganga ako. Did he just mean na kinompose nya ang kantang yun para sakin?

"owh. .anyway. See you in class." nagmamadali kong sabi sa kanya saka umalis na. Naligawan na ako yes but for someone so persistent, I don't even know what to say. The feeling of flattery is there, but hindi ko masabing meron pang sobra dun o wala na.

- - - - - - - - - -

Hey guys. If your a fun of english love stories I have found good authors here in wattpad. 'Storm and Silence' by Rob Thier, its amazing though unfinish pa sya. Classic ang setting nya. Its cool, swear. And meet this australian author too, her code is 'blondeanddangerous' she's got good books of sort. So far I always like her books, marami na syang finish product kaya di kayo mahihirapan.

P.S di nila ako binayaran or what mahilig lang talaga ako magbasa ng books both in and out wattpad and dito sa wattpad sa dami ng nabasa ko so far sila talaga yung inaabangan ko.

Just Sharing. .
Jhay--

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon