Chapter 50

40 4 1
                                    

Natagalan. ---> tinamad kasi yung otor at na stock sa kung paano ipa-plot ang three chapters na dapat i-upload. :)

Sa mga new reader, Hi!! At sa supporter, Hi din! ;)

. . . . . . . . . .

Alex.

Nagising ako dahil may kung anong malamig na tubig ang umuulan sa mukha ko. Kelan pa nagkabutas ang bubong namin? At kahit me butas pa ito dapat di tumutulo kasi me ceiling naman kami.

"Gising na!" Ayun. Si kuya lang pala.

Naman. Hangsarap ng tulog ko pa eh. "Hmmmmm..." Napahilamos ako sa kamay ko at kinuha ang kumot at tinabon sa mukha ko. Obvious kasing ayaw kong gumising. Kasi walang pasok kaya bat ako gigising?

"Hoy! Gising na!" niyuyugyug na ni kuya ang balikat ko pero umuungol lang ako at nagtutulogtulogan. Sabi nga nila mahirap gisingin ang taog gising. Saka walang pasok ngayon kaya di ko alam kung bakit nya ako ginigising ng ganito ka aga.

"Kuya ano ba. .ang aga-aga..." maktol ko sabay talukbong ulit ng kumot kasi hinihila din ito ni kuya.

"Maaga? Alas nuwebe na at tatlompong minuto nang naghihintay si Steven sayo sa ibaba.---" napabalikwas agad ako sa sinabi ni kuya. Si Steven? Anong ginagawa nya sa ibaba? At saka maaga pa talaga ang alas nuwebe lalo na kapag walang pasok. "Sabi nya may lakad daw kayo ngayon sa festival. Totoo ba?" napalingon ako kay kuya halata kasi sa boses nya na parang me kung anong ayaw nyang sabihin. Sa mga nakaraang festival kasi grupo kami kung lumakad o di kaya pag fireworks na kami nagkakatipon. Usually may kanya kanya kaming kasama kaya siguro nagdududa na si kuya.

Napalunok ako sandali saka ngumiti kay kuya. Naalala ko kasi na niyaya nga pala ako ni Steven sa festival at niyaya ko rin si Dreux. "Yeap. .kasama rin si Dreux pero knowing him mamaya pa yun darating o baka sa school na kami mag aabot."

Napatango nalang si kuya sa sinabi ko saka ngumiti tapos bigla akong sprininkle-lan ng malamig na tubig.

Huli na para makaiwas ako syempre kaya isang matinding ---"Kuyaaaaaa!!!" ang sigaw ko. Kaso hang bilis nyang nakatalon sa kama  at tumakbo sa may pinto kaya di sya tinamaan ng unan na tinapon ko.

Naman! Mintis pa!

"Naninigurado lang na di ka na matutulog ulit." natatawa nyang sabi habang nakasilip sa pinto kaya binato ko sya ulit ng unan kaso ang bilis nyang ring nawala.

Tsssss!

Tumayo nalang ako kahit na padabog at pumunta sa CR. Well gising na rin lang naman ako saka kanina pa naghihintay sakin si Steven kaya maliligo nako. Mahirap na baka pa maisipan ni Kuya na sumama sa lakad namin. Brrrr.

. . . . . . . . . . .

Antonia.

"Dreux! Dreux!" katok ko sa kanya pero wala paring sagot. Aba ang mokong wagas. Sabi nya tulongan ko daw sya sa porma nya ngayon at kung anong sasabihin nya mamaya para kay Alex pero hala alas nwebe y trenta na pero tulog pa rin sya.

"Dreux! Hooooy!!! Ngayon ang festival hindi bukas kaya pwede ba gumising ka na dyan! BANGON!" Naiinis ko na talagang kalabog sa kanya dala na nga sipa sa pintuan nya eh.

After one million years may narinig akong bumangon tapos biglang niluwa ng pinto ang disheveled na si Dreux. Pula ang mata nito at medyo may eyebags pa. "Nag-vigil kaba kagabi? Saan ka nakilamay at mukhang wala kang tulog??" Tanong ko sa kanya with matching cross arms pa na sinagot nya ng dakilang, TITIG!

Por dyos por santo! Ke gwapong lalaki ke torpe-torpe. Wag mong sabihin saking di sya nakatulog buong mag damag dahil sa gagawin nya ngayon--- teka. Teka. "anong oras ka natulog kagabi?"

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon