Chapter 20

64 5 5
                                    

Alex.

"Aray. .saan ba tayo pupunta? Walang uso ang dahan-dahan? Nagmamadali? Me lakad?" Me kausap ba ako o wala? Wala kasing nakikinig eh. Si Dreux hinahatak pa rin ako.

"hoy saan ba talaga tayo pupunta? Hello? Earth to Dreux (Drew) saan tayo pupunta?"

Bigla naman syang huminto sa tapat ng isang cute na resto ata? Uhmm. Aah Ice cream house pala.

Huh? Ice cream? Kelan pa sya nahilig sa ice cream?

"pasok na. ." utos nya sakin kaya ako naman pumasok. Ang cute ng lugar. Mukha syang Pambata, carnation, white saka blue ang main color pero me mga designs at color din na rocky road at cookies and cream. Sa mukha palang maglalaway ka na. Me mga maliit rin na designs na chocolate almond fudge, buko salad, makapuno con keso at iba pa. .this is Ice cream wonderland. Wow.

Umupo kami sa isang cheese table, feel ko magpipyesta ang mga mouse sa lamesang to.

"anong gusto mong kaininin?" tanong sakin ni Dreux.

"seryoso ka ba? Hindi pa ako naglalunch at papakainin muna ako ng---"

"just order. ." mariin nyang sabi with serious look kaya kinuha ko nalang yung menu sya rin naman magbabayad eh.

Pagkabasa at pagkakita ko palang sa menu ay tutulo na ata ang laway pati mata ko sa sarap ng ice cream isama pa ang presyo. Ang mahal! Nahihirapan tuloy akong pumili.

After forever, sa dami ng gusto kong matikman at kainin ay nakapili narin ako. "Buko gulaman con keso and  Almond delight. ." nakangiti kong sabi sa waitress. Agad naman nyang kinuha ang order ko saka umalis. Ako naman pagkababa ko ng menu napansin ko na me pagkain nang nakalapag sa mesa. Wow. Magic.

Pero teka familiar to, kina Travis na mga pagkain to kung di ako nagkakamali. Nakakagutom kasi ang pagkain dun dahil sa amoy at sarap.

"paanong--?"

"Its a secret. ." nakangiting sagot naman ni Dreux (Drew) sakin. Napatitig ako ng matagal sa kanya, me mysteryo kasi sa ngiti nya.

"secret huh? Sa pagkakaalam ko 15-20 minutes ang cooking time sa Grill nila travis saka me delivery pa. And its like a minute lang akong pumili and heto na. ."

"well. .kulang nalang kasi tumulo laway mo sa katitingin. .Aray!" hinampas ko kasi sya sa sinabi nya. --"totoo naman, kaya di mo napansin na tumayo ako sandali para kunin yung delivery." pag-eexplain ni Dreux (Drew) sakin.

"aist. .yabang talaga." pwede naman sanang mag-explain ng maayos. Tss.

". .just saying .. Anyway kumain na tayo para naman makabalik tayo sa school in time."

Ngumiti na rin lang ako at sinabayan si Dreux na kumain. Ofcourse gutom na ako saka ang sarap talaga kasi ng pagkain nila Travis nakakabundat ng tyan.

Pero mas masarap ata ang kaharap ko este mas sumasarap ata ang pagkain dahil sa kaharap ko. Ang ganda kasi tingnan ng mata ni Dreux kapag ngumingiti, yun bang nagspasparkle, basta iba kapag suplado sya at nagiging halimaw.

"I know Im yummy pero hindi po ako ang ulam. ." panunudyo nya pa kaya napanguso ako. Panira talaga ng moment. Tss.

"tss. .tinititigan lang kita kasi nagtataka ako kung ano na naman ang nakain mo at niyaya mo akong kumain dito. Effort ha."

"tssssss. .I just like to go out. Nakakasawa ang pagkain sa canteen saka ang loner ko naman kung wala akong kasama. Kung si Travis ang isasama ko, maingay lang. Kung si Rao ganun din. Kung si Sigmund mambabae lang yun. Saka kung lala--"

"pssst--awat na. ." at isinubo ko pa sa kanya ang isang hita ng manok para lang tumigil sya. Yung mukha nya nakakatawa sa bigla. "-- Ooh na. Ooh na. .ako na ang pinakamadaling dalhin. Hindi ako kasing takaw ni Travis o Rao o kasing landi ni Sigmund pero maingay din ako. .din kung sasabihin mo rin na ang panget tingnan ng lalaki na magkasama kumakain ng ice cream o kumain sa labas. .edi okay. .gets ko na po. . Na ako lang ang pwede mong dalhin at hatakin. ."mahabang paliwanag ko sa kanya pero yung Gago parang natulala ata. Napansin ko na nakasubo parin pala sa kanya yung hita ng manok and worst ngayon ko lang napansin na nakalapat pala ang daliri ko sa lips nya kaya Agad kong binawi ang kamay ko saka ngumiti ng medyo awkward. Si Dreux naman nabigla pa ata sa ginawa ko o sa pinagsasabi ko. Ewan.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon