Chapter 49

24 4 0
                                    

Alex.

Sunday.

Naka-jersey ulit ako kasi nagsisimula na kaming mag warm up, maaga kasi kami sa usual dumating sa court para maka pagpawis muna at para maka warm up naman yung iba, si Steven, ako at si Kuya ang magkateam, habang si Sigh, Dreux at Travis naman, si Rao ang referee for a while sense ayaw pa nyang magpawis.

Nagsimula ang laro na kami yung may ball possession, si kuya ang unang mayhawak ng bola saka pinasa sakin, agad namang nag sidestep si Dreux at tumakbo para i-man ako kaya mataman akong nagkokoncentrate na makalagpas sa depensa nya. I dribbled, forward step na sinundan nya ng backing pero dahil agile ako mabilis akong nakabackward step at sideward saka nag jumpshot.

I release the ball and in a second, two points.

Napangiti ako sa ginawa ko habang sumisipol si Rao, bilang point guard magaling sa faking at agility si Rao at sa kanya ko natutunan ang ganung moves.

Napailing si Sigh at tinap sa balikat si Dreux at me binulong napansin kong nag stiffen si Dreux sa sinabi ni Sigh pero di na napansin pa kung anong nangyari kasi dumating si kuya at nag high-five sakin habang ginulo lang ni Steven ang buhok ko at bumulong ng, 'keep it up.'

Ngumiti ako at napatingin kay Dreux na nakatingin din sakin, namumula ang tenga at leeg nya saka bumuntong hininga at tumakbo para bumalik ng posisyon.

Binalewala ko nalang yun at tumakbo na din para maghanda sa laro.

Nagsimula ulit kami at ball possession naman nila, si Sigh ang nasa outer ring saka pinasa kay Dreux kaya sya ngayon ang me hawak ng bola, agad syang tumakbo at dahil mas mahaba ang legs nya kaysa sakin kaya mas mabilis syang tumakbo buti nalang naabotan sya ni Steven na agad syang dinepensahan. After non nakaabot din ako at nag switch places kami, ako ang pinabantay kay Dreux, ngayon tinititigan ko ang mukha nya na seryosong seryoso, pinagmamasdan ko rin sa gilid ng mata ko ang galaw ng kamay nya at balikat pati paa at posisyon nya. Viable masyado at advance, pwede nya akong i-body forward since di yon foul kung nagdidribble ka ng bola at since malaki sya kesa sakin mahihirapan akong di umatras kasi mas malakas ang drive force ni Dreux, isa pa basketball is a physical game, I need to lessen the force.

Seryoso parin si Dreux at mukhang nabasa nya ang advantage nya sakin kaya nag dribble forward sya sakin, sideward o una ang kaliwang balikat nya na naka defense posisyon para di ako makalapit, habang pinoportektahan at dinidribble ang bola.

One. two. Three. Seconds at mas nag drive forward si Dreux, di ako natinag at nanatiling on guard hanggang sa napakalapit ng mukha ni Dreux sakin kasabay nun ang pagdantay ng katawan nya sakin, ang lapit nya at pakiramdam ko tumigil sandali ang mundo. Lumaki ang mata ko ganun na rin sya, though physical ang basketball at dapat walang malisya pero nakaramdam ako ng kaba nung napakalapit nya at alam kong ganun din sya kasi imbes na magpatuloy na umabante at mag charge forward si Dreux napahinto sya sandali at napaatras dahilan para manakaw ni Steven ang bola sa kanya at mabilis na tumakbo papunta sa court namin at nag lay up.

. . . . . . . . . . .

River.

Karamihan ng lalaki mahilig sa babae na mahinhin at maganda, minsan matalino pa. Pero si Alex, well maganda sya, magaling sa sports pero hindi sya mahinhin. Sa ngayon mas naattract ako sa kanya habang nakikita syang naglalaro at pawisan na binabantayan si Dreux, napangiti ako. Taktak na sya ng pawis at kahit naka pony tail sya may iilang parte ng buhok nya ang nalalaglag sa mukha nya. Ang ganda nyang tingnan lalo na kapag sobrang seryoso na nya.

Mas namangha ako sa kanya at kay Dreux, halata kasing nag-iisip sya sa gagawin nya hanggang sa mag decide syang mag charge forward kaso one step at di nag back out si Alex sa kanya, pwedeng mag fake ng foul si Alex kapag natumba due to force o pwede ring mag stand lang sya nv defense, maintaining good distance para di maka arte si Dreux at maka-block sya. Volleyball player si Alex at maganda ang rebound nya sa basketball court di malayong kaya nyang tapatan ang talon ni Dreux kung tamang timing kaso iba ang iniisip ni Alex.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon