Chapter 41

30 5 0
                                    

Happy Easter!!
God is risen Alleluhiah!

. . . . . . . . . .

(Concert night)

Sigmund.

Nauna akong makapunta sa Concert venue, sa isang open field kasi gaganapin ang band fest and since gusto ko munang makahanap ng kadate bago magsimula at matapos ang gabi ay naglibot-libot muna ako. Me nakita akong magandang chicks, sexy at matangkad pa kaya nilapitan ko na.

"Hi." I casually greeted with a smile.

"hi. ."She replied with a smile saka pacute. I mentally grin. Looks like I found a date.

Nag-usap kami or more like nag flirt, nakahawak ang kamay ko sa bewang nya habang nasa dibdib ko naman ang mga kamay nya. Damn! This woman is tempting me, and who am I para tumanggi?

I pulled her and kiss her na sinagot naman nya at umangkla pa ang kamay nya sa batok ko. I feel myself ditching the concert and proceed somewhere else ng biglang pagdilat ko me napansin akong tao. Babalewalain ko lang sana since im so hooked with this woman ng marinig kung magsalita yung lalaki.

"Let's go Antonia." Si Dreux. Boses ni Dreux yun. Di ako pwedeng magkamali. Sya lang ang may cold voice na ganun.

I found myself looking at my surroundings habang nakahalik pa rin ako sa babae. Finally nakita ko ang isang babae na nasa di kalayuan na at nakatingin lang sa akin. Kasunod nun ang paghila sa kanya ni Dreux palayo.

Napalayo ako bigla sa babaeng kahalikan ko at sinundan si Antonia at Dreux pero nawala lang sila bigla sa paningin ko.

I feel hurt and betrayal but then again I feel na tama lang na ilayo ni Dreux si Antonia sakin pero di ko kasi maintindihan kung bakit

Parang lagi silang magkasama? Saka bat ba panay nalang ang hila ni Dreux kay Antonia? Me gusto ba sya rito? Akala ko ba si Alex ang gusto nya? O baka kaibigan lang talaga ang turing nya ke Alex at ako lang ang nag-assume. Kung ganon possible kayang me gusto sya ke Antonia?

Parang----- F*ck! Bahala na nga lang sya.

I turn around at narealize na malayo na pala ang narating ko at wala na yung babae. Marami na ring tao kaya mahihirapan akong hanapin sya.

F*ck again. Wala akong number ng girl! Right! My night is ruined.

Tssk. Haist. Naglakad nalang ako at tiningnan ang phone ko at ang meeting place namin ni Lourd. Well, sa kanila nalang muna ako sasama. Nawalan rin naman ako ng gana maghanap ng bagong date ngayong gabi isa pa nag-aalala rin kasi ako kay Lourd. Haist. Pag-ibig, nakakabuang kaya ayaw kong mainlove eh. Baka matulad lang ako ke Lourd.

. . .  . . . . . . .

Aizz.

Excited akong lumabas ng kwarto para lang makita ang kakambal ko na masamang nakatitig sa akin.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya saka nilagpasan sya para bumaba.

"curfew is at twelve. Dapat impuntong alas dose ay nasa bahay kana. ." malamig nyang sabi habang sinusundan ako pababa ng hagdan.

Eih? Bakit kaya di sya kampante kay Rao? O ngayon lang na-possess ng pagiging strikto si Kuya dahil me boyfriend na ako? Dati kasi mga manliligaw lang at di seryoso.

"opo, sir." sagot ko nalang sa kanya na sinagot nya ng isang tahimik na Nod at tinitigan ang nakaupong si Rao ng masama. Nginitian lang sya ni Rao at kinuha ang kamay ko sabay sabing, "Tara." tapos nun naging tahimik kami sa sasakyan. Sabi kasi ni Rao di kami sasama sa grupo nya. Magsosolo daw kami kaya tuloy naeexcite ako lalo. First date namin to kung sakali. Kaya, Waaaah! Excited talaga ako.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon