Chapter 17.1

55 5 0
                                    

Lourd.

Napahawak ako sa relo na matagal ng nakatago sa isang kahon sa kwarto ko. I feel guilty sa ginagawa ko kay Alex. Ive been hard for her this days. Can anyone blame me? Ayaw ko lang syang masaktan at lokohin. Pinoprotektahan ko lang sya.

I sigh. Maxi, I know Im being coward again but Im just afraid. Pasensya na, I cant even fight for you and now natatakot ako na kaptid ko naman ang mawala. Am I being unfair to her? I just want her safe and free from pain.

. . . . . . . . . . . . . . . .

Aizz.

The clock strikes 12 am but Im still wide awake. Napahawak ako sa phone ko, walang text. Walang reply. Si Rao kaya yun? Kung oo anong gagawin ko at ano ang magiging reaction ko kapag nagkita kami? But kung hindi sya, ano dapat maramdaman ko? Happy kasi hindi alam ni Rao na crush ko sya at Oo totoo ang sinabi ko na sya ang gusto ko sa team at hindi si Dreux. Sinabi ko lang yun kasi wala akong maisip na iba. Saka matagal ko na syang gusto dati pa, kahit naiinis na ako sa kanya at kahit nuong hindi pa nya ako pinapansin masyado at lagi nya akong iniinis. Pero-. . .pero kung hindi sya yun nakakahiya kasi directly umamin ako. Saka paano kung kilala nya si Rao? At paano kung magsumbong sya? Gosh. As in gosh.

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Alex.

Another shining day. Oh did I say I feel good today? This is exactly Steven Won Phenomenon, and its like singing olala. .la. .la.

The day is bright and shining. .shining. .shiningggggg----

I sing merrily. This day is so gre---

"peace on earth!!!" sigaw sakin ni kuya habang kinakatok ang pintuan ko.

Maybe not that great. Hehe.

"Sorry!!" sabi ko pa habang binubuksan ang pinto at nakangiti kay kuya.

"sorry to break your mood bu please don't forget that singing is not your talent baby sis." He said pero hindi seryoso, andun kasi yung pang-iinis nya. Tss. Yeah right, sya na ang musically entwined. Drums and guitar, and right I forgot he can sing. Minsan bumabackground sya kay ate Nayumi o nakikiduet. Tss. Bakit nung binuhos ang talent sa mundo sya yata lahat ang nakapulot? Sinamahan pa ng height at looks. Naman! Unfair.

Nginitian ko lang si kuya na para bang wala lang. "Atleast Im stunningly beautiful." biro ko pa sa kanya. Sa pamilya lang naman malakas ang loob ko na sabihing maganda ako eh.

Napasimangot si kuya sa sagot ko,ewan ko sa kanya. Sya ang nasistress sa beauty ko, sorry naman. Chus.

"Tsss. .sinong may sabing maganda ka?" pang-iinis nya pa sakin.

"marami. Gusto mo magbilang ako?"

Mas napasimangot si kuya sa sinabi ko, nagpout pa ito. Tss. I really hate him! Ang daya-daya, dinadaan nya sa pag-pout and sad face pag gusto nyang bawiin ko ang sinasabi ko. Arghhhh!! Abcdfghijklmn. Wahuhu.

"Ooh na. .maganda ako sa paningin mo at ni mama. .kaya sige na. .maliligo na ko at baka malate pa tayo." sabi ko nalang kaya napangiti sya. Yung cute na mukha. Aist. Ang daya talaga nya minsan.

"Love you baby sis. .pakiss.." sabi pa nya saka lumapit sakin kaso nag-iwas ako at dumepensa.

"Im not a baby kuya. .aist. .hindi na ako bata."

"talaga? You look like one to me. .saka---" nagpout ulit sya. "I miss my baby sis. .hug nalang." natatawa ako kay kuya. Sya kasi yung tao na hindi sweet sa ibang tao, unfortunately ako ang napagbabalingan ng lahat ng sweetness nya sa katawan at protectiveness. Saka ganito rin sya kapag galing kami sa tampohan at galitan.

"aist. .busy ako. ."

"wow. Ikaw ha. .hindi kana nagpapahug at kiss. .nagtatampo ako at nagseselos, maya-maya nyan nagpapahalik kana sa boyfriend mo."

"bakit pwede na ba akong magboyfriend????" nagningning na matang tanong ko sa kanya.

"tsss. .asa ka pa. Maligo ka na. .baka malate pa tayo. Bantot muna." biro pa nya sakin sabay tabon ng ilong nya.

Aist. Ang bilis talaga mangdismiss ni kuya habang nakangiti. He seems like okay now.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon