Chapter 43

38 5 0
                                    

Hindi ko kinakausap si kuya sa bahay at dahil sa ayaw ko rin sya kasabay kaya magtataxi nalang o jeep ako papuntang school ng biglang isang familiar na sasakyan ang dumaan. Parang ke Dreux to ah.

Lumabas si Dreux sa sasakyan nya habang nakashades. Seryoso ang mukha nito as usual, napansin ko rin na napatingin ito sa likod ko kaya napalingon ako at nakitang andun si Kuya nakatingin lang. Si Dreux naman nagtiim ng bagang, dati nirerespeto nya kuya ko pero ngayon parang kulang nalang ata bugbugin nya ito. Naalala ko tuloy nung isang araw na me pasa si kuya. Saan kaya nya yun nakuha? Impossible naman sigurong si Dreux ang me gawa nun, dba?

"hatid na kita." sabi nya kaya tumango nalang ako. Sumakay ako sa front seat at nagseatbelt. Tapos nun tahimik naming binaybay ang daan papuntang school.

Pagdating sa school, tinginan ulit kamis kasi nga magkasama kaming dumating. Pero cares wala ako sa mood sa bitterness ng mundo kaya bahala sila.

Pagdating sa classroom napansin kong nakatayo si River sa may pintuan na para bang me hinihintay si Dreux naman pagkakita palang ke River eh hinawakan ako sa kamay saka sa me bewang na kulang nalang yakapin nya ako habang naglalakad kami.

Napakunot ang noo ni River, nagtiim ng bagang at napakamao pero kung madilim ang mukha nya mas madilim ang ke Dreux kahit na me shades pa ito. Alam mo sa galaw palang nya na papatay sya ng tao pag me mali kang ginawa.

"Let's talk." pigil sakin ni River habang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakitang di pa nawawala ang pasa nya pero halatang nasasaktan sya. Pero saan? Di ba niloko lang naman nya ako? At ako ang niloko dito, kaya wala syang karapatang masaktan.

Naramdaman kong mas naging tense si Dreux pero binalewala yun ni River.

"please. .you need to listen. Let me explain."

"I don't want to. You've hurt me enough with your lies River. I don't want to get drowned again."

"hindi mo naiintindihan. .I was. .it was. ."napaangat sya ng ulo na para bang nagpipigil ng iyak. ----"I just did it for her." yun lang at umalis na sya.

For her? Sinong her? Mahal nya? Ex nya? Sino??? Yung babaeng namatay? Sino yung babaeng yun?????!!

Di ako makapag-isip at sa boung klase sa upuan ni River ako nakatingin. Bakante ito at di sya pumasok. Saan kaya nagpunta yun?

..... . . . . .   .

River.

Ramdam ko ang lungkot ni Xandra, ang inis ni Steven na nanood lang pero nagpipigil, at ang galit ni Dreux.

Haha. Tama nga ako. Mahal niya si Xandra. Ba naman matapos ang concert eh inabangan nya talaga ako at hinamon ng away. Sa katunayan hinihingal na sya na para bang me binugbog na. Syempre lumaban ako pero parang nagwawalang tigre si Dreux sa galit at inis sakin. Kulang nalang maghurumintado si Dreux sa pakikipag away nya sakin para ngang papatayin nya pero hindi ko naman sya masisisi dun. Sinaktan ko kasi ang babaeng mahal nya at para ano? Dahil sa gusto kong makaganti sa kuya nito. Tsk. Ang sama ko. Ang sama-sama ko.

Napahawak ako sa pasa ko at konting cut sa labi. At naalala kong paano nya ako pinapalayo ke Xandra, pero di ko kaya. Di ko kaya. Ngayon pa?

Naglalakad ako sa isang memorial park hanggang sa umabot ako sa usual spot ko. Nilagay ko yung bouquet at umupo.

Naka lagay sa puntod ay Aria.

Haist. "So . .nakaganti ako at nakasakit ako ng tao pero nasaktan naman ako. Ooh na. .ooh na. Tama ka na nga. Mali yung ginawa ko. Na sana nakinig nalang ako sayo. Na sana. .na sana." pumatak na naman ang luha ko sa sakit. "Aria. .bakit mo ba kasi kami iniwan? At bakit sa dinami dami ng pwedeng mahalin si Lourd pa. .aist. Kainis. KAINIS!!!!!!!!"

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon