Chapter 12

86 5 0
                                    

Hopefully you haven't get lost with the story yet. Really sorry for the hassle. .pasaway lang talaga minsan ang wifi. Bow.

=_=!

Yours truly,
hassled writer,
Jhay o_O

. . . . . . . . . . .  .

Aizz.

Katatapos lang ng clase kaya lunch break na naman, naunang umalis ang mga classmates at kaibigan ko. Nakita ko rin na umalis ang barkadahan nila Louise, sa katunayan sa likoran ng upuan ko pa nga sila dumaan,  magkakasama kasi silang mag-lunch kasama ang iba pang membro ng basketball team.

"Aizz..hurry!" demand ni Aileen sakin. Nasa may pintuan na kasi sila.

"go ahead. Me hinahanap pa kasi ako. Susunod nalang ako."

"okaysss.." yun lang at umalis na sila habang ako naman hinahanap kung nasaan ang bracelet ko. Saan ko ba yun nalagay? Wala naman akong naalalang ginawa na pwe-- wait. Kanina ng nag-iwas ako ng tingin kay Rao.

Yumuko agad ako at hinanap sa ilalim nang upuan pero wala talaga. Nasaan kaya yun? Aist. Kainis naman. Regalo pa naman sakin ni Papa yun.

Hindi ko makita ang bracelet ko kaya nagpasya nalang ako na ireport na nawawala ang bracelet ko at baka kung may nakakita pwede nilang ibalik sakin. Sana naman.

Ang bigat sa loob na wala yung mahalagang bagay sayo. Nakakainis. Nakakabadtrip. Aist.

"bat di maipinta yang mukha mo?"

"Ahy kabayo!" napahwak pa ako sa puso ng may nagsalita. Kalalabas ko palang kasi ng classroom.

"Rao.?"

"expecting someone else?" parang me bitterness sa pananalita nya.

"wala." Me problema ako at yun ang dapat kong unahin hindi ang pang-iinis ni Rao sakin.

"bat ang tagal mo sa loob?"

Sasagot sana ako na nawala ang bracelet ko at hinahanap ko kaso, teka lang. "kanina ka pa ba andito?"

Nag-iwas lang ito ng tingin.

Ayaw ko mag-assume pero deretsong lumabas sa bibig ko ang tanong. "hinihintay mo ba ako?"

"Hindi no. .feeler. Saka inaabangan kita."

Parang same lang naman ang inaabangan sa hinihintay ah. Tama ba?

--"kasi. .me nakita ako kanina na bracelet sa ilalim ng upuan mo--"

"nasayo? Nasayo ang bracelet ko??" di makapaniwalang tanong ko sa kanya at napahawak pa ako sa kamay nya.

"aah. .sayo ba to?" inilabas nya sa kanyang bulsa ang bracelet ko.

"My gosh!!! Thank you!!!" napayakap ako sa kanya sa tuwa. Akala ko nawala ko na ang bracelet na bigay ng papa ko. Napapaiyak ako sa tuwa.

"hey. .bakit ka umiiyak?" concern na tanong nya sakin.

"I thought I lost it forever. Gosh. Birthday gift sakin ni Papa to when I was twelve.".. The memory is so strong kaya di ko talaga mapigilan maiyak.

. . . . . . . . . .

Raolin.

" I thought I lost it forever. Gosh. Birthday gift sakin ni Papa to when I was twelve.".. I saw happiness and longing in her eyes. Gift daw ng papa nya when she was twelve and all I know namatay ang papa nya when she was twelve. It must be one of her memory of him.

"Im sorry. ."nasabi ko nalang sa kanya. Di ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"sorry for what?"

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon