Chapter 38

48 5 1
                                    

Alex.

Naging normal naman ang araw. Aside sa pag-iwas ko ke Dreux at wag pagtitig sa kanya ay buhay pa naman ako so far pero sa totoo lang may napansin ako. Nawawala na naman si kuya at lately ang gloomy nya. Pero ngayon ang gloomiest. Di ko kasi sya nakausap ng matino kaninang umaga at ngayon ay hinahanap na naman sya ni Ate Nayumi.

Tiningnan ko si Sigh na para bang tinatanong sya habang nagkibit lang ito ng balikat.

Binalik ko ang tingin ko ke Ate Nayumi sabay ngiti.

"Tatawagan ko muna ate." Sabi ko pa sabay dial ng number ni kuya. Puro walang sagot. Kaya naisipan ko syang i-text.

Pinapapahanap ka ni Ate Nayumi. Hala ka, pag nagsama kami ni Angelo sa kahahanap sayo bonding moments din yun.

I hit send pero after five minutes nag reply lang sya ng 'kay.'

Napatitig ako sa phone. Me sira ba phone ko o ang mata ko ang may sira? Anong 'kay? Okay lang na magbonding kami ni Angelo o okay at pupunta na sya?

"ooh problema mo?" Napaangat ako ng tingin kay Atr Nayumi saka ke Sigh.

"Me problema ba si kuya?" tanong ko sabay. Pakita kay ate Nayumi sa text ko at reply ni kuya.

"Me lagnat? Sinapian or nagayuma yun ni Angelo? Seryoso 'kay ang nereply nya?" Shock na sabi ni Ate Nayumi. I mean, kung nasa wastong pag-iisip si kuya tyak ratrat na ako ng text at tyak babalik agad yun pero ngayon nagreply lang sya ng 'kay'!

Magugunaw na ba ang universe?

"Give your brother a break Alex.  Baka me iniisip lang yun."sabi naman ni Steven na cool ad always.

"hmmmmm. . ." tiningnan ni Trav ang convo namin at nag-iisip ng bigla namang hinablot ni Rao ang phone ko at binasa ang convo.

"Ano ba Rao! Nagbabasa ako at nag-iisip." naiinis na sabi ni Travis na pinilit pang kunin yung phone ko.

"kaya ko nga kinuha sayo. .kasi asiwa tingnan na may onggoy na nag-iisip. Di bagay." bwelta naman ni Rao kaya napatawa nalang kami. Mga sira ulo talaga.

"ulol. Me utak naman ako kahit papaano. ."

"Talaga? Di halata. Tumutubo ba yan at natubuan ka bigla?"

Naku po! Eto na naman ang dakilang away ng dalawa.

"hindi. Inborn to. .yung sayo lang yung hindi."

"Awat na. .para kayong mga bata." Saway naman ni Ate Nayumi kaya nagsi tigil ang dalawa. Naks. Takot lang sila eh.

Pero yung mga onggoy di parin tumigil nag belatan pa rin. Naku naman po. Sinaniban na naman ng kaweirdohan ang dalawa.

Pero ako di pa rin mapalagay. Ano kayang iniisip ni kuya at bakit parang ganun na lang yung reply nya. Isa pa this weekend na ang Band fest kaya dapat puspusan na ang pagpapractice nila. Ano kayang pinagkakaabalahan non?

Ilang minuto pa ang lumipas at nagkukulitan parin ang barkada habang nag-iisip ako. Feel ko talaga me alam si Sigh pero masyado syang loyal kay Kuya. Haist naman.

Balik ulit sa klase after non. Di na ako inantok kasi una ayaw ko ng matawag ng teacher at pangalawa nag-iisip talaga ako ke Kuya ng mapansin kong wala rin si River sa upuan nya.

Absent? Nandito lang sya kaninang morning dba? Pero malungkot sya. Ako ba cause nun o yung samin ni Dreux? Naks. Wagas ang pagiging feeler ko ngayon ah. Full force.

Natapos ang clase na wala kahit isa akong naintindihan sa clase at syempre uuwi na ako. Si Steven naman ang sundo ko ngayon eh.

Papaalis na ako ng room ng biglang may binigay si Dreux sa akin at narealise na cellphone ko yun!

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon