Chapter 7

118 5 0
                                    

Raolin.

Awkward talaga yung feeling na magitna sa away. Yung tatlo di nagpapansinan kaya tuloy kulang ang grupo sa lunch. Ngayon din wala si Alex sa lunch, lagpas isang linggong bingihan nato ah. Ano ba kasing problema nila? Ang gulo.

Nasa canteen na kami ngayon at kakain na ng lunch ng biglang nagpakita si Lourd.

"dre. ." naghi-five kami ni Lourd kahit may dala-dala itong tray, tapos naki paghifive din sya sa iba.

"teka. ." tumingin ito sa'min. Nakaupo na kasi kami at magsisimula na sanang kumain. " si Alex?"

Nagkatitigan kami ni Travis at Sigmund. Deadma naman si Dreux saka medyo napaclench fist naman si Steven. Patay.

Tinitigan ako ni Lourd ng mapansin nyang walang planong sumagot si Steven at Dreux.

Oops. Hot seat.

"t- teka--" basag ni Travis.--"narinig mo na ba Lourd ang paglipat ng vocalista ng bandang Skylark?"

Nag-iba naman ang mukha ni Lourd natotally divert ang attention nya. "what??? Kelan pa?"

"kahapon pa ng hapon." sagot naman ni Travis.

"oh kalabang banda nyo nga pala yun dba? Anong ginagawa naman nun dito?." si Sigmund.

"Nasaan si Alex?" biglang tanong ni Lourd.

Patay. "a-ahm. .me ginagawa pa ata." palusot ko nalang. Sana maniwala. Sana maniwala.

"bantayan nyo sya at wag nyong palapitin si River sa kanya." seryosong sabi ni Lourd. Ako naman kinabahan. Sasabihin ko ba o hindi? Wag na nga lang. Nakakatakot pa nman magalit si Lourd.

"bakit anong meron ke River?" tanong ni Steven.

"His courting Alex since nagkakilala sila sa isang band competition namin. As far as I know limang kanta na ang nacompose ni River para kay Alex at halos pitong buwan na itong nanliligaw sa kanya kaya nga naiinis si Angelo sa kanya at ganun na lang ang pagbabawal ko sa kanya na pumunta pa ng mga gig, practice at band competition ko."

Bigla namang nagdilim ang mukha ni Steven at Dreux. Napailing nalang ako. Kawawang Alex, me overprotective na kuya at dalawang bodyguard na kababata. Tyak wala na syang magiging syota sa lagay na yan. At mukhang tama nga ang naisip ko na wag sa-

"actually magkasama sila ngayon." sabat ni Dreux.

Eihh??? Paano nya nalaman? Naunang umalis at ni hindi pinapansin ni Alex si River. Kaya---- napatingin ako sa harap. Impossible.

. . . . . . . . . . . .

Alex.

Agad akong umalis sa classroom ng magbell para sa lunch at mabilis na naglakad papunta sa hideout ko.

"Ms. Student buddy. ." napahinto ako.

"River."

"lunch? Wala akong kasama eh." presko nitong sabi.

"so? Anong pakialam ko dun?" walang paki kong sabi sa kanya saka lumakad ulit.

"nakalimutan mo ata na school related to. Wala pa akong kilala saka ikaw ang student buddy ko." pagpapacute pa nitong sabi. Ha! Walang epek sa'kin yan. Di ko sya inimikan at lumalakad pa rin ako. Saan kaya ako pupunta ngayon? Napahinto ako. Hmmm??

"saka sabi mo kahapon buddy kita sa school at nasa school tayo ngayon." ngumiti sya ulit sakin ako naman napatitig sa kanya. Sinabi ko ba yun?? --"sige ka susumbong kita kay Miss." at umakma pa itong aalis.

Hala! Napakagat ako ng labi. Grrr. Blackmailer. "tss. Ooh na. .sasamahan na." mabigat kong sabi pero sya bumalik agad sa harap ko at masayang-masaya.

" Talaga???" talo pa ata nito ang nanalo sa lotto.

"oo na nga. Paulit-ulit??"

"di naman. Naninigurado lang. .sarap pala pakinggan ng Oo mo no kahit nga pilit." nakangiti at makahulugan nitong sabi sakin.

Aaaahh. Napaiwas ako ng tingin. Bakit parang feel ko namumula ako?

"tara?" at hinigit na nya ang kamay ko. Saan kami pupunta??

Medyo nahilo ata braincells ko kasi di naka-function ng maayos saka ko pa kasi napansin na papunta kaming canteen. Wait. Alam nya ang daan pa-canteen??

Pagpasok palang namin ay mata agad ni Dreux ang nakita ko. Im dead, im so dead.

Bigla kong napansin na tumayo sila lahat. I mean ang buong barkada at ang masama pa ay andito si kuya ngayon. Im dead, double dead. Heelpp??

Pagkaharap palang ni kuya sa'kin agad na ata nagtayuan ang buhok ko sa katawan pati ata sa kili-kili. Madilim ang anyo ni kuya na nakatingin kay River. Matangkad si River na kasingtangkad ni Steven, si kuya naman flat 6, si Sigmund ang pinakamatangkad na 6'3 ata ang height. Naks. Kumukobe Paras lang ang height.

"alex.." madiin na tawag ni kuya sa'kin habang tinititigan ako. "River." nagtiim sya ng bagang sa panggalan. Puno sya ng galit kay River.

"Lourd." cool lang na sabi ni River sa kuya ko na tila ba wala lang.

Napansin ko na tinitigan ni kuya ang kamay ko na kasalukuyang hinahawakan ni River kaya sinubukan kong bawiin kaso mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sakin.

"she's my student buddy for two weeks Lourd kaya me rason na magkasama kami at makasama nya ako. She'll be helping me sa mga clase at topics na di ko napasukan pati na rin sa pag-assist sakin sa paaralang ito. So chill. Wala pa akong ginagawa sa kanya."

Ano daww??

Nakita ko na parehong nagtiim bagang si Steven at Dreux pero si Kuya papatay na ata ng tao. Hindi naman ganito si kuya ke Angelo at sa ibang nanliligaw sakin ah. Dahil kaya kakompetensyang banda nya si River kaya inis na inis sya dito?

"kuya. ." napatingin silang lahat sakin ang init na kasi ng tensyon dito at ang mga tao ay tila nakocurious na sa amin. --" nagugutom na'ko. .pwede kain muna tayo?" eh sa gutom na talaga ako eh!

Tumawa naman ng malakas si Rao, Travis at Sigmund. Mga baliw ano kaya nakakatawa? Eh sa nagugutom na ako eh.

Torpe AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon