KABANATA 6

42 5 0
                                    

"Magandang hapon, hija."

Magiliw na bati sa akin ng isang lalaki na medyo may edad na. Kita ang kulubot sa kaniyang mukha at ang ilang hibla ng kaniyang buhok ay puti na.

Gumanti ako ng ngiti. "Magandang hapon din po." Magalang na bati ko.

"Anong nais mong bilhin, hija? Mahilig ka ba sa alahas? Narito at may mga bago kami rito na tiyak na babagay sa 'yo. Mas lalong mamumutawi ang ganda mo kapag nagsuot ka nito."

Naglakad siya papasok kung kaya't sumunod ako sa loob. Walang ibang tao at puno ng mga mamahaling alahas ang tindahan.

Ginala ko ang aking paningin, nalulula ako sa tuwing nakikita ang pagkinang ng mga alahas na ibinebenta rito. Pakiramdam ko ay bigla akong nanliit sa sarili. Parang hindi ako nababagay sa lugar na kagaya nito.

"Halika rito, hija. Tingnan mo itong bago naming koleksyon."

Lumapit ako sa direksyon ng matanda nang tawagin niya ako. Sa takot na makabasag ng mga gamit ay dumistansya ako sa kristal na lagayan ng mga mamahaling alahas.

Natatakot ako na makabasag dahil tiyak na habang buhay ko itong pagtatrabahuhan para mabayaran kung sakali.

At wala akong panahon para magbayad ng utang dahil may pinag- iipunan ako. 'Yon lang ang bagay na dapat patunguhan ng sweldo ko. Wala nang iba.

"Ang ipit na ito ang isa sa pinakamagandang bagay sa aming koleksyon. Mula pa ito sa bansang espanya. May kamahalan ang presyo pero tiyak naman na babagay sa iyo kapag ito ay naisuot mo na."

Hindi na ako magtataka na unti- unti na akong nakukumbinse na bumili. Negosyante sila at mayroong matatamis na dila. Natural sa kanila ang maging magaling na mananalita upang makaakit ng mga mamimili.

Mabuti nalang hindi ako marupok.

"Maganda nga po. Magkano po ba 'yan?" Tanong ko habang hindi maalis- alis ang paningin sa ipit na hawak niya.

Napakaganda nito. Simple lang siyang tignan at hindi masyadong maarte para maging disenyo sa mahaba at medyo kulot kong buhok.

"Dahil maganda ka at mukhang mabait, dalawampung piso nalang para sa iyo, binibini."

"Ho!?"

Halos mabingi ako matapos marinig ang halaga ng ipit.

Jusmeyo!

Isang buwang halaga na ng gastusin namin ang katumbas niyan! Ganoon kamahal ang ipit? Ano klaseng palamuti sa buhok 'yan? Gawa sa ginto?

"Opo, aminado akong maganda ako pero hindi po ako mabait. Tsaka bakit ang mahal naman po yata?" Takang tanong ko.

Natawa naman ang tindero sa sagot ko.

Bumusangot ako.

Huwag mo po akong tatawan. Totoo lahat ng sinabi ko. Nagpapakatotoo lang ako sa aking sarili.

"Loko kang bata ka." Natatawa pa rin siya.

"Natural na mahal ito sapagkat ini-aangkat namin ang aming mga paninda at produkto mula sa ibang bansa, hija. Napakamahal ng bayad sa barko at transportasyon bago makarating dito sa amin kaya medyo malaki ang patong para makabawi kami at hindi malugi ang aming negosyo." Paliwanag niya.

"Kaya pala. Sayang naman po. Napakaganda sana at sobrang nagustuhan ko. Kaso ay wala akong ganoon kalaking halaga para bilhin ang bagay na iyan. Mas pipiliin ko pong igastos nalang ang pera sa pangangailangan ng pamilya ko kesa sa ganyang bagay."

Nanghihinayang talaga ako. Gustong- gusto ko ang ipit. Sobrang ganda niya kasing tingnan.

Kaso, wala akong pera. At kung sakali man na mayroon ay hindi ako gagastos para lang diyan.

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon