KABANATA 24

24 4 0
                                    

Nag- ipon ako ng hangin at ilang beses na malakas na napabuga. Kinalma ko ang aking sarili at inayos ang suot kong damit. Sinigurado ko ring maayos na nakalugay ang aking mahabang buhok.

Nang magkaroon na ng lakas ng loob ay naglakad na ako papalapit sa mansyon. Nakita ko si manong na nagbabantay kaya naman kinawayan ko siya at nginitian. Ilang beses na akong nakapunta rito kaya naman alam kong kilala na niya ako.

"Magandang araw po, manong!"

"Magandang araw din sa iyo."

Nagpalinga- linga ako at tiningnan ang loob ng mansyon. Napahigpit ang hawak ko sa bayong na naglalaman ng bukayo na binalot ko sa dahon ng saging para maging mas maayos tignan.

"Ah, nandiyan po ba sa loob si Senyor Dominador?" Nag- aalangang tanong ko.

"Bakit, hija? Anong kailangan mo sa kaniya?"

Napakamot ako sa batok at biglang binalot ng hiya. Parang ayoko nang tumuloy. Parang gusto ko nalang umurong bigla.

"Ano 'yang dala mo?" Kumikislap ang mga mata niya nang tanungin ako.

"Ah . . . ito po?" Itinaas ko ang bayong at nakita kong tumango siya.

"B- bukayo po."

"Binebenta mo ba 'yan? Pwedeng humingi? Wala pa kasi akong sweldo, wala akong pera. Pwede ring utangin ko nalang muna tapos babayaran ko nalang kapag nagka- sahod na." Mahabang litanya niya.

Napabuntong- hininga ako.

Kawawa naman si manong. Baka hindi pa siya nakakapag- almusal. Marami- rami naman itong dala ko kaya bibigyan ko nalang siya.

"Sige po. Ito po."

Inabot ko sa kaniya ang isang piraso ng bukayo na nakabalot sa dahon ng saging na mainit- init pa.

Agad niya itong tinanggap at inamoy.

"Hmm . . . amoy pa lang masarap na!"

"Asus si manong! Parang tanga." Mayuming saad ko at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga.

"Maraming salamat. Babayaran kita sa katapusan."

Sunod- sunod akong umiling. "Hindi na po, manong. Bigay ko na 'yan sa inyo!"

Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Salamat, hija. Nako, mas lalo kang gumaganda! Lalo at napakabait mong bata!"

Natawa nalang ako.

Hmm . . . kung alam mo lang.

Nakipag- biruan pa muna ako kay manong na pinagpapasalamat ko ng malaki dahil biglang nawala ang kaba ko. Pinapasok niya ako sa mansyon at inihatid pa. Umalis lang siya at nagpasalamat noong malapit na kaming umabot sa unahan ng mansyon.

Tinanguan ko lang siya at kinawayan. Kumaway din siya at naglakad na pabalik sa pwesto niya sa pagbabantay sa labas.

Tinahak ko ang daan papunta sa mansyon habang mahigpit ang hawak sa bayong. Pinagpapawisan ako ng malamig.

Paano kapag hindi tinanggap ni senyor ang bigay ko? Paano kung tanggihan niya o itapon? Paano kung magalit sila sa akin?

Umiling ako.

Ayos lang. Basta alam nilang nagpakahirap ako para pasalamatan sila. Sanay na ako sa matapobre nilang ugali kaya naman hindi na ako magugulat kung sakali nga na gawin nila ang bagay na 'yon.

Nasa harapan na ako ngayon ng engrande nilang pinto. Ilang beses pa akong bumuntong- hininga bago kumatok. Ngunit ilang beses na akong kumatok ay wala pa ring lumalabas para ipagbukas ako.

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon