KABANATA 4

48 5 0
                                    

“Mirasol, sige na, sumama ka na. Patawad, hindi ko sinasadya ang naging reaksiyon ko kanina.”

Kanina pa ako kinukulit ni Brenda. Inaaya niya akong samahan siya bukas sa araw ng pyesta tulad ng madalas naming ginagawa dati. Pero dahil hindi ko siya pinapansin ay halos magmaka- awa na siya.

Nagpatuloy lang ako sa pagtatanim ng palay. Medyo masama pa rin ang loob ko sa nangyari. Kami na naman tuloy ni Romualdo ang pinagbubulong- bulungan ng mga tao.

Malalim akong napabuntong- hininga.

Hindi na napagod na makialam sa buhay ng iba. Hindi naman sila ronda para bantayan ang buhay namin. Kung ikayayaman lang siguro ang ganyang gawain, malamang bulto- bulto na ang kayamanan nila.

“Huwag mo akong kulitin, Brenda. Nagtatrabaho ako.”  Malamig kong tugon.

Kita kong nalungkot siya at yumuko.

“P- pasensya na, Mirasol. Ah . . . sige, mauuna na ako. S- siguro ay hindi na rin lang ako tutuloy sa bayan bukas, t- tutulong nalang ako kay inay sa bahay,”  sabi niya saka tumayo.

Napapikit ako at bumuntong- hininga.

Hindi ko alam, pero nagiging marupok ako pagdating sa kaniya. Hindi ko maatim na makita siyang malungkot.

Tumayo ako at seryoso siyang binalingan.

“Anong oras ba?”  Kunot- noong tanong ko.

Natigil siya sa tangkang pag- alis at lumingon sa akin suot ang malapad na ngiti. Lumiwanag ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

Nagulat ako ng bigla siyang lumundag pababa sa putikan kung saan ako naroon. Nasa ibabaw kasi siya ng pilapil kanina pumupwesto.

“Alas nuebe ng umaga, Mirasol! Maraming salamat sa pagpayag!”  Masayang sabi niya sabay yakap sa akin.

Tumango lang ako at napatingin sa laylayan ng damit niya na balot na ng putik ngayon.

“Walang anuman. Basta libre mo ah? Tsaka ’yang damit mo, marumi na.”  Turo ko sa laylayan ng saya niya.

“Oo, pangako, ililibre kita! Hayaan mo na, lalabhan din naman ’yan.”  Nakangiti niyang saad.

“Tuwang- tuwa, kasi di naman ikaw ang maglalaba, si Aling Felomina naman.”

Hinampas niya ng mahina ang braso ko.  “Hindi ah, tumutulong kaya ako!”

“Hindi ko nakikita.”

“Hindi ka na kasi pumupunta sa bahay kaya paano mo makikita?”  reklamo niya na parang may bahid ng pagtatampo.

“Hayaan mo, patapos na rin kami sa pagtatanim ngayong araw. Makakapasyal na ulit tayo.”  Nakangiting sabi ko.

Sunod- sunod siyang tumango. Saka yumakap sa braso ko.

“Bukas ah, huwag kang mahuhuli. Maraming palabas na inihanda kaya manonood at maglilibot tayo buong araw!”

Tumango nalang ako at bumalik na sa pagtatanim ng palay. Ngayon ang huling araw para tapusin namin ang trabaho. Konting distansiya nalang at matatapos na namin ito kaya mas binilisan ko ang pagkilos.

Kinawayan namin ni Brenda ang isa’t isa bago siya tuluyang umalis.

Buti pa siya, makakauwi na at makakapagpahinga. Samantalang ako, nandito pa rin sa palayan, nakayuko habang iniinda ang sakit ng balakang. Pero wala akong magawa dahil may trabaho pa na kailangang tapusin.

Kaya sa halip na magsayang ng oras sa pag- iisip ay nagpatuloy na lang ako sa ginagawa.

Magpapaalam ako kina inay at itay mamaya pag- uwi ko. Gusto ko rin kasing pumasyal at maglibang.

Nang matapos ako sa trabaho ay agad kong iniligpit ang aking mga gamit at dali- daling lumabas ng kubo para umuwi. Daanan ko muna si itay sa hardin para sabay na kaming umuwi sa bahay.

“Alis na ako!”  Paalam ko kay Romualdo at tumakbo na paalis.

Kumaway ako at kumaway din siya.

“Ingat!”  Sigaw niya.

Tumango ako at masayang tinahak ang daan patungong hardin.

“Nay? Tay? Magpapaalam po sana ako. Sasamahan ko si Brenda na mamasyal sa bayan bukas.”

Nasa hapag- kainan kami ngayon at tahimik na pinagsasaluhan ang hapunang inihanda ni nanay.

Nakita kong sabay silang nag- angat ng tingin.

Tumango si itay.  “Oh sige, basta umuwi kayo ng maaga,”  pagpayag nito at muling bumalik sa pagkain.

“Mag- iingat kayo, Mirasol. Tiyak na maraming tao ang dadalo sa mga palabas bukas,”  bilin ni inay.

Sunod- sunod akong tumango.

“Opo. Huwag kayong mag- alala, tatandaan ko lahat ng bilin ninyo. Maraming salamat po!”

Binalingan ko si Maliya na tahimik na kumakain sa gilid ko.

“Ikaw, Maliya? Gusto mong sasama?”  aya ko.

Nag- angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. Napansin ko ring namula ang pisngi niya.

“Uh, m- magkasama po kaming mamamasyal ni Gerardo bukas, Ate.”  Nahihiyang saad niya saka yumuko at bumalik sa pagkain.

Tumango nalang ako.

Si Gerardo ang kababata ni Maliya, na siyang nakababatang kapatid ni Brenda. Magkasing- edad din silang dalawa gaya namin ni Brenda.

Madalas na sumama si Gerardo dati kay Aling Filomena sa tuwing pupunta ang ginang dito sa bahay kung kaya’t naging magkalaro ang dalawa.

At hanggang ngayon, gaya namin ni Brenda, ay matalik pa rin silang magkaibigan.

Wala naman kaming masabi kay Gerardo dahil natural na maginoo ang binata. Walang malisya ang pagkakaibigan ng dalawa dahil masyado pa silang bata para sa ibang bagay.

Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng mga plato. Pinagpahinga ko na silang lahat lalo pa’t alam kong pagod na rin sila.

Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa aking silid para makapagpahinga.

Napapikit ako sa sarap ng pakiramdam nang sa wakas ay makahiga na ako sa aking higaan. Isang nakakapagod na araw na naman ang dumaan.

Sabik ako para sa pyesta bukas kaya matutulog ako ng maaga.

Inihanda ko muna ang aking nag- iisang damit panlakad. Ginagamit ko lang ang may kalumaan na ring baro’t saya na ito sa tuwing pupunta ako sa mga mahahalagang okasyon.

Iniingatan ko ito ng mabuti dahil kapag nasira ito ay wala na akong magagamit. Sinigurado ko na maayos pa itong suotin at wala pang sira.

Nang masuri ang kabuuan ng damit at masigurong walang anumang sira ay ibinalik ko na muna ito sa lalagyanan. Bumalik na ako sa higaan.

Ilang sandali pa akong natulala sa bubong naming pawid bago ako makaramdam ng antok. Dala na rin siguro ng labis na pagod sa pagtatrabaho sa bukid ng buong araw ay nakatulog ako kaagad.

Gigising nalang ako ng maaga bukas para maaga rin akong makapaghanda sa lakad namin ni Brenda. Sinabihan niya pa naman ako na huwag magpapahuli.

Akala mo naman maaga dumarating, siya naman ang palaging nahuhuli.

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon