KABANATA 3

49 8 0
                                    

“Aling Felomina, nasaan po si Brenda? Bakit ikaw ang naghatid ng pagkain ngayon?”  tanong ko kay Aling Felomina pagdating niya sa kubo, bitbit ang tanghalian para saming mga trabahador.

“Hindi ko nga rin alam kung saan nagpupunta ang batang iyon, Mirasol. Umalis siya kaninang umaga at hanggang pag- alis ko kanina sa bahay ay hindi pa rin siya nakakauwi.”

Tinulungan ko siya sa paghahanda ng pagkain sa mesa. Inihain namin ang kanin at ulam at inayos ang mga pinggan.

Maya- maya ay pumasok na sa kubo ang kasamahan namin kaya pumwesto na kami para makakain.

Nagtaka lang ako at nanibago dahil unang beses ’to na hindi si Brenda ang naghatid ng tanghalian. Bigla ko tuloy na- miss ang kaibigan. Mas lalo pa akong naimbyerna dahil kaharap ko na naman ngayon ang asungot na lalaki.

“Ano na namang tingin ’yan? Napagisip- isip mo na ba kung gaano ako kagwapo?”  Nakangisi niyang saad.

Umirap lang ako at hindi nalang siya pinansin.

Nagpatuloy ako sa pagkain at nagbibingi- bingihan nalang sa mga pasaring nila sakin. Hindi ako sumasagot sa mga pang- aasar nila.

Kapag naman titingin ako ay nahuhuli kong tinitingnan ako ng lalaki at agad na iiwas. Muli akong napa- irap at binilisan ang pagkain.

Pagkatapos nilang lahat ay iniligpit ko ang pinagkainan. Hindi ko nakita si Aling Felomina sa loob ng kubo, maaaring nasa labas siya at nakikipag- usap sa mga ginang.

Inilagay ko sa lababo ang mga pinggan. Wala naman masyadong kubyertos, dalawang sandok lang na ginamit namin sa kanin at ulam kanina. Hindi kami gumagamit ng kutsara at kahit tinidor dahil sanay kami na kumain nang naka- kamay lang.

“Ay, walang tubig.”

Nagpalinga- linga ako. Walang ibang tao dito, nasa labas silang lahat. Baka nasa ilalim ng punong mangga at nagpapahangin.

Binitbit ko ang dalawang timba at lumabas. Sa likurang parte ako dumaan dahil nandoon ang balon na pinagsasalukan namin ng tubig.

Dahan- dahan at ingat na ingat ako sa paglakad dahil madulas ang daan. Baka matapilok ako at bumagsak sa putikan.

“Anong ginagawa mo?”

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

Paglingon ko ay si Romualdo lang pala. Halos mabato ko sa kaniya ang timbang hawak ko sa magkabilang kamay.

“Ano ba? Kanina ka pa diyan? Bakit ka nanggugulat!?”

Seryoso at kunot- noo niya akong tiningnan.

“Mag- iigib ka?”  tanong niya sabay igting ng panga.

Eh? Ba’t parang galit? Anong mali kung mag- iigib ako? Hindi naman sa kaniya itong balon kaya hindi ko kailangang magpaalam kung iyan ang kinakagalit niya.

“At may pakialam ka dahil?”

Umiwas siya ng tingin. Nakita kong halos mawalan na siya ng pasensya.

“Bakit hindi mo ako tinawag? Akin na, ako na ang bahala rito, bumalik ka na sa loob,”  utos niya sabay agaw ng dalawang timba na nasa kamay ko.

“Huwag na, ayos lang. Kaya ko naman eh,”  tanggi ko.

Nakakahiya naman, mukhang nagpapahinga sila sa labas kanina eh. Hindi ko nga alam kung bakit narito siya.

“Huwag ka nang makulit, Mirasol. Mabigat ’yan at madulas ang daan. Ako na ang mag- iigib at hintayin mo nalang ako sa loob.”

Ramdam kong naiinis na siya sa pagmamatigas ko.

Bumuntong- hininga nalang ako saka tumango.

“Sige, salamat,”  sabi ko sabay bitaw sa pagkakahawak ko sa dalawang timba.

Ngunit hindi ko sinunod ang utos niyang pumasok na sa loob. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at nakita kong sinalinan na niya ng tubig ang mga timba.

Hindi na naman niya ako sinaway at hinayaan nalang. Siguro ay napapagod na rin siya dahil alam niyang magmamatigas lang ako.

Sa bawat paghigit niya ng timba mula sa balon ay nahahalata ang matitipuno niyang braso.

Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa direksiyon ko.

Nang muli ko siyang sulyapan ay hindi na seryoso ang mukha niya kundi nakangisi na siya ngayon. Parang baliw lang.

Nang mapuno niya ang dalawang timba ay inangat na niya ito at binitbit. Namangha ako dahil parang wala lang sa kaniya ang bigat nito. Sabagay, sanay naman na siya sa mabibigat na trabaho.

Sumunod ako sa kaniya at agad na nauna para ipagbukas siya ng pintuan.

Binalingan niya ako kaya umiwas lang ako ng tingin. Muli siyang napa- iling at lihim na napangiti.

“Saan kayong dalawa galing?”

Napatigil kami ni Romualdo nang marinig ang boses ni Brenda.

Nakita kong nanlalaki ang mga mata niya ngayon habang nakatingin sa aming dalawa ni Romualdo. Kumunot ang noo ko. Ano na namang iniisip niya?

“Ah, diyan lang. Sa may balon,”  prenteng sagot ko.

“Sa balon!? Anong ginawa niyong dalawa roon!?”  Gulat na sigaw niya.

Natabunan ko pa ang tainga ko dahil halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. Anong reaksyon 'yan?

“Anong nangyayari rito?”

Natampal ko nalang ang noo ko nang magsipasukan ang mga trabahador sa loob ng kubo at nakiusyoso.

Napalakas yata ang sigaw ni Brenda at nataranta sila sa pag- aakalang may kung anong nangyari rito.

“E- eh kasi po, sina Mirasol at Romualdo, galing daw sa balon, inay.”  Nauutal na paliwanag ni Brenda sa ina.

“Oh, tapos? Ano naman ngayon kung galing sa balon?”  Takang tanong ni Aling Felomina sa anak.

Hindi naman sumagot ang dalaga at sa halip ay yumuko lang ito. Nahiya rin siguro dahil nakatawag ng atensyon ang biglaang pagsigaw niya kanina.

At dahil hindi sumagot ang anak ay ako ang binalingan ni Aling Felomina.

“Bakit, Mirasol? Anong ginawa niyong dalawa ni Romualdo sa balon?”

Lalong kumunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko ay may iniisip sila na may hindi magandang bagay kaming ginawa ni Romualdo?

Ang dudumi ng utak.

“Natural, umigib ng tubig. Ano pa bang ibang ginagawa roon? Alangan namang maglaro kami ng habulan doon.”  Pabirong sagot ko nalang para maitago ang inis.

“Iyan nga po oh, may bitbit si Romualdo na malalaking timba. Maghuhugas kasi sana ako, kaso ay walang tubig kaya nagpresinta siyang tumulong at ipag- igib ako ng tubig.”

Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag. Siguro dahil napansin kong ang kikitid ng utak nila, kita ko kasi ang mapang- husgang titig nila samin ng kaibigan ko.

Binalingan ni Aling Filomena ang anak.  “Iyon naman pala eh, tinulungan lang ni Romualdo si Mirasol, anak. Wala naman akong nakikitang masama sa ginawang pagtulong ng binata.”

Dahan- dahang tumango si Brenda habang nakayuko.  “Opo, pasensya na sa naging reaksyon ko. Nagulat lang po ako.”

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon