KABANATA 12

31 4 0
                                    

Kasalukuyan kong tinatanaw ang mga kaganapan sa loob ng mansyon nang mamataan ko si inay na lumabas at nagpalinga- linga sa paligid na parang may hinahanap.

Tumayo ako.

"Oh, Mirasol? Magsisimula na ang piging saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Aling Felomina.

Tumingin rin ang kausap niyang babae sa akin na parang nagtataka.

"Pupuntahan ko lang po si Inay." Magalang kong sagot.

Tumango- tango siya. "Ay oo nga pala, kamusta? Nakita mo si Brenda?"

Umiling ako. "Hindi po eh." Sagot ko.

Nagpaalam ako na aalis na at nagpatuloy naman sila sa kanilang kwentuhan.

"Inay!"

Tinawag ko siya at kinawayan. Tiyak na sa dami ng tao rito sa labas ay mahihirapan siyang makita ako lalo pa't malabo na rin ang kaniyang mga mata.

"Marisol! Mabuti naman at nakita kita. Pwedeng bang ikaw na muna ang maghain ng pagkain sa loob, anak? Medyo sumakit kasi ang ulo ko eh."

Nag- aalala ko siyang dinaluhan at hinawakan sa braso nang mapapikit siya at mapahawak sa kaniyang noo.

"Inay! Ayos lang po ba kayo? Masama po ang inyong pakiramdam? Umuwi nalang po kayo, pasasamahan kita kay Maliya. Ako na po ang bahala rito."

Umiling siya. "Hindi na kailangan, anak. Kaya ko ito. Konting pahinga lang at mawawala rin itong sakit ng ulo ko."

"Inay naman, umuwi nalang po kayo. Uminom na rin kayo ng gamot. Doon nalang kayo sa bahay magpahinga." Pagpupumilit ko.

Napansin kong namumutla si Inay at mas lalo lamang akong nag- alala sa kalagayan niya.

"Inay!"

Agad ko siyang inagapan nang muntik na siyang matumba.

"Halika po, pumunta muna tayo sa mesa namin tapos maupo ka muna roon. Tatawagin ko lang si Maliya para masamahan ka niya pauwi."

Mabuti naman at hindi na siya nag- protesta pa nang gabayan ko siya patungo sa mesang pinupwestuhan namin.

"Oh, Mareng Letecia, anong nangyari sayo? Bakit namumutla ka?"

Tumayo rin sina Aling Felomina para tulungan akong paupuin si nanay.

Alam kong wala na siyang lakas para magsalita at sagutin ang tanong ni Aling Felomina kaya ako nalang ang sumagot sa tanong ng ginang.

"Masakit daw po ang ulo ni Inay. Ang sabi ko nga po, umuwi nalang siya at sa bahay na magpahinga."

"Ay mas mabuti pa nga, kumare. Uminom ka rin ng gamot para mas madali kang gumaling." Sang- ayon ng ginang.

Tumango lang si nanay na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin habang hinihilot ang sariling sintido.

"Nay, sandali lang po ah. Dito po muna kayo, tatawagin ko lang si Maliya. Babalik rin po ako kaagad." Paalam ko kay nanay.

Binalingan ko si Tiya Filomena.

"Tiya, pakitingnan naman po si inay. Babalik din ako kagaad."

Tumango siya. "Sige, ako na ang bahala sa inay mo, Marisol. Huwag kang mag- alala."

"Maraming salamat po."

Dali- dali akong naglakad papunta sa mesang kinauupuan nina Maliya at Gerardo. Kasama nila ang mga binata at dalagang kaedaran din nila. Masaya silang nagtatawanan habang nag- uusap.

Ayoko mang sirain ang kasiyahan niya kasama ang mga kaibigan, wala akong magagawa dahil higit kailangan ni inay ngayon ang tulong namin.

"Maliya?" Mahinahon kong tawag sa atensyon niya.

"Ate Marisol! Bakit?"

"Ah . . . ano, pwede ba kitang makausap?"

Tumango siya at tumingin sa mga kaibigan na parang nagpapaalam. Nakita kong tumango ang mga ito at ngumiti.

"Sige, Ate. Tungkol saan po ba?"

Tumayo siya at nagpa- akay sa akin nang dalhin ko siya sa malayong direksyon mula sa pwesto ng mga kaibigan niya.

"Pasensya na pero . . . maaari mo bang samahan si inay na umuwi?"

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. "Bakit, Ate? Anong nangyari kay nanay?!" Natataranta niyang usisa.

Hindi ko alam kung masyadong malakas ang boses ni Maliya pero nakita kong lumingon si Gerardo sa direksyon namin.

Tumayo siya at naglakad patungo sa kinatatayuan namin ni Maliya.

"Anong problema?" Seryoso niyang saad at pumwesto sa tabi ng kapatid ko.

Ibinaling ko kay Maliya ang aking atensyon.

"Sumama ang pakiramdam ni nanay, Maliya. Muntik na siyang matumba kanina, buti nalang naalalayan ko siya. Kung . . . kung pwede sana, samahan mo siya pauwi. Kailangang- kailangan niya kasing makainom ng gamot at makapagpahinga." Mahabang salaysay ko. "Pero . . . pwede naman kayong bumalik dito kaagad. Ako nalang ang gagawa ng trabaho ni inay. P- pasensya na, Maliya."

"Ate, ano ka ba? Ayos lang. Sige, ako nang bahala kay nanay, paiinumin ko rin siya ng gamot at pagpapahingahin."

"Sasamahan na kita." Singit ni Gerardo.

Binalingan siya ng kapatid ko at nginitian.

"Salamat nang marami sa inyong dalawa. Hayaan niyo, ipagbabalot ko kayo mamaya."

"Hindi na po kailangan, Ate. Ayos lang talaga." Sabi sa akin ni Maliya saka hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang masyadong magpapagod ah? Baka kasi ikaw naman ang magkasakit." Bilin niya habang mataman akong tinititigan.

Ngumiti ako. "Masusunod."

"Sige na, puntahan niyo na si nanay. Mag- iingat kayo ah?"

"Opo."

Sabay nilang tugon at naglakad na patungo kay nanay. Sumunod ako sa kanila para masuri ang kalagayan ni nanay.

"Maliya, dito!"

Nakita naming kumakaway si Aling Felomina. Hawak- hawak niya sa kamay si nanay.

"Inay!"

Sabay kaming napasigaw ni Maliya nang makita naming nasuka si nanay!

Dali- dali kaming tumakbo papunta sa kaniya at dinaluhan siya. Hinawakan ko siya sa kamay at hinawakan naman ni Maliya ang kaniyang buhok para hindi ito maging sagabal sa kaniyang mukha.

Halos natulos ako sa aking kinatatayuan. Bigla akong nanlamig nang makita ang suka ni inay.

Dugo . . .

Umagos ang luha sa aking mga mata. Lumakas ang tibok ng puso ko at nanlabo ang aking paningin. Halos mawalan ako ng lakas at biglang nalambot ang aking mga tuhod. Para aking mabubuwal sa aking kinatatayuan.

"Nay . . ."

Halos nawalan ako ng boses. Biglang nablangko ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang sunod na gagawin. Binalot ako ng takot, pangamba at pag- aalala para sa kalagayan ni nanay.

"Maliya, dali! Halika, samahan mo ako, dalhin natin sa ospital ang inay mo!" Natatarantang wika ni tiya.

"O- opo!"

Dali- daling kinarga ni Gerardo si nanay palabas at agad na sumunod sina Maliya at Tiya Felomina.

Tumakbo rin ako ngunit agad ding napatigil nang marinig ang isang galit na sigaw.

"Nasaan na ang nagsisilbing katulong!?"

Napapikit nalang ako sa nag- uumapaw na emosyon sa aking puso. Sobrang sikip sa dibdib at parang gusto kong magwala. Masama ang lagay ng nanay ko pero hindi ko siya masamahan dahil may trabaho pa akong dapat gawin.

Huminga ako ng malalim at pinahid ang aking mga luha. Inayos ko ang aking sarili bago ako naglakad papasok ng mansyon.

Sandali lang po, Inay. Tatapusin ko muna 'to. Susunod ako.

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon