KABANATA 50

77 4 12
                                    

“Kamusta ang lakad ninyo?”  Bungad na tanong ni Aldo pagpasok namin ni Wena sa mansion. Bumati muna si Wena kay Aldo bago nagpaalam na mauuna na sa loob. Tumango lang ang huli. Naiwan naman akong nakatayo sa harap niya.

“Maayos naman. Nakuha ko na rin ang ilang mga gamit ko na natira roon. Iyon iyong bitbit ni Wena. Iyong iba hindi ko na dinala. Baka multuhin ako nina nanay kapag inubos kong dalhin rito ang mga gamit sa bahay.”  Biro ko at tumawa.

Nanatili naman siyang seryoso na nakatingin sa mga bagay na hawak ko.

“Ay oo nga pala.”  Siguro ay subukan kong itanong sa kaniya. Baka sakaling may ideya siya kung sino ang may- ari ng mga ‘to.  “Pamilyar ka ba sa mga ito? Pumunta kasi ako sa mansion ng Ledezma kanina. Hinanap ko si Jandrino Balak ko san—”

“Anong sabi mo?”  Putol niya sa sasabihin ko.

“Ang sabi ko, pumunta ako sa mansion nga mga Ledezma kanina. Tapos hinanap ko si Jandrino. Huwag ka kasing sasabat kaagad. Hindi pa ako tapos magsalita eh.”  Pagmamaktol ko saka umupo at inilapag sa aking kandungan ang mga bitbit.

“Ikaw pa talaga mismo ang pumunta doon? Bakit mo siya hinanap? Anong kailangan mo sa lalaking ‘yon?”  Sunod- sunod niyan tanong habang mariin akong tinititigan. Madilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha at umigting ang panga.

“Ba’t ka galit?” 

“Hindi ako galit.”  Tanggi niya saka umiwas ng tingin.

“Nagpunta lang naman ako doon kasi may ibibigay sana ako.”  Paliwanag ko. Nakatingala ako dahil matangkad siya at nakatayo ngayon sa aking harapan.

“Anong ibibigay mo? Pwede ko namang ipahatid nalang ‘yan doon. Hindi na kailangang ikaw talaga ang personal na pumunta.”  May bahid ng iritasyon ang kaniyang boses.

Anong probelama nito?

Pinaningkitan ko siya at sinipat.  “Teka nga. Nagseselos ka ba?”

Nakita kong namula ang kaniyang tenga tanda na nahihiya siya. Napansin ko ito noong mga bata pa lamang kami. Na sa tuwing nahihiya siya ay namumula ang kaniyang tenga. Tumawa ako.

“Hindi nga!? Bakit ka nagse—”

Naputol na naman ang balak ko sanang pang- aasar sa kaniya nang bigla siyang umupo at tinabihan ako. Nagulat ako sa ginawa niya at kaagad na napausog palayo. Ngunit hindi niya ako hinayaan. Hinawakan niya ako sa beywang at hinatak palapit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang kapusukan. Mariin niya akong tinitigan at maya- maya pa ay bumaba ang kaniyang atensyon sa aking labi. Mariin ko itong itikom nang dahan- dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha. Isang namamaos na bulong ang aking narinig.

“Oo. Nagseselos ako... Mirasol.”

Hindi ako dumilat hanggang sa may naramdaman akong patak ng halik sa aking noo. Naramdaman ko ring niyakap niya ako ng mahigpit.

“Akin ka na eh. Ayokong maagaw ka pa ng iba. Hindi ako papayag.”  Pagmamaktol niya na parang bata.

Lihim akong napangiti. Niyakap ko siya pabalik. Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Saya na tanging sa kaniyang piling ko lang nararamdaman.

“Pasensya na. Masyado kasing maganda itong babaeng gusto mo eh kaya tanggpin mo nalang na marami ka talagang magiging kaagaw.”  Biro ko.

“Alam ko. Pero hindi naman ako naghintay ng sampung taon para lang hayaan kang maagaw sa akin ng iba.”  Bulong niya.

Kumalas ako ng yakap sa kaniya at nakanganga siyang binalingan. Hindi ako makapaniwala.

“Sampung taon!?” 

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon