KABANATA 47

20 4 0
                                    

Tahimik akong ngayong nakatambay sa hardin ng mansion. Mayroong iba’t- ibat uri ng mga bulaklak rito at mas lalo akong natuwa nang malaman na may isang parte na tanging bulaklak lang na mirasol ang nakatanim. Hindi pa ito namumulaklak dahil mukhang bago pa lang itong naitatanim. Maliliit pa sila. Pero kahit na ganoon ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ayokong maging asumera. Pero base sa gulang ng mga bulaklak, ay halos ilang linggo pa lamang itong nandoon.

Hindi kaya... pinasadyang ipatanim ito ni Aldo dahil alam niyang paborito ang mirasol?

Para akong baliw na ewan dito. Wala namang nakakatawa pero napapangiti ako habang inaamoy ang mabangong halimuyak ng bulaklak na rosas. Naagagandahan din naman ako sa rosas. Hindi ko nga lang paborito. Tsaka masyado na siyang karaniwan. Mabilis ding mabasa ang kaniyang simbi kaya hindi ako masyadong nahumaling. Hindi gaya ng mirasol, may hatid itong kakaibang mensahe na iyo lang mababasa, kapag pilit mong unawain.

“Senyorita Mirasol!”

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Wena sa aking taba. Napahawak ako sa aking dibdib. Muntik na akong atakihin sa puso! Humarap siya sa akin na pawisan, hapong- hapo at parang mawawalan na ng hangin. Anong ginawa nito? Inalalayan ko muna siyang umupo para pakalmahin. Hinagod ko rin ang kaniyang likod para makahinga siya ng maayos. Nanlalaki ang mga mata niya nang bumaling sa akin na para bang nakakita siya ng multo.

“Bakit? Anong nangyari?”

Bigla siyang nag- alangan. Parang hindi siya mapakali at nababalisa.  “A- ano po... ‘yong... ‘yong pumatay sa mga magulang mo... nahuli na!”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko kaagad na proseso ang aking narinig. Nanigas ako sa aking kinatayuan. A-ano raw?

“Nasa presinto po ngayon si Senyorito Romualdo para asikasuhin ang kaso at pagbayarin ang kriminal!” 

Doon lamang ako bumalik sa katinuan. Agad kong hinila si Wena at inaya para samahan ako sa presinto. Habang sakay ng kalesa ay hindi ako mapakali. Panak- nakang hinahagod ni Wena ang aking likod upang ako’y pakalmahin. Pinaglalaruan ko ang aking mga nanlalamig na kamay. Hindi ko maipaliwanag ang nag- uumapaw kong emosyon. Masyadong okupado ang isip ko at hindi ako makapag- isip ng tama. Isa lang ngayon ang gusto kong gawin. Ang pagbayarin ang hayop na pumatay sa mga magulang ko. Kung sino man ang walang puso na gumawa niyon, hinding- hindi ko siya mapapatawad. Mamatay man ako ay babaunin ko hanggang sa aking libingan ang galit at poot ko sa kaniya. Sisiguradin kong pagbabayaran niya ang brutal na pagpatay sa aking mga magulang. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan!

Pagkatigil na pagkatigil ng kalesa ay kaagad akong tumalon. Narinig kong sumigaw si Wena at tinawag ang pangalan ko pero nagtuloy- tuloy lang ako sa paglakad. Hindi ko alintana ang mga taong nababangga ko sa tuwing ako ay may nakakasalubong. Si Wena nalang ang humihingi ng paumanhin para sa akin.

Dumiretso akong pumasok sa presinto at ginala ang aking paningin. Nasaan siya!? Nasaan ang hayop!?

“Senyorita! Kumalma ka po muna.”  Pakiusap ni Wena.

“Naririnig mo ba ang sarili mo, Wena? Paano ako kakalma kung alam kung nandito na taong pumatay sa mga magulang ko!? Nasaan ang hayop na ‘yan!”  Nagwawala na ako at may ilang napapatingin sa gawi namin. Yumuyuko nalang si Wena.

“Dito po.” 

Naramdaman kong hinila niya ako at inalalayan papunta sa isang silid. Nakaharap na ako ngayon sa pintuan.

Kaya ko na ba? Kaya ko na bang harapin ang taong sumira ng pamilya ng ko?

Humugot ako ng malalim na buntong- hininga bago dahan- dahang pinihit pabukas ang pinto.

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon