KABANATA 16

28 4 0
                                    

Nilapitan ko si Romualdo at pinakiusapan.

"Romualdo, pakiusap. Huwag mong sasabihin kay tatay." Halos magmaka- awang pakiusap ko.

"T- teka, Mirasol. Hindi pa alam ni Mang Victorino?"

Umiling ako. "Hindi. Hindi pa niya alam. Walang sinuman ang nakaaalam. Tatlo pa lang tayo ni Aling Marites ang may alam nito. Kaya pakiusap, Romualdo. Huwag mong babanggitin kay tatay." Natataranta kong wika.

"P- pero paanong . . . Marisol, dapat itong malaman ng tatay mo." Nag- aalala niyang saad.

Patuloy akong umiling- iling. "Hindi. Ayoko. Hindi ko sasabihin. Itatago ko nalang sa sarili ko ang nangyari, Jandrino."

Hindi pwedeng malaman ni tatay dahil hindi ko alam ang pwede niyang gawin. Oo, mahirap lang kami pero hindi pumapayag si tatay na sinuman sa miyembro ng pamilya namin ay masaktan o madehado.

Tumayo si Romualdo kaya napatayo rin ako.

"Mirasol, makinig ka. Pupuntahan natin si Mang Vic ngayon at sasabihin natin sa kaniya. Hindi mo ito pwedeng itago dahil buhay ng inay mo ang nakasasalay!" Medyo galit niyang tugon.

Napakurap ako.

"Ha? A- anong buhay ni inay?" Nagtataka kong tanong.

Kumunot ang noo niya at nasabunutan ang sarili.

"Hindi ba? Nasa ospital ngayon ang nanay mo dahil sumuka siya ng dugo? Ilang araw na siya roon pero hindi mo man lang sinabi kay Mang Victorino ang nangyari?" Naiinis na siya at nahihimigan ko 'yon sa boses niya.

Natahimik ang nagwawala kong sistema. Napapikit ako at napabuntong- hininga dahil 'yon lang naman pala ang sinabi sa kaniya ni Aling Marites. Sabagay, hindi niya naman kasi alam ang nangyari kaya natural, hindi maipagsasabi.

"Iyon pala ang tinutukoy mo."

"Oo. Bakit? Mayroon pa bang iba?"

Umiling ako. "Wala."

"Bakit pakiramdam ko ay mayroon? Mirasol? May dapat ba akong malaman?" Seryoso niyang tanong.

Pag- angat ko ng tingin ay sinalubong ko ang mapanuri niyang mga mata.

Maaaring nagka- ideya na siya dahil bigla akong nataranta kanina. Pero hindi ako magsasabi at wala akong plano na pagsabihan kahit na sino. Kahit pa si Brenda.

Bigla kong naalala ang kaibigan.

Hindi ko pa rin siya nakakausap hanggang ngayon. Hindi ko rin siya mahagilap sa kanilang bahay dahil madalas daw siyang umalis sabi ni Aling Felomina. Tinatanong ko kung saan pumupunta ang kaibigan ko pero hindi niya rin daw alam.

Pakiramdam ko ay iniiwasan ako ni Brenda. Hindi ko rin naman alam kung bakit.

"Wala, wala naman."

Tumango si Romualdo. "Ano? Sasabihin mo ba kay Mang Victorino? Gusto mong samahan kita?"

Alok nito sakin na ang tinutukoy ang ang tungkol sa kalagayan ni nanay na gusto niyang ipaalam ko kay tatay.

Ngumiti ako at umiling. "Hindi na kailangan, Romualdo. Ako nang bahala."

"Sigurado ka?"

"Oo." Sabi ko saka lumabas na ng kubo.

"Pupuntahan ko nalang siya sa may hardin para doon na kami mag- usap." Dagdag ko matapos na maisara ang pinto ng kubo nang pareho kaming makalabas ni Romualdo.

Hindi na kailangang lagyan ito ng kandado at susi dahil wala namang mahalagang kagamitan sa loob. Wala namang mananakaw kung sakali.

"Pwede kitang samahan, Mirasol. Mainit pa naman."

"Hindi na, Romualdo. Masyado na akong nakaaabala sayo. Baka may gagawin ka pang importanteng bagay. Kaya ko na ang sarili ko tsaka akala mo naman, eh sanay na kaya akong magbilad sa araw!" Tumawa ako para ipakitang ayos lang talaga na ako nalang mag- isa.

"Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Basta kapag kailangan mo ng tulong, andito lang ako, Mirasol."

Nag- angat ako ng tingin at nagsalubong ang aming paningin. Sa pagtitig ko sa kaniyang mga mata ay nabasa ko ang pag- aalala mula rito at ang kagustuhang tulungan ako.

Tumango ako.

"Sige, m- mauuna na ako. Mag- iingat ka ah." Paalam niya saka kumaway at tumalikod na.

"R- romualdo!"

Awtomatiko siyang lumingon nang tawagin ko ang kaniyang pangalan.

Parang hindi ko na maituloy ang sasabihin dahil bigla ako nahiya.

Humugot muna ako ng lakas ng loob saka nag- angat ng tingin.

"Maraming salamat." Buong puso kong sambit.

Ngumiti siya at sumaludo kaya natawa nalang din kaming dalawa.

Nagpatuloy na siya sa paglakad paalis na hindi maalis- alis ang ngiti sa mga labi.

Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti at naglakad na rin patungo sa hardin.

Mainit at maalinsangan ang panahon dahil tirik na tirik ang haring- araw. Masakit sa balat ang init na dala nito pero hindi ko nalang ininda.

Pupuntahan ko si itay sa hardin hindi para sabihan tulad ng gusto ni Romualdo na gawin ko kundi para tanungin kung may nahiraman na siya ng pera.

Pagdating ko ay hindi ko siya nakita. Nagtanong ako sa kasama niya at ang sabi nito ay kaaalis lang din daw ni tatay.

Tinanong ko kung saan si tatay nagpunta at ang sabi niya ay sa mansyon ng mga Ledezma.

Bigla akong sinamaan ng kutob at sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi kaya? . . .

Dali- dali akong nagpaalam at nagpasalamat sa lalaking nakausap ko bago kumaripas ng takbo patungo sa mansyon.

Sobrang layo niyon mula rito sa hardin pero wala na akong pakialam. Baka kung anong gawin ni tatay. Kailangan ko siyang pigilan.

Habang nahahapong tumatakbo ay hindi ko mapigilang mag- isip.

Paano niya nalaman? Paano nakarating sa kaniya ang balita? Sino ang nagsabi?

Pumasok sa isip ko ang imahe ni Aling Marites na parang demonyong tumatawa.

Huwag na huwag ko lang malalaman na ipinagsabi niya. Malilintikan siya sakin at hindi na ako magpipigil sa pagkakataong 'to.

Hapong- hapo ako nang makarating sa napakataas na bakod ng mansyon. Mayroong nagbabantay at agad akong nagpakilala para makapasok.

At sa kamalas- malasan nga naman.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Niyakap ko ang aking sarili nang tuluyan akong mabasa. Manipis pa naman ang suot ko kaya madali talaga itong mababasa.

Nang masiguradong wala akong masamang balak sa pagpunta sa mansyon ng mga Ledezma ay pinapasok kaagad ako ng bantay.

Saktong pagbukas ng bakod ay agad akong tumakbo sa malawak na espasyo sa harapan ng mansyon.

Halos hindi ko na makita ang tinatakbuhan ko dahil malakas ang buhos ng ulan. Nangangatog na rin ako sa lamig.

Kusang tumigil sa paghakbang ang aking mga paa at halos mawasak ang puso ko sa eksenang nadatnan.

"T- tay."

Nakaluhod si tatayat hindi alintana ang malakas ng buhos ng ulan at . . .

Nasa harapan si Patricia Ledezma.

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon