KABANATA 39

20 3 0
                                    

"Magandang umaga, binibini."

T- teka . . . siya!?

Hindi siya ang inaasahan kong daratnan dito. Pero bakit siya ang nasa harapan ko ngayon? Posible kayang siya ang nagpadala ng bulaklak at sulat sa akin? Siguro oo, kasi ilang beses niya na rin akong nakitang kinahumalingan ang bulakalak. Siguro ay nagkaroon na siya ng ideya na paborito ko ito.

"M- magandang araw." Bati ko pabalik at pilit ng itinago ang pagkadismaya sa aking boses.

Naglakad si Jandrino palapit sa akin. Mataman niya akong tinitigan. Hindi ako komportable kaya umiiwas ako ng tingin.

"Mabuti at narito ka." Sabi niya ng tuluyang makalapit sa akin. Pasimple akong humakbang paatras. Masyado kasi siyang malapit. Naiilang ako. Lalo na sa presensya niya.

Mabuti raw? Eh siya naman ang nagpapunta sakin dito kaya natural nandito ako! Umiiral na naman ang . . . hayy, ayaw ko nalang magsalita.

Tumango lang ako. Ayaw ko talagang malapit sa kaniya. Kaya naman naglakad ako patungo sa ilalim ng punong mangga. Wala namang espesyal na nakahanda o nakahain. Akala ko ay inaya niya ako rito para . . .

Ipinilig ko ang aking ulo. Huwag na kasi mag- isip ng kung ano- ano! Hindi naman siya ang inaasahan mong makikita rito kaya ano ang hinahanap mo? Bumusangot ako at umupo sa upuang nakakabit sa puno ng mangga.

Wala na ulit may nagsalita. Kapwa namin pinakikiramdaman ang isa't- isa. Ano na? Magtititigan nalang kami rito? Bakit niya pa ako pinapunta kung ganoon? Kung alam ko lang, sana hindi na ako pumunta. Natulog nalang ako buong araw at gigising mamaya para salubungin ang bagong taon.

Naupo rin siya sa tabi ko pero sinigurado niya na may distansiya sa pagitan namin. Aba, dapat lang! Dahil baka hindi ko siya matantiya at matadyakan ko siya kapag tumabi siya sa akin. Akala niya nakakalimutan ko na ang ginawa niya sa pinaghirapan kong bukayo? Pwes, nagkakamali siya. Hinding- hindi ko 'yon makakalimutan!

"Ang tahimik ng paligid." Wika niya sa kawalan.

Nanatili nasa harapan ang aking atensyon. Hindi ko siya binalingan. Bahala na, wala akong pakialam kung iisipin niyang ang sama ng pakikisama ko sa kaniya. Ganun din naman siya sakin eh, patas lang kami.

Bumuntong- hininga siya ng hindi ako sumagot. Yan damhin mo na hindi kita gustong makasama! Ang labo mo kasi. Ang dami mong pakulo. Nakakagulo ka ng utak. Masyado kang malabo!

"Hindi mo talaga ako kakausapin?"

Napapikit ako. Bakit ba ang kulit niya!? Hindi ba niya magawang umupo nalang diyan at manahimik? Sinisira niya ang pag- iisip ko!

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkaka- ganiyan. Pero sana sabihin mo sa akin para naman may alam ako kung bakit mo 'ko tinatrato ng ganito." Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses.

Hindi na ako nakapagpigil at nasigawan ko siya.

"Alam mo, Jandrino!? Ang gulo mo! Ano bang gusto mong mangyari? Tsaka pwede ba? Huwag ka ngang magkunwari na parang hindi mo alam! Nakakagalit na ah!" Tuluyan na akong sumabog. Siya naman kasi eh! Sabi na ngang manahimik nalang. Ibang klase pa naman ako magalit. Manalangin na lang siya ngayon pa lang dahil baka umuwi siyang puno ng pasa mamaya.

"Hindi ko alam, Mirasol kung bakit ka nagkaka- ganiyan. Wala akong alam. Kaya nga kita tinatanong hindi ba?" Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging mahinahon pa rin sa mga pagkakataong ito.

Inis ko siyang tinalikuran. Tanungin mo sarili mo! Masyado kang mapagkunwari. Simula nang dumating ka, puro nalang hinanakit at sama ng loob ang dala mo sa buhay ko.

"Ayan ka na naman. Tatalikuran mo na naman ako. Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin para malaman at maunawaan ko?" Pangungulit niya.

Napabuga ako ng hangin. Ang kulit! Ang kulit kuliiiiiit niya!!!

"Hindi na kailangan, Jandrino. Hindi mo na kailangan pang malaman. Alam mo 'yon sa sarili mo. Alam mo ang dahilan kung bakit ako nagagalit ng ganito. Higit sa sinoman, ikaw dapat ang higit na nakakaalam. At kung pinapunta mo ako rito para lang sa ganyan, hindi ako natutuwa. Aalis na ako, manatili nalang tayong magkaaway. Tutal 'yan naman ang gusto mo hindi ba? Yan din ang turingan natin noon. Kaya hindi ka na maninibago. Huwag nalang natin pakialaman ang buhay ng isa't- isa. Simula ngayon, hindi na tayo magkakilala."

Matapos kong sabihin ang mga iyon ay humakbang na ako paalis. Hindi ko na kaya pang manatili roon. Hindi ko matagalan na makita ang mukha niya. Mas lalo lang akong naiinis!

Nakita kong gumuhit ang sakit sa kaniyang mga mata habang nagsasalita ako at nagagalit ako sa aking sarili dahil hindi dapat ako nagpapa- apekto. Paniguradong ako ang malulugi at matatalo sa huli kapag naging marupok ako.

"Mirasol!"

Hindi ako lumingon. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad at labis kong ipinagpasalamat na hindi niya ako hinabol. Ayokong matibag ang pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa.

Pinapalito niya ang isip at puso ko. Hindi ko siya maintindihan dahil gulong- gulo ako. Minsan ay maayos ang pakikitungo niya sa akin. Minsan naman ay bigla siyang magiging suplado. Hindi ko rin naman siya maintindihan ah? Pero hindi ko naman siya tinanong! Kung mayroon mang hindi nakakaintindi sa aming dalawa, ako dapat 'yon!

Natawa ako ng mapakla.

Ang galing niyang magdrama! Hindi niya raw alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Ano? Kinalimutan na niya ang ginawa niya? Ganun- ganun nalang? Sabagay, hindi niya naman alam na nakita ko. Natural, hindi siya aamin. Aarte lang siya na walang alam.

Siguro kung tanga ako at wala akong nakita, siguro maniniwala ako sa kaniya. Kaso pasensya nalang. Hindi ako magpapaloko sa kaniya.

Maaga pa at ayaw ko munang umuwi. Siguro ay dadaan nalang muna ako sa hardin. Sasabay na rin ako kay tatay pauwi mamaya. Tiyak na maaga naman siyang uuwi dahil magluluto pa kami ng mga pagkaing ihahanda para salubungin ang bagong taon.

Napadaan ako sa dalawang ginang na nag- uusap. Mukhang seryoso sila sa pinag- uusapan kaya hindi nila napansing papalapit ako.

"Uy, mare. Narinig mo na ba ang balita?" Aligagang tanong ng ginang sa kaharap niyang babae.

"Hindi pa eh. Bakit anong meron?"

Lumapit ang ginang at binulungan ang kausap. Pero masyado akong malapit dahil bahagya silang naharang sa daan kaya naman narinig ko ang sinabi ng ginang.

"Si Romualdo raw ang nawawalang anak ng gobernador!"

SA PAGSIBOL NG BULAKLAK NA MIRASOL  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon