Pamagat
"Kaoree Rogen, 18 po. Dyan lang po nakatira katabi ng Laguna De Bae", pagpapakilala ko sa klase.
Matapos magpakilala ng ilan ko pang kaklase saka nagpakilala ang professor namin sa unang subject.
Pinaggrupo kami nito para sa ibibigay niyang gawain kinabukasan. Umalis siya matapos ng kanyang ginawa kahit may isang oras pa siyang natitira.
Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong kinikilala ang isa't-isa. Parang bubuyog boses nila dahil sa pinagsama-samang mahihinang ingay.
Ang ilang lalaki na nasa likuran ko ay nagkasundo dahil sa ML.
"Duo na lang tapos kayo magkakampi", sabi nung lalaking may headset. Kulot ang buhok nito. Katam-taman ang laki ng mata. Dapa ang ilong at manipis ang labi.
Sa pagkakaalala ko siya si Rob ang gold medalist ng eskwalahan na ito nung Senior High pa lang siya.
Ang katabi niya naman si Clea, ang girlfriend niyang mukhang mataray. Dahil salubong ang kilay nito kapag nagtatagpo ang mata namin.
Kalaro nila ang dalawang lalaki na hindi ko tanda ang pangalan.
Ang pinakamaingay naman ay ang tatlong babaeng nasa unahan. Sa palagay ko pwede ko silang tawagin mean girls.
Mga nagmamaganda na akala nila sila ang pinakamaganda sa room na ito. Bulag yata ang mga mata nila kaya hindi nila ako pansin.
Anyway, hindi naman iyon importante.
Ang halakhak nila ang siyang namumutawi sa buong room. Ang pinaka lider sa kanila na sa pagkakatanda ko si Sasha. Mukha siyang half. Half chinese, half garter.
Syempre charot! Mukha siyang half black american. Maganda siya dahil malantik ang pilikmata nito pero iba ang dating niya.
Ang katabi niya naman na may hawak ng chalk. Si Vanna, naka pony tail ang straight at maitim niyang buhok. Kitang-kita mula sa pwesto ko ang makapal niyang blush on at lip tint dahil sa liwanag na nagmumula sa bukas na pinto.
Ang pangatlo naman si Drianne, nakaupo siya habang tumatawa sa mga sinasabi ng kaibigan niya.
Maganda rin siya. Moreno at makapal ang tuwid niyang itim na buhok. Mas chubby nga lang siya kumpara sa dalawa.
Kinuha ko ang extrang filler ko since wala namang nakausap sa akin maggawa na lang akong setting ng nobela kong binubuo.
Sa katunayan wala pa kong naiisip na title. Ano bang maganda? Naisip ko sanang mula sa kanta ng isang kilalang singer pero wala akong mapiga sa utak ko.
Nagdrawing na lang akong heart sa gitna nito. Kunwari architect ang kurso ko. Feeling architect lang ganon.
Nagvibrate ang phone ko.
Jez Ganda
Anong oras lunch mo?Para namang may load ako pangreply.
Nagtipa ako ng mensahe sa messenger.
11:30. Ikaw ba?
-SentNaghintay akong ilang minuto pero hindi nagreply. VIP lang te'?
Bumalik ako sa ginagawa ko. Nagdrawing akong limang stick people sa ibaba ng heart.
Ang random ng utak ko ngayon. Naisip kong dagdag ng border para mas magandang tignan.
"Hi! Ano 'yang ginagawa mo?", napalundag ako sa aking kinauupuan.
Mabilis ang kamay ko sa pagsarado ng aking notebook.
"Nakita ko na bago mo isarado", sabi nito saka umupo sa tabi ko.
Parehas na absent ang seatmate ko. Ang sabi nung isang may kilala sa kanila ay may sakit daw kaya hindi pumasok.
Nagpakawala ako ng maikling paghinga.
"Wag ka ng mahiya", sabi niyang muli.
Feeling close naman. Akala mo talaga...
Sabagay mas gusto ko ang ganitong tao lalo pa at mukha naman siyang mabait.
"Para saan yan?"
"Wala naman. Wala kasi akong magawa. Alam mo na, free data kaya hindi makapagbrowse sa FB. Saka walang nakausap sa akin"
"Bakit hindi ikaw ang unang mag approach?", pinangunahan niya talaga ako?
"Alam mo pag Dyosang katulad ko. Sila dapat ang inaapproach"
Pigil ang tawa nito habang hinihimas ang noo niya.
"Alam mo, sana okay ka lang. Pero para saan ba yan?"
"Actually wala kasi nga talaga. Nag-iisip kasi akong plot at title ng kwento kong gagawin"
Nilaro ko ang aking ballpen habang tinitigan siyang nakahalumbaba. Kinuha niya ang notebook ko saka pinagmasdan niya iyon.
"Heart tapos may limang lalaki... Hmm... Ako rin walang maisip", ani nito.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka umayos ng upo.
"Mamaya na lang nating pag isipan yan. Anyways, dyan ka lang pala nakatira. Sakto magkagrupo tayo sa subject na to'. Dun na lang ang venue natin"
Feeling ko 'yun ang pakay niya kaya ako kinausap. Akala ko pa naman pure friendship ang gusto niya.
"Hindi naman sa aking bahay 'yun. Nakikitira lang ako"
Tumango siya.
"Tita mo?"
Chismosa talaga ito.
"Hindi. Kasambahay ako ng limang lalaki. Latrelle, Jez, Thaddeus, Wyn, at Marcus ang pangalan nila. Wala ka na sigurong itatanong kasi nasagot ko na lahat?", pilit akong ngumiti.
Konti na lang ay maiinis na ko sa kanya.
"Salamat ha! May naisip na kong pamagat ng kwento mo!", inalog niya ang magkabilang braso ko.
Mahigpit iyon na para bang wala siyang butong nararamdaman.
"Heartthrobs In One Roof! Ano nagustuhan mo ba?"
Lumabi ako at nag-isip ng ilang segundo.
"Pwede naman kitang tulungan sa story plotting", mukha naman bukal sa puso ang gusto niya.
Tumango na lang ako dahil sa pagiging madaldal niya. Ilang oras siyang tumabi sa akin. Hindi naman alphabetical ang seating arrangement sa ibang subject kaya hindi siya umalis sa tabi ko.
Buong klase kahit nagdi-discuss ang teacher ay dumadaldal pa rin siya.Hindi yata natutuyuan ang laway ng isang ito.
Buti nga at magaling siya sa ilan naming subject dahil pwede ko siyang makopyahan. Nabanggit niya rin na silver medalist siya ng dati niyang school na pinapasukan. Mukhang totoo naman dahil first day palang ay active na siya.
Nagring ang bell matapos ang huling subject namin sa umaga.
Lumapit ang isa naming kaklase na hindi ko kilala.
"Ikaw ba si Kaoree?"
Tumango ako kasabay ng pagturo niya sa pintuan.
Isang lalaki ang tila nagliliwanag hindi lang dahil sa uniporme nito kundi sa kung paano siyang tumindig doon.
Siniko ako ni Melissa. "Boyfriend mo!?"
"Huwag kang issue. Syempre hindi. Si Marcus yan"
Tumayo ako saka sinukbit ang bag sa aking likod.
"Lunch tayo kasabay ni Jez", ani nito.
Pinagtinginan siya ng mga babae lalo ng tatlong mean girls. Si Melissa ay naiwan kong nakatulala.
Mamaya ko na lang siya kausapin patungkol sa plot ng nobela ko.
----#HIOR----
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...