Hahalikan
Halos masuka ako dahil sa dami ng kinain naming tatlo. Nag-unli samgyupsal kami ng sumunod sa amin si Wyn.
Ang kwento sa amin ni Wyn ay may inasikaso lang siya tungkol sa donation na ibibigay ng pamilya niya sa isang organization na nangangalaga ng mga bata.
Hindi biro ang lakas ng kain ng tatlo kong kasama lalo na ni Latrelle. Gusto pa nitong kumain pero sinabihan siya ni Wyn na hindi magandang kumain ng sobra dahil gabi baka samain ang pakiramdam niya.
Nang pabalik na kami sa ospital ay umilaw ang cellphone ko sa gitna ng kwentuhan namin. Mga kwento tungkol sa mga multo at aswang.
"Nakakita na kong multo." Halakhak ni Marcus.
"Si Latrelle, multo. Tamang ghosting yan sa mga babaeng hindi niya gusto."
T.H
Maiwan ka muna sa labas. Mag-usap tayo.Napalunok ang ako sa sinabi niya tila ba may sound pa ang lalamunan ko ng ginawa ko iyon.
Hindi ko nagawang magreply sa kanya dahil wala naman akong load. Kahit mag-open ng messenger ay hindi ko nagawa dahil mahina ang signal ko.
Umunang bumaba sina Latrelle at Marcus. Pumunta sila sa nagagandahang Santan na nakatanim sa tagiliran ng ospital.
Sumunod kaming bumaba ni Wyn.
Pinakiramdaman niya ko. "Sige na, Wyn.Umuna ka na."
Tumango naman siya saka pumasok sa loob. Tanaw ko ang matangkad at payat na lalaki na nakasandal sa kanyang kotse. Sinuklay niya ang sariling buhok gamit ng kanyang kamay.
Lumapit ako sa kanya. Ilang hakbang pa ay nagwala muli ang puso ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
Napatalon ako sa gulat ng hinawakan niya ang kwintas na nasa leeg ko. Pinagmasdan niya iyon na parang specimen.
Ang balat ng braso niya ang nagpakilabot sa buong katawan ko ng inabot niya ang dulo ng kwintas. Tinanggal niya iyon.
Kusang bumuka ang palad ko.
"Itabi mo 'yan. Mas bagay to' sa'yo."
Tahimik ako habang maingat niyang nilagyan ako ng kwintas sa leeg. Zodiac sign necklace iyon.
Binuksan niya ang kotse at nagmwestrang pumasok ako roon. Para akong robot pagdating sa kanya.
Wala kaming masyadong imikan pero parang konektado ang puso namin sa isa't-isa.
Mabilis kaming nakarating sa dalampasigan ng lawa. Doon ay may lanterns sa paligid.
"Simple lang ang naihanda ko."
Nagkalat ang mga sea shells sa buhangin. Alam ko naman na wala talagang buhangin rito pero ginastusan niya talaga.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at in-on ang pamilyar na kanta. Iyon ang kantang hindi ko malilimutan hindi dahil sa first time kong sumali ng contest. Kung hindi dahil kasama ko siyang kantahin ito na may malalim na lyrics.
Pinulupot ni T.H ang kamay niya sa bewang ko. Pinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya. Para kaming sumasayaw.
Taimtim ang paligid dahil tulog ang lahat. Tanging ang ingay ng lawa ang sumasabay sa aming tugtog.
"Happy Birthday, Kaoree." Mainit na halik sa noo ang ginawad niya sa akin.
Ilang linggo na ang nakalipas pero pag nagising ako tuwing umaga ay tila ba panaginip ang lahat.
Nakauwi na rin sina Lolita. Gusto pa sanang magtanggal kung hindi lang dahil may pasok si Lucky ay baka ginawa na nila.
Lalo pa't laro namin ngayon sa P.E. Ang napiling laro nila ay Soccer.
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...