Wakas

54 2 1
                                    

Book Signing

Hindi man gumaling si Lolita sa kanyang Chronic Heart Failure disease naging masaya naman kaming magkakasama rito sa probinsya. Lumipat din kami ng bahay kung saan nakahanap ako ng trabaho ilang linggo lang matapos ang pagpapaospital ni Lolita. Tinulungan ako ni Yara ang naging malapit kong kaklase matapos kong lumipat ng eskwelahan.

Mayroon siyang kilalang kamag-anak na nangangailangan tumao sa kanilang coffee shop at madalas na puntahan iyon ng mga estudyante lalo na paggabi. Mas naging mahirap ang sitwasyon ko nu'ng nag-aaral ako. Gusto ko na sanang tumigil pero inisip kong gusto ng mga magulang ko lalo na ni Lolita ang makatapos ako ng pag-aaral. Ang maliit na ektarya ng lupa niya para sa pagsasaka ng mais ay naipagbili kasama na na ang dating bahay. Ginamit namin ang pera para makapagpatayo kami ng bahay rito sa syudad tatlong sakay mula sa kinagisnan naming probinsya.

Si Lucky ay nagtransfer rin ng school. Siya ang naging tagabantay ni Lolita at nang sari-sari store na tinayo namin. Libangan din ni Lolita ang magbenta kaya naman kapag may pasok si Lucky siya talaga ang nagbabantay roon. Hindi naman daw siya nahihirapan kaya hinahayaan namin siya. Palagi pa rin siyang naghahabilin dahil may taning na ang buhay niya.

Sumimsim ako ng kape habang pinagmamasdan ko ang picture naming magkakaibigan. Kuha ito nu'ng pumunta kami kila Melissa. Hindi na kami halos magkasya rito. Nandito rin ang magkakaibigan nina Sasha maliban lang sa dalawang taong ayoko na sanang maalala.

Malamig ang umaga kaya naman bumili rin akong pandesal at sinawsaw iyon sa kape. Parang kailan lang ng estudyante ako at hirap na hirap ako sa buhay. Pinagmasdan ko naman ang picture frame namin nina Mama at Papa. Tiyak na magtatampo sila sa akin dahil ilang taon na rin ng hindi ako nakadadalaw sa kanilang puntod. Pero tiniyak ko naman na palagi silang may bulaklak kahit na hindi Nobyembre.

"Uy! Ang sarap! Pandesal!" Aniya Lucky na pikit-pikit pa ang mga mata. Nagsalin siya ng mainit na tubig mula sa thermos at nagtimpla.

"Si Lolita?" Tanong nito matapos tikman ang kanyang ginawa.

"Tulog pa. Napuyat kasi sa teleserye na pinanood niya kagabi." Wika ko.

May nagdoorbell naman mula sa labas kaya agad akong pumunta roon. Isang delivery man iyon at natuwa ako sa parcel na dala nito. Ang bagong volume ng nobela kong sinulat ay dumating na. Salamat sa suporta ng mga kaibigan ko dahil kahit malayo sila ay patuloy nila akong sinasabihan na magpatuloy sa pangarap ko.

Hindi naman talaga ito ang una kong pangarap. Sadyang,marami lang akong gustong gawin sa buhay at hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Ngayon, ang pagiging manunulat ang isa sa pinili ko bukod sa propesyon na tinahak ko ngayon.

Tinulungan ako ng delivery man na ipasok sa loob ang mga libro ko. Kilala niya na ko kaya hindi na rin siya bago sa akin. Inalok ko siyang magkape pero tumanggi siya.

"Aba! Author na nga talaga ang Ate ko!" Manghang sambit ni Lucky habang isa-isang binuklat ang mga libro na nilagay ko sa mesa.

"Huwag mong gusutin yan! Nako! Magagalit ang publisher dahil ayaw ng mga readers na pumangit ang pahina ng mga libro nila." Bilin ko sa kanya saka pumasok sa kwarto upang ihanda ang mga damit ko. Hindi ko namalayan ang oras. Mabuti na lang at malapit lang naman ang mall na pupuntahan ko.

Naligo muna ako at matapos nito ay naghair dyrer ako. Hindi kagaya ng kinagawian. Imbis na simpleng T-shirt lang ang suot ko at fitted na jeans ay nagdress akong dark blue saka naghair clip. Nagshoulder bag akong cream saka nagdoll shoes na gano'n din ang kulay. Hindi ko kinalimutan ang maglagay ng kaunting make-up sa mukha saka nagpabango para naman hindi ako. Naglagay rin ako ng suklay, polbo at pabango sa bag na dala ko. Para pag dugyutin na ako mamaya ay Dyosa pa rin ako. Anyway, Dyosa pa rin naman ako kahit dugyot tignan.

Matapos ng ritwal ko ay lumabas na ko ng kwarto at nagpaalam kay Lucky. Pumara na lamang ako ng taxi sa labas para hindi pagod sa biyahe at upang ma-maintain ang freshness ng aking mukha. Kailangan ako pa rin ang pinakabatang tignan sa aming lahat.

Pagdating ko roon ay tinawag kami ng aming Publishing team, nandoon ang mga authors na katulad ko. Isa-isa na kaming lumabas matapos ang maikling intro. Naghiwayan ang mga readers at may pa-banner pa ng paborito nilang karakter mula sa sari-sariling librong sinulat namin.

Huminga ako ng malalim. First time kong umattend sa ganitong klaseng event at higit sa lahat hindi ito book signing lang ng ibang tao dahil book signing ito na kasama ako. Nagtake ako ng picture bilang remembrance at in-upload ko ito sa bagong gawa kong Picturebook account.

'First Book Signing.'

Iyan ang caption. Dalawang tao ang kaagad ng react sa ginawa kong post. Ngumiti ako, sana naman ay nandito sila.

Umupo kami sa kanya-kanyang mesa at ilang minuto lang ay nagsimula na ang pagpapapirma ng mga mambabasa. Maraming naging katanungan ang iba dahil sa tabi ay sinasaway na sila ng guard na nakabantay dahil marami pang naghihintay at may oras na hinahabol. Nakakatuwang isipin na sobra silang na attach sa libro kong ginawa. Parang kailan lang na draft pa lamang ito.

Uminom ako ng tubig at nagbukas ng tinapay matapos ang pagpirma ko sa mahabang pila ng tao. Pumikit ako saka huminga ng malalim dahil sa pagod. Nagstretch ako ng katawan.

Nagvibrate ang cellphone sa bulsa ng aking dress.

Malapit na ko.

Kanina pa 'yung malapit niya. Ilang beses niyang sinabi na malapit na siya pero anong oras na at matatapos na itong event. Lumabi ako saka humalumbaba.

Lumiwanag ang mga mata ko ng makita ko ang makapal na BB cream ni Jez. Hindi ko napigilan ang umalis sa pwesto ko ng makita ko ang iba pa niyang kasama. Nandoon si Marcus, Latrelle, Melissa, Sasha, Vanna at Drianne. Iniisa-isa kong sila muli pero bakit parang may kulang?

"Pa-yakap namin kami! Ang tagal-tagal nating hindi nagkita!" Aniya Jez.

"Ako ng unang yayakap! Matagal na siyang hindi nakakayakap ng isang gwapong tulad ko." Sabi ni Latrelle at niyakap ako.

"Makayakap ka naman! Tigilan mo nga yan!" Singhal ni Melissa saka siya naman ang yumakap sa akin.

Isa-isa nila akong niyakap at nagkamustuhan kaming lahat. "Oo nga pala. May isa pa pala kaming kasama." Singit ni Marcus habang kinukumusta nila ang buhay ko.

"Ayon na nga! Napakabagal!" Tinuro ni Jez mula sa tagiliran. Kung paano siya maglakad ay gano'n pa rin. Tumangkad siya base sa haba ng kanyang pantalon. Ngumiti siya ng nagtagpo ang aming mga mata. Pinigilan kong ngumiti pero sadyang makulit itong mga paru-paro sa tiyan ko.

Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. Awkward ang pakiramdam ng sandali niya kong niyakap. Nanginig ang mga braso ko at tuhod. Gano'n pa rin ang pabango niyang gamit—mamahalin at matapang ang amoy.

"Kumusta ka na?" Nakangiti siya na para bang walang nangyari noon.

"Uh. Okay naman ako! Super! Saka Dyosa pa rin!" Pilit akong tumawa saka hinawi ang takas kong buhok.

"Congratulations sa achievements mo." Hinalikan niya ko sa pisngi. Alam kong peck lang iyon pero nag-init ang mukha ko.

"Salamat!" Maikli kong sagot dahil ayokong magbukas ng iba pang topic. Tama na ang ganitong bagay.

"Uhmm. May gusto sana akong itanong." Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Para bang kaming dalawa lang ang nasa paligid ng oras na ito. Tango lang ang sagot ko sa sinabi niya.

"May boyfriend ka na ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at—

Isang lalaki ang umakbay sa akin. Amoy fabric conditioner ito kaya alam ko kung sino siya. "Oo, Pare. Ako nga pala si Cavin boyfriend ni Kaoree."

Matapos ang pagkikita naming iyon ay hindi na iyon naulit. Hindi nagparamdam si T.H sa iba ko pang book signing at book launching event kahit na present ang kanyang mga kaibigan. Tinanggap ko naman iyon dahil balita ko ay masaya naman siya sa ginagawa niya at gano'n din ako.

PLEASE PO WALA PO SANANG SPOILER SA REVIEW OR COMMENT SECTION ABOUT SA ENDING. THANK YOU!

The Heartthrob's Love Soon (Book 2). Thank you!

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon