56

34 3 1
                                    

Huli-huli

Lumipas ang buong araw na tumambay si Jez sa bahay bakasyonan kasama namin. Buong maghapon kaming naglaro ng Xbox at movie marathon.

Napagpasyahan din niya na dito na lang matulog dahil alam niyang hindi ako.

Ang kwento niya naging maayos naman ang kanyang photoshoot. 'Yun nga lang ay nanggulo si Jaz matapos nito.

Sa katunayan nga ay patagong pumunta rito si Jez dahil ang kwento niya ay iniistalk siya ng babae.

Alam ko naman kung gaano ang pandiri niya sa mga babaeng may gusto sa kanya.

"Kailan ba kasi nagkakilala nung Jaz na 'yon?" Sabi ko habang nagtitimpla ng juice.

Inabot naman sa akin ni Sasha ang pitcher na nasa tabi niya. Kasalukuyan din siyang nasa kusina dahil abala siya sa pagluluto ng espesyal niyang bicol express at adobo.

Hindi raw siya mahilig magluto pero dahil sinama namin siya at ang dalawa niyang matalik na kaibigan ay marapat lang daw na hainan kami ng masarap na pagkain.

"Alam mo, huwag mo na lang itanong saka nakakastress." Huminga ng malalim si Jez saka humalumbaba sa mesa.

"Guys! May tao sa labas ng gate." Sabi ni Melissa na tambay sa likod bahay nila kasama sina ang sina Marcus at Yuan.

Sina Drianne at Vanna naman ay abala sa  kanilang kwarto dahil inaayos ang gamit nila para bukas.

Balita ko ay may usapan sina Latrelle at Marcus para bukas. Syempre dahil bakasyon ay sasama rin kami for bonding.

Sa isip ko ay napangiti ako dahil kasama si T.H pero nawala rin agad. Hindi malabong kasama niya si Rosella. Sabagay, ano po bang magagawa ko? Eh sila naman talagang dalawa.

"Kaoree, pwedeng ikaw na lang ang lumabas?" Pakisuyo ni Melissa.

"Huh? Oo naman!" Tumango ako saka mabilis na inayos ang tsinelas na balahibo sa aking paa.

Biglang bumigat ang bawat paghakbang ko. Pabagal iyon ng pabagal habang natagal. Sumikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

Pagbukas ko ng pinto ay malamig ang simoy ng hangin. Kahit malayo kami sa dagat ay amoy rito. Masarap ang bawat pagsamyo nito sa balat ko. Niyakap ko ang aking sarili gamit ng aking braso.

Nagsuot ako ng tsinelas na pinahiram sa akin ni Melissa kulay asul ayon na malambot sa paa.

Pagbukas ko ng gate ay sandaling lumaki ang mata ko. Nanuyot ang laway sa aking bibig. Sandali kaming nagkatitigan.

"T.H..."

Hindi siya umimik. Dahan-dahan niyang tinaas ang dala niyang paper bag.

Tinitigan ko ang kabuuuan ng mukha niya. Putok ang tagiliran ng kanyang labi. Ano kayang nangyari at may sugat siya roon?

"May dala akong huli-huli." Mahina niyang sambit pero sapat na ang distansya namin upang marinig ko ang malambing niyang boses.

Malambing niyang boses na dati gusto kong pakinggan pero ngayon ay may kaakibat ng sakit.

Inabot ko ang dala niya. Dumampi ang mahahabang niyang daliri sa aking kamay.

"Kumusta ka?" Muling umihip ng malamig na hangin. Mahinang sumipol iyon.

Sandaling kumindat ang mga poste ng mga ilaw kasabay ng pagsagot ko. "Ayos lang naman ako. Para kanino pala ito?"

Hindi siya tumingin ng diretso. Pilit ko man na hulihin ang mga mata niya ay sadyang umiiwas siya.

"Pa...para sayo. Bigay ni Wyn." Ilang beses akong kumurap.

Bigo akong ngumiti. "Ah. Salamat."

Tumalikod na siya at nagbadyang aalis na pero hinawakan ko ang kanyang braso.

Binawi ko ang hawak na iyon at nilagay ang aking mga kamay sa likuran.

"Kailan pa kayo ni Rosella?"

Umawang ang bibig nito. "Hindi naging kami ng pormal."

Malayo ang sagot niya pero sapat na iyon sa akin. Mas lalong sumikip ang dibdib ko para akong matutumba sa aking kinatatayuan.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Stay strong sa inyo."

Tumalikod ako saka pumasok sa loob. Hindi ko kayang marinig ang sasabihin niya kung mayroon man.

Kung hindi niya sa akin kayang linawin kung anong nararamdaman niya para sa akin ay ayos lang. Ayokong makasira ng relasyon para lang sa sarili kong kasiyahan.

Isasarado ko na sana ang gate ng nagulat ako sa biglaan niyang paglapit. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa pagdampi ng mga daliri niya sa parehas kong kamay ng pigilan niya ang ginawa ko.

"Gano'n lang ba ang sasabihin mo?" Tumaas ang tono ng pananalita niya. Umigting ang kanyang bagang. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang side ng gate. Gusto ko sanang isara ito pero hindi ko magawa dahil sa lakas niya.

"Anong gusto mong sabihin ko? Masaya ako para sa inyo? Ano ako tanga?"

Sunod-sunod ang aking paglunok.

Hindi siya umimik. Nanghina ang paghawak niya sa gate na sinamantala ko upang maisarado ko iyon.

Ilang beses niyang kinatok iyon pero hindi ko siya pinagbuksan. Dahil sa panghihina ng tuhod ko ay umupo na lamang ako sa damuhan. Nilabas ko ang sakit ng aking nararamdaman hanggang sa tumulo ang luha ko sa damuhan.

Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ko.

"T.H, huwag mo na kong guluhin. Hindi kita kailangan para gumaan ang loob ko dahil una sa lahat. Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko."

Humikbi ako ng humikbi hanggang sa namataan ko na lang na wala na siya roon. Wala na ang anino niya na galing sa poste ng ilaw.

"Anong nangyari sayo! Kanina ka pa nandyan sa labas hindi ka na nakapasok!" Bulalas ni Jez.

Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. Kinuha ang paper bag na dala ko.

"Sayang naman itong manok nanlamig na." Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka bumaling sa akin.

"Teka, kanino ba ito galing at parang biyernes Santo ang mood mo?"

Pinalis ko ang aking luha. "Galing kay Latrelle pero si T.H ang nagdala."

Tumango-tango siya. "Ah. Kaya naman pala yung manok nanlamig na."

Sumimangot ako. "Ay! Sus! Lalo kang papanget kapag ganyan ang mukha mo. Porket broken, mag ma-maasim kaagad ang mukha mo?"

"FYI. Hindi ako na panget." Pagtatama ko sa kanya saka umunang pumasok sa loob.

Kumalam ang tiyan ko dahil sa amoy ng barbeque mula sa kusina.

"Kumain ka na. Alam kong gutom ka na." Sabi ni Jez.

Tumango lang ako saka kumuha ng aking pagkain.

Lumapit si Marcus kay Jez at sinilip ang dala nito. "Ano yan?"

"Huli-huli, dala ni T.H bigay ni Wyn. Baka niluto siguro ng ating Chef Wyn." Pagmamalaki ni Jez habang hinahanda ang manok para isalang sa microwave oven.

"Alam ko hindi maalam magluto nang ganyang putahe si Wyn." Napakamot siya sa ulo.

"Malay mo. Nag-aral! Saka huwag ka na lang dumaldal. Kakainin mo rin naman ito mamaya."

Mukhang masarap sana ang manok kasi hindi ko makakain dahil sa sama ng loob ko.

PS: Guys, sorry napatagal ang update. Namali kasi ang update ng 2 naunang chapters. Mali ang pasok ko.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon