74

26 1 2
                                    

'Only My Friend'

Nagsuot ako ng simpleng cream dress na aabot hanggang sa itaas ng aking tuhod. Binagayan ko ng ribbon na ka-kulay rin nito. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Naglagay ako ng light make-up at handa na akong magpakita sa party na iyon.

"Kaoree." Tawag ni Latrelle. Nakatayo siya sa pintuan. Napakagwapo niya sa tuxedo niyang suot, cream din ang panloob nito. Magulo ang buhok niya na agaw pansin.

"Iniintay ka na nila." Aniya nito. Tumayo ako saka inayos ang mga gamit ko. Humakba siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ko ng mahigpit. "Wala akong maramdaman. Akala ko plywood ang niyayakap ko."

Tinulak ko siya ng bahagya. "Alam mo tsansing ka lang! Bumaba ka na roon at susunod na ko."

Ngumiti siya saka kumindat sa akin. "Ganda mo talaga." Saka umalis ng aking kwarto.

Pinagmasdam ko ang frame nina Mama at Papa. Ang mga ngiti nila, ang yakap nila, nakakamiss ang lahat ng iyon. Sayang nga lang, at wala sila ngayon dahil hindi nila makikita kung gaano ako kaganda ngayon.

Sigurado akong matutuwa sila saka isa pa, mas matutuwa sila dahil may isang Thaddeus Manzriel na nagmamahal sa akin. Isa akong kasambahay na ambisyosa na gustong makatuluyan ang kanyang amo. Saka ano bang masama sa bagay na iyon?

Hinalikan ko ang frame kung saan magkasama sila sa picture. Sinuot ko ang aking flat shoes na black saka bumaba. Nang nakarating ako sa sala,lahat sila ay nakatayo at iniintay ako. Pakiramdam ko, isa akong prinsesa kaso ang nakakalungkot sa parteng ito ay wala ang prinsipe ko.

Magkakapareho sila ng suot pero magkakaiba sila ng dating. Si Jez, sa isang tabi ay nag-aayos ng BB cream niya kagaya ng kinagawian. "Uy! Jez, tama na yan! Kaya ka hinahabol ng chix eh!" Pabirong sambit ni Latrelle sa kanya.

"Eww! Over my dead body! Hindi ako papatol sa Jaz na iyon." Sagot nito. Ang gwapo niya kahit bakla siya. Ang ganda niya rin kung magiging babae siya.

Si Latrelle naman, ang dating niya sa suot nito ay as usual mukhang babaero.Kahit wala siyang gawing paraan upang may kumuasap na babae sa kanya ay may kakausap pa rin sa kanya. Nang nagtagpo ang mga mata namin ay nagflying kiss siya. Umikot lamang ang mga mata ko.

Si Wyn ay abalang inaayos ang suit ni Marcus. Mukhang anghel si Wyn sa suot niya. Gusto kong humiga sa dibdib niya at parang masarap maidlip doon. Si Marcus, mukha pa rin siyang friendly at gwapo pero hindi katulad ni Latrelle na mukhang babaero.

"Let's go guys! Tapos na ko sa aking pagpapganda session!" Pag-aya ni Jez at hinila niya ko palabas. Umunang lumabas ang tatlo. Si Marcus ang nagsara ng gate habang si Latrelle ang magdri-drive dahil kotse niya ang gamit. Si Wyn ay kasabay naming sumakay at sa gitna nila ako ni Jez tumabi.

Mabilis ang takbo ni Latrelle, marahil ay late na kami. Alas otso ang simula ng party pero quarter na kami nakaalis. Wala namang issue ito sa iba pero mukhang problemado siya. "Kailangan ko ng bilisan kanina pa nila tayo iniintay. Nagmiss call na si Tita Teresa." Sabi nito matapos sandaling sulyapan ang cellphone niya na nakalagay sa compartment.

Namahinga muna ang ulo ko sa balikat ni Jez. Inaantok ako dahil sa traffic. Iningatan kong di magulo ang buhok ko dahil sayang ang ayos nito. Nagsuhestiyon ng daraanan si Wyn kaya nakaalis kami sa traffic.

Bumaba ang lahat at isa-isang pinakita ang invitation card. Hinihingi sa akin ng guard iyon pero hinigit ako ni Latrelle. "Kasama po namin siya."

Marami ang kasabay namin. Kumikinang ang mga hikaw at purselas ng mga babae habang mga lalaki naman ay pamahalaan ng relos. Hindi lang iyon, patapangan din sila ng amoy ng pabango.

"Kanina pang nagstart ang event. Mabuti na lang at nakarating kayo. Hurry! Nandoon sina Mommy sa dulong table." Fitted ang slit dress niya at kumikinang iyon dahil sa kintab. Bagay ang nude color dress niya sa kanyang singkamas na balat.

"Pasensya na Ate, Taleen. Nagpakagwapo pa kasi kami para rito." Pabirong sagot ni Latrelle. Bumaling ang atensyon sa akin ang Ate na tinawag ni Latrelle.

"Hawig nga kayo ni Rosella." Sabi nito saka ngumiti sa akin. Inabutan siya ng wine glass ng isang serbidor. Kinuha niya rin ang bote ng wine at nilagay iyon sa bote. Inabot niya sa akin ng hindi manlang nagdadalawang-isip.

"Drink. You must be Kaoree, right?" Tinitigan ko ang wine glass na kalhati ang laman.

"Hindi siya nainom, Ate." Saad ni Latrelle sa usapan. Tumalikod ang babae sa amin at sumunod kami sa kanya. Kahit sa paglakad ay napakasmooth niyang gumalaw.

Pagdating namin sa table ay nakatayo sina T.H at Rosella. Nakapulupot ang kamay ni Rosella sa kanya. Ngumiti ang demonyitang iyon saka hinalikan ni Rosella si T.H sa pisngi. "Here they are." Sabi nu'ng Taleen.

"Oh! Look who's here mga binata na kayo!" Isang babae ang humarap sa amin na kanina ay nakikipag-usap sa iba pang bisita roon. Kitang-kita ang dyamenta nitong hikaw na nakasabit sa kanyang tenga.

"I am greatful at nakarating kayo." Isa-isang nakipagbeso-beso ang apat na lalaki kong kasama. Tinitigan ako ng matandang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40's. Nawala ang ngiti ng mapula niyang labi.

"Who's this girl?" Naging mataas ang tono ng pananalita niya at tumaas ang kilay niyang drawing lang naman.

"Si Kaoree po, kaibigan po namin." Sagot ni Marcus.

"Magandang Gabi po." Nanginginig ako ang mga kamay ko. Lumapit ako sa kanya para sana magmano pero iniwas niya ang kanyang kamay. Nang mas lalo ko siyang nalapitan ay nakita ko ng mas malinaw ang mukha niya.Base sa kanyang mga matang singkit at sa kulay niya ay hawig siya ni T.H. Kitang-kita sa aking peripheral vision na nakatingin sa amin si T.H kaya naman sandali ko siyang sinulyapan pero umiwas siya.

"Alcohol, please." Bulong iyon pero narinig ko. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Do you know this girl, T.H?" Nanuyot ang lalamunan ko sa tanong niya. Nanlamig ang buo kong katawan. Mabilis ang tibok ng puso ko. Mas malakas pa iyon kaysa sa haranang kanta sa background.

Nakatingin ang lahat sa isasagot ni T.H. Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa tagal niyang sumagot at… "Yes. Mom, meet Kaoree, she's Latrelle's girlfriend and Wyn's crush so technically she's only my friend."

Tinusok ng punyal ang puso ko at hindi ako makahinga. Gusto kong sabihin na nagsisinungaling lang siya pero hindi ko magawa. Para bang nawalan ako ng dugo sa katawan. Pakiramdam ko ay hinigop iyon nh lupa kasama ang boses ko. Inalalayan ako ni Jez dahil sa nagbabadyang pagkawala ng balanse ko sa aking katawan. Gano'n din ang ginawa ni Marcus.

Nakita ko na lang na humandusay si T.H malapit sa lamesa nito. Putok ang kanang bahagi ng labi nito. Tinulungan siyang tumayo ni Rosella. Nangalit ang mga mata ni Latrelle at mahigpit siyang hinawakan ni Wyn sa braso.

"Kailan ka pa nawalan ng breeding, Latrelle! You should control yourself!" Aniya ng nanay ni T.H.

Ahon at sulong ang paghinga ni Latrelle. Pinipigilan siya ni Wyn at pinapakalma. Nang nagawa niyang kumalma ay lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa palapulsahan. Hinigit niya ko palayo roon. Dinala niya ko sa harapan ng kotse niya at niyakap.

"Latrelle." Pinilit kong makawala pero mas malakas siya kumpara sa akin at bukod doon ay nanlalambot ako.

"Shhh. Sige na. Alam kong kailangan mo ang yakap ko." Dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ko kaya naman hindi ko napigilan ang luha ko na kanina pang nagbabadyang pumatak. Sana ay panaginip na lang ito at magising ako.

Spanish, and English Version of this novel is also available. Soon, Bahasa Indonesian version.

Thank you for your support guys kahit mabagal ako mag-update! Kaunting kembot na lang ay matatapos na.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon